CHAPTER 4

3 1 0
                                    

🍁CHAPTER 4🍁

Dalawang buwan ng hindi umuuwi si Dale dito sa bahay simula ng mangyari ang insidente. Buti na lang at kaagad akong naagapan kong hindi malalagay kami sa panganib ng baby ko. 7 months na ang tiyan ko at malapit na akong manganak ni isa wala pa akong nabibiling mga gamit ipinagbawal ng doctor na masyado akong magkikilos.

Sobrang linis sa kwarto nito, walang ni isang picture namin ang naka display kahit sobrang dami naming album.
Im sure itinago niya o sinunog ang mga iyon. Tumayo ako at nagtungo sa drawer na kong saan nakalagay ang annulment papers tama nga ito pirmado na niya ang documento pirma kuna lamang ang kulang, hindi ba siya makapag-antay na pakasalan ang babaeng iyon.

Napabuga na lamang ako ng hangin at lumabas na ng kwarto.

"Manang pwede mo ba akong samahan sa market mamimili tayo ng mga gamit ni baby?"ngumiti naman sakin ang matanda.

"Ako na lang ang mamimili bilin ng doctor na huwag kang masyadong magkikilos"umiling naman ako sa sinabi nito. Im so excited na ipamili ng mga gamit ang anak ko.

Matapos ang ilang oras na paglilibot namin sa mall nakumpleto din sa wakas ang mga gagamitin ko sa panganganak. Nagyaya kaagad si Manang na umuwi dahil sa pag-aalala sa kalagayan ko.

"Sandali lang iha may nakalimutan akong bilhin babalikan ko lang"natawa na lamang ako kay Manang patakbong bumalik sa loob.

Inilagay kuna ang mga plastic at paper bag sa loob ng sasakyan. Napahinto ako ng mahagip ng paningin ko ang asawa ko kasama ang kabet niya, sa tingin ko namili din ito ng mga gamit sa panganganak.

Napahinto din si Dale at napatingin sa gawi ko, umiwas na lamang ako at pumasok sa driver seat. Bumuga na lamang ako ng hangin habang hinihintay na makabalik si Manang.

"Jen, can we talk?"napatingin ako sa labas ng bintana. Bakit kasi ang tagal ni Manang sa loob? Gustong-gustong makalayo sa lalaking ito.

Hinablot ko ang bag ko at kinuha ang annulment papers pagkuway inabot dito. Pero bago niya iyon maabot kaagad ko iyong binawi at pinunit sa harapan niya.

"Hindi ko pipirmahan ang annulment paper na hinihingi mo Dale"binuksan kuna ang makina ng sasakyan ng makita ko si Manang na papalabas, at pinasibad ang sasakyan papunta sa direksiyon ng matanda.

DALE's POV.

Mariin akong nakapikit sa harap ng dalampasigan habang dinadama ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Rinig na rinig ko ang maingay na alon kasabay ng pag-aalala sa nakaraan.

*Flashback*

Sabay kami ni Jen na naglalakad sa dalampasigan, habang mahigpit kong hinawakan ang kamay nito na tila ba ayaw ko ng makawala sakin, nakatitig lamang ako dito, para sakin si Jennifer Chua lamang ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko na ayaw na ayaw kong mawala.

Tumigil kami sa paglalakad at hinapit ang beywang nito papalapit sakin. Nagulat naman ito sa ginawa ngunit ngumiti din pagtagal. Nakatitig lamang ako sa mga mata nito na punong-puno ng pagmamahal, iwan ko ba kong bakit? Pero gusto ko lamang itong titigan sa ganoong paraan nararamdaman ko kasi ang puso ko na sobrang lakas ng kabog kapag tinititigan ko ito sa mata.

Inilapit nito ang mukha sa akin at ginawaran ako ng halik sa labi. Kaagad ko iyong tinugon at mas pinalalim pa ang paghalik dito.

"I love you"buong kong pagmamahal na bulong dito matapos kong bitawan ang mga labi nito. Nanatili itong nakapikit at nakayakap sa leeg ko, kaagad ako naman akong napangiti at inangkin ulit ang mga labi nito.

*End Of Flashback*

Napamulat ako ng mata ng may biglang yumakap sakin behind my back.

"Ano ba ang iniisip mo honey"napangiti ako ng marinig ang malambing na boses ni Rose Ann.

MY HUSBAND HAVE A LOVERWhere stories live. Discover now