DAGAT

2 0 0
                                    

Isang salita, limang letra
Nang unang masilaya'y kinabahan akong bigla
Takot, pangamba at paghihinayang ay aking nadama
Oh Kaibigan, bakit kaya?

Isang sasakyang pangkaragatan;
Tumambad sa aking harapan
Na animo'y panaginip lamang
'Di makapaniwala, ako'y napapikit na lamang.

Idinilat kong muli ang aking mga mata
Nasilayan ko ang taglay nitong ganda
Tunay nga'ng 'di maipagkakaila
Dahil ako'y tila nabihag mo na.

Isang umaga, ako'y nagmumuni-muni;
Tanaw ka nang malapitan at ako'y biglang napatili
Mga alon sa aking mga paa'y humahampas
At pintig ng puso ko'y biglang kumakaripas.

Kaylungkot isipin na dumating nga ang panahon
Ang panahon na ika'y aking lilisanin
Hindi ko nais subalit kailangan
'Wag mangamba dahil ika'y aking babalikan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DAGATWhere stories live. Discover now