Yamato: 11

1.6K 58 0
                                    

YAMATO’S POINT OF VIEW:

        Masaya akong sinalubong ng mga kasama ko sa trabaho na nasa locker room nang makita na nila ako na pumasok muli. Akala daw nila ay tuluyan na akong hindi papasok at magre-resign na, mga loko to ah nagkainjury lang resign agad.

        “Ano pare okay ka na ba talaga ha?” ang tanong ng kasaman ko sa trabaho na si Marso.

        “Oo okay na okay na ko, malakas pa kaya sa kalabaw to.” ang sabi ko.

        “Mabuti naman kung ganon pare, muntik ka na hindi umabot sa pagdating ng may-ari nitong restaurant sa susunod na araw. Mangagaling pa ng Japan ang pinaka-bossing natin, tapos ang sabi pa ni Ma’am Cathy ay kasama din na pupunta dito ang business partner niya, kaya importante daw na kung sino ang duty sa araw na iyon ay present kung tigok na, tapos na ang career.” ang sabi ni Marso habang nagpapalit ng uniporme.

        “Oh bakit naman matatapos ang career?” ang tanong ko.

        “Istrikto daw kasi yung bossing natin na yon, ayaw non ng may absent sa empleyado niya madalas daw kasi mag-check yon ng attendance ng empleyado niya.” ang sabi pa ni Mars.

        “Mabuti pala at saktong sakto ang pagpasok ko kung hindi ay patay ako, baka mamaya ay binigyan na ako ni Ma’am Cathy ng sched nun di ko pa alam.” ang sabi ko at hinubag ko na ang suot kong t-shirt noon para magpalit din ng uniporme.

        “Paano pare, una na ko sayo.” ang sabi ni Marso at lumabas na siya ng locker room para mag-in sa trabaho.

        “Oh sige pare susunod na din ako.” ang sagot ko naman.

        Pagkatapos ko mapalit ng uniporme para sa trabaho ko ay inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay ko ito sa locker ko. Nang mailagay ko na ay lumabas na agad ako para mag-in sa trabaho.

        “Oh Yamato, mabuti na ba ang pakiramdam mo sigurado bang kaya mo na?” ang tanong sa akin ni Ma’am Cathy ang store manager namin noong makita niya ako nang lumabas siya ng manger’s office.

        “Ah opo Ma’am, okay na po ako medyo may times na sumasakit yung batok ko pero okay na po ako, kayang kaya na po magtrabaho.” ang sabi ko naman.

        “Mabuti naman kung ganon, masaya ako na nakabalik ka na akala ko ay ay maghahanap na kami ng kapalit mo eh.” ang sabi ni Ma’am Cathy ng pabiro.

        “Si Ma’am talaga wala namang ganyanan.” ang sabi ko naman ng natatawa.

        “Biro lang, oh ano bibigyan na kita ng schedule sa mga susunod na araw ah.” ang sabi ni Ma’am Cathy.

        “Sige po Ma’am, gusto niyo po huwag niyo na po ako bigyan ng off ha-ha.” ang sabi kong pabiro.

        “Ha-ha hindi pwede yun baka yumaman ka naman maunahan mo pa ko. Naku sige na nga at mag-in ka na, i-check ko lang sila sa labas.” ang sabi ni Ma’am Cathy, tumango na lang ako at umalis na ito.

        “Uy nandito na pala ang boyfriend ko.” ang sabi ni Karina na kararating lang noong mga oras na iyon.

        “Uy Karina, ikaw pala.” ang sabi ko naman sabay time-in.

        “Grabe ka ha Karina lang talaga boyfriend.” ang sabi nitong pabiro.

        “Ha-ha para kang sira mamaya may makarinig sayo sabihin nila tayo talaga.” ang sabi ko naman, si Karina kasi ang pinaka ka-close ko na babaeng empleyado dun, nagtatrabaho siya don as cashier at kung minsan naman ay waitress. Madalas niya akong tawaging boyfriend pero wala talagang namamagitan sa amin bukod sa pagiging magkaibigan namin.

Rain.Boys: Sunny Love StoryWhere stories live. Discover now