Chapter 32

2.6K 140 32
                                    

32: Mr. Goblin

Bea

MABILIS AKONG sumilong sa waiting shed ng makarating kami doon ni Mr. Goblin. I don't know his name, and I didn’t bother to ask. Okay na yung Mr. Goblin ang tawag ko sa kanya. Mabait siya dahil pinasukob niya ako sa payong niya pero mukhang siya pa ang nakisukob dahil basa ang kalahati ng kanyang damit.

Nakaka-konsensya naman!

Paano kung magkasakit siya? Kargo de konsensya ko pa ito ngayon?

“The weather is very unpredictable.” Mr. Goblin said as he focused his attention on the sky. 

Makulimlim pa ang langit at may kulog-kidlat pa kaya sigurado ako na matagal ang magiging pag-ulan. Bukas ko na lang siguro itutuloy ang pamimili ng mga school supplies. Panira ng lakad ang ulan kaya bukas sisiguruhin ko na may dala akong payong. Napatingin din ako sa langit at walang ano-ano ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sinasalo ang tubig na bumabagsak sa bubong ng waiting shed na kinaroroonan namin. Gaya ng ginagawa ko noong bata pa ako kaya madalas ako mapagalitan ni Lola Esme.

Nakakamiss din pala maging bata pero pwede din naman ako magtampisaw sa ulanan gaya dati.

Pero hindi sa harap ni Mr. Goblin.

Kung si he who cannot be named pa siya pwede. Lahat magagawa ko sa harap niya at kahit gwapo itong katabi ko, loyal pa din ako sa kanya. Kahit ano yatang gawin ko ay hindi na siya maalis pa sa isipan ko. Ganito kalakas ang tama ko sa kanya pero sa bandang huli, hindi pa din siya ang pinili ko.

Was being ambitious bad?

Gusto ko na lang talaga makapag-aral at makatapos na para naman may maipagmamalaki ako sa kanya. Alam ko naman na kahit hindi kami nag-usap dalawa bago maghiwalay ay iyon din gusto niyang mangyari. 

Napatingin ako kay Mr. Goblin ng bigla siya magsalita. Akala ko ako ang kausap niya iyon pala ay may kausap na sa cellphone. Inihinto ko na ang paglalaro ng tubig ulan at naghihintay na lang na humina iyon bago lumakad uli papuntang sakayan ng jeep.

“Here, use this umbrella. This rain will not stop.” wika ni Mr. Goblin sa akin at inabot iyong payong na tinanggap ko naman.

“Paano ka?” Wait, naiintindihan ba niya ang sinasabi ko? Inglesero siya at pangalawang taong na-meet ko ngayong araw na may balak paduguin ang ilong ko.

“I can manage, don’t worry.” sagot niya sa akin.

“Sure ka talaga? Aalis na ako,” Paniniguro ko pa sa kanya. Tumango lang siya at ngumiti.

Weird?

Saan kaya siya galing?

Hindi ko siya nakita na lumabas sa convenience store kanina o baka masyado lang akong abala sa pagtingin sa mga picture ni he who cannot be named na hindi ko alam kung boyfriend ko pa ba. Sinabi ni Del na maraming na-aligid na girls sa kanya kaya baka tapos na nga talaga ang lahat sa amin. Kasalanan ko naman kaya wala akong karapatan na magreklamo. Binuka ko iyong payong at tuluyan na umalis doon.

Walang lingon-likod akong ginawa. Lumalakas na naman kasi ang ulan at ang tanga ko sa part na hindi ko kinuha ang pangalan niya o tinanong kung saan pwede isauli ang payong niya.

Bahala nga!

***

DAHIL sa malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa mga kalye ng Maynila kaya naging ma-traffic. Kahit saan banda akong lumingon, traffic, at mga stranded na pasahero ang nakikita ko. Doon napagtanto ko na talent pala talaga iyong paglangoy kasi laging ganito ang eksena dito at ang mga college students, waterproof! Immortal pa nga gaya ng mga nagtatrabaho na palagi nakakalimutan sa tuwing may bagyo o ‘di kaya kapag may suspension. Malalim akong napahugot ng hinga bago binalingan ang payong na bitbit ko. 

That Summer In BrooklynWhere stories live. Discover now