Unang Kabanata

13 0 0
                                    

~
Palaso

"Ang kapal naman ng mukha para magnakaw."

Sinalubong ako ng isang mapanghusgang mata, inikot ko ang aking mata ngunit pinigil ko din nang dumating ang Reyna kasama ang  mga prinsipe at prinsesa.

"Magbigay galang sa mga kamahalan." May trumpetang tumunog hudyat na dapat magbigay galang sa kanila.

Yumuko kami, kung gusto ko pang mabuhay ay maging masunurin ka Heriya.

"Sino ang nagnakaw ng pinakamahalagang bagay sa loob ng palasyo?" Tinig 'yon ng susunod na hari, si Prinsipe Magnus.

"Ako kamahalan," Ang dami pang sinasabi gusto ko lang namang mamatay na para tapos na lahat ng ito at hindi na tutugisin si ina.

"Lalaki ang nagnakaw, 'yon ang nakarating sa akin." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Magpanggap akong lalaki kamahalan, nandito na ako harapan niyo't lahat ay ayaw niyo paring maniwala." Ako'y naiinip na hindi maaaring hindi nila ako paniwalaan, sigurado akong hahanapin nila si ina pagnagkataon.

"Ikaw bay hindi mo pinagtatakpan ang lalaking iyong iniibig." Nanlaki ang aking mata sa kanyang tinuran, anong iniibig ni wala nga akong kasintahan!

"Kamahalan, kahit ako'y inyong paimbestigahan ay wala akong lalaking laging kasama o naging kasintahan." Giit ko, hindi ko alam na ang simpleng imbestigasyon ay aabot dito.

"O sya, Prince Aenaes give this woman what she deserves."

"She's not the thief and my team was investigating if it, I saw his eyes and how he stared to me." Nilingon ako ng lalaki na dumakip sa akin, parang kumalabog ang puso ko nang ito'y ngumisi sa akin. "She'll be my slave." Ano raw?

"If that's what you want brother, just make sure who's behind this all. I'll go," Nagpaalam na ito, yumuko naman kami sumunod ang kanyang mga kapatid sa kanya.

Tanging ang mga maharlika,dugong bughaw at may antas lamang sa kahariang ito ang nakakaintindi ng ingles. At kaming mga mararalita ang walang alam, kaya naman ay hindi namin alam kung kami na ba ay kanilang iniinsulto o ano.

Hinila ako ng lalaking dumakip sa akin, lahat ng mga tagasilbi ay yumuko sa kanya. Marahil ay mataas ang kanyang katungkulan kung gano'n na lamang siyang yukuan ng lahat.

"Huwag mo na silang intindihin sadyang hindi nila kinaya ang katotohanang nahawakan ka ng isang prinsipe." Wala namang pagyayabang ang pagkasabi niyang 'yon pero ang dating sa akin ay talagang mayabang nga.

"T-teka?" Napahinto ako, nilingon niya ako ang kanyang apoy na mata ay sa akin lamang nakatingin.

Lumunok akong muli saka nagsalita, "Sinasabi mo bang ika'y prinsipe rin?" Nagtataka kong tanong, nasa pasilyo na kami kaya wala ng masyadong tao.

"Totoo ba?" Tinawanan ko lang ito, wala kasi sa kanyang hitsura. "Oh baka naman ikaw ay nagpapanggap lamang?"

"You didn't believe on me?" Tila Hindi makapaniwala niyang saad, nagtiim ang kanyang bagang, maging ang kanyang kamao ay handa ng manapak.  "I am a damn Prince woman!" Iniwan na niya ako, ni hindi man lang ba niya naisip na tatakas ako?

Sumunod lang ako sa kanya, nakita kong pumasok siya sa silid na may kulay pulang pintuan. Para naman isang malaking kasalanan ang hawakan ang pintuan na ito na gawa pa talaga sa brilyante.

Feel The BloodWhere stories live. Discover now