CHAPTER 19

1.8K 43 0
                                    

A/N:Sorry for the wrong spelling, wrong grammars, typo errors, and missing words.

C H A P T E R 19

Cassiopeia Feyre POV

MAS maaga at mas naunang dumating si Bianca sa hotel kung saan kami magchecheck in habang ginagawa ang misyon, sa isang hotel ang napag-usapan naming tagpuan para idiscuss ng pang madalian ang impormasyon tungkol sa target namin.

Ilang minute lang muna ang pinalipas ko sa labas bago pumunta sa hotel, tinungo ko ang desk at tinanong ko kung anong room number ni Bianca sa babaing receptionist agad naman nya itong tinignan, “nasa room 77 po sya ma’am sa third floor,” nakangiti nyang saad. Nagpasalamat naman ako at tinahak ang elevator.

I knocked three times before entering the room bumungad sa akin ang nag-aayos na si Bianca, “kanina pa ako naghihintay sayo, Val is right na never ka pang naunang dumating sa nakatakdang oras na pinag-usapan.”

“Sorry naman.”

“Anyways, nasa lamesa dyan sa likuran mo ang impormasyon ng target natin ngayon,” tumalikod ako, andun nga yung folder na tinutukoy ni Bianca kinuha ko ito at binuklat.

“Michael Dan male 35 years of age, he was the one who holds the records of the people who was related to the human trafficking,” saad ko habang binabasa ang information tungkol sa kanya.

“Yap, at ang misyon natin ngayon ay kunin ang mga files na naglalaman ng mga records sa mga taong involve sa human traffickings,” sabat ni Bianca isinara ko ang folder na hawak ko, “according to our informat he was currently at the K’s hotel ilang araw na syang andun inobserbahan lang sya ng informat natin para malaman nya kung doon nga talaga namamalagi si Dan bago nya pinaalam ang kinaruruunan nya, don’t worry may mga kasamahan natin na tutulong para sa misyon,” kinuha nito ang dala nyang bag at inilabas ng damit na susuotin namin, “ang tanong sino sa atin ang gagalaw at magbabantay sa sasakyan?.”

“Ako na ang kukuha ng mga files at para patayin narin si Michael Dan.”

“Wala ka talagang pinapalampas, records lang ang kukunin pero kung yan ang gusto mo hindi kita pipilitin maski naman ako ay siguradong hindi ko din sya bubuhayin,” ibinato nya sa akin yung damit ko, agad naman kaming kumilos.

Nakarating kami sa K’ s hotel, isinuot ko ang earpads ko, “be careful Freye huwag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak mo if it’s necessary na tumakas ka gawin mo na.”

I grin at her, “don’t worry hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko,” ibinato ko sa kanya yung dala dala kong cellphone, “hintayin mo ang video na papasok dyan, uunahin ko munang pasukin ang system ng CCTV footages nila.

NAGULAT ang lahat nang pabalya kong binuksan ang pinto ng silid kung saan naka monitor ang mga CCTV footage, “sino ka?”tanong ng isang lalaki, dalawang lalaki sila kaya madali lang ito.

Di ko sya sinagot mabilis kong inabot ang mga batok nila saka pinihit ang isang ugat dun kaya madali ko silang napatulog, hindi na ako nag-aksaya ng oras kailangan kong bilisan ang kilos. Tinungo ko ang monitor na nagcocontrol sa lahat ng CCTV at pinasok ang system nito, madali lang ito dahil naging kamay ko na ang paghack.

Napangiti ako nang tuluyan ko na itong mapasok, dali dali kong kinonek ang isang chip mula sa cellphone ko at tinype amg code nun kaya sigurado akong nakikita na ni Bianca ang video sa cellphone ko. Lumabas na agad ako ng silid na iyon at isinara ang pinto, nagtungo ako sa isang balcony kung saan madadaanan ang lahat ng room dahil sa hagdan ng fire exit.

Maingat ngunit mabilis ko itong naakyat hanggang makarating na ako sa kwarto ng pakay ko alam kong sa kanya ito dahil sa kakaibang disenyo, disenyo na pang pinakamataas na ranko. Gamit ang heels, buong lakas kong binasag ang bintana sira ang heels at basag ang bintana.

Seducing The Possessive C.E.O(COMPLETE✓)Where stories live. Discover now