Prologue

23 2 35
                                    

Matagal na panahon ko na rin talagang planong bumalik sa Pilipinas upang mag-aral at ngayong nakasakay na ako ng eroplano ay labis ang tuwa ang nararamdaman ko.

“Finally!” bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa labas ng eroplano. Nakaupo ako malapit sa bintana samantalang si Kuya Riki naman ay nasa aking tabi, mahimbing na natutulog habang suot ang kaniyang malaking headphone. Nakikita ko sa ibaba ang mga kabahayan na pinaliligiran ng anyong lupa at tubig at lalo iyong nagpa-excite sa akin dahil sa wakas ay narito na ako sa Pilipinas.

Si Tito Bang kasi, ayaw pa akong payagang umuwi. Baka raw makipagbasag-ulo na naman ako sa mga kaklase kong puro harot lang ang alam.

Well, masyado akong naiirita sa mga babaeng ganoon. Yung puro make up na lang para magpaganda sa room tapos iyong mga pulbo pa nilang halos pumasok na sa baga ko dahil sa sobra nilang pagpagpag sa kamay bago ilagay sa mukha. Sa sobra kong pagka-irita noon ay binato ko siya ng eraser ng blackboard na puno ng chalk kayaʼt napa-guidance ako nang mga araw na iyon. Kaya naman, napagdesisyunan ni Tito Bang na dalhin ako sa America upang ilayo ako sa kanila.

Nang makababa kami ni kuya Riki ay diretso lang siya sa paglalakad patungo sa labas ng airport samantalang ako naman ay halos madapa upang maabutan siya.

Bwisit naman ʼtong lalaking ʼto! Ang hirap kayang hilahin ng kaniyang maleta tapos may maleta rin akong akin. Sumbong ko talaga siya kay Tito Bang kapag nakauwi kami sa bahay.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng airport ay may naghihintay nang isang pulang kotse. “Dalian mo na riyan at baka ma-late ako sa pupuntahan ko,” maangas na wika ni kuya Riki habang suot ang kaniyang itim na salamin sa mata at ang kaniyang headphone ay nakasampay naman sa kaniyang batok.

As usual, maybe he called one of the drivers before we travel back to the Philippines and made them commute to go back to the house.

“Kung tinutulungan mo kaya akong ilagay sa trunk ang gamit mo! Eh ʼdi sana mapapadali ang buhay mo, senioro!” sarkastikong wika ko sa kaniya habang inis na inis na inilalagay sa compartment ng kotse ang pareho naming maleta.

Bago ko pa man mailagay ang aking maleta sa compartment ay pinaharurot na ni Kuya Riki ang kotse niya.

“H-hoy! Kuya Riki!” malakas na sigaw ko habang pinagmamasdan ang papalayong pigura ng kaniyang pulang kotseng walang bubong.

Putangina! Bwisit! Isusumbong ko talaga siya kay Tito Bang pagkarating na pagkarating ko sa bahay. Hindi pa naman kasi ako nakakabili ng sim card kasi ibang network provider ang sim ng phone ko ngayon. Wala rin akong dalang pera kung sakali upang ipambili ng bagong sim. Paano na ako makakarating sa bahay?!

Tinadyakan ko ang malapit na basurahan saka sinampal-sampal iyon. Halos masira na rin iyon ngunit nang mapansin ko na nakatingin sa akin ang mga taong naglalakad-lakad malapit sa aking tayo ay mabilis kong itinayo ang basurahang walang laman.

“Si Kuya Riki naman kasi eh!” nakabusangot ang mukhang wika ko sa aking sarili habang nagdadabog sa may tabi ng kalsada, sa labas din mismo ng airport kung saan ako iniwan ni Kuya Riki. Sino ba naman kasing tatagpuin ng mokong na iyon para mas piliin niya kaysa sa akin?

Argh! Nanggigigil na ako dahil sa galit at baka mamaya, kung sino na ang mahablot ko at hampas-hampasin. Kapag hindi talaga ako nakapagtimpi!

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa likod ng aking bulsa upang tingnan ang oras. Mag-aalauna na pala ng hapon habang ako ay narito pa rin sa labas ng airport, naghihintay na baka bumalik si Kuya Riki para sunduin ako.

Isang pamilyar na tunog ang aking narinig mula sa kalsada kayaʼt mabilis na napatingin ako roon. “Akala mo maiisahan mo ako ngayon,” bulong ko sa aking sarili saka hinagis ang aking maleta sa loob ng pulang sasakyang umaandar. Mabilis na tumakbo ako upang tumalon sa loob at walang kahirap-hirap akong napasakay sa loob ng kotseng walang bubong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His First SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon