Chapter 20

137 16 29
                                    

Nang sabihin niya iyon,alam kong may iba pa siyang gustong iparating

Ang awkward tuloy

"B-balik na'ko",tanging naisagot ko

"Sana wag mong piliin ang makakasira sa career mo",naglalakad na ko palayo ng biglang sabihin niya 'yon

Liningon ko siya pero tumalikod rin siya ka agad

She's so weird lately

Hindi ko siya maintindihan,may mga sinasabi at inaakto siya na parang may alam siya?

May alam naman siya saan?

Jeyn starting to make me stress huhu!

Pagbalik ko sa dorm, nadatnan ko silang nag aayos ng sarili,mga bagong gising

Si Stell naghihilamos,si Sejun nakaupo nakatulala,si Ken naman kumakain at si Jah naman nag cecellphone

Jusko!ito ang buhay namin behind the camera

Sa mundong pinasok namin na maraming camera ang nakatutok,maraming mga mata ang nakatingin ngunit pagkatapos ng lahat ng iyon bumabalik kami sa mga dati naming akto,hindi nabago ng bagong mundo namin ang aming nakasanayan

"Sa'n ka galing Josh?",tanong ni Ken habang kumakain

"Nagjogging lang",sagot ko

"Ah!kasama si Jeyn",aniya kaya tiningnan ko naman siya ng kunot noo

"Nakita ko kayo sa baba e",sagot niya at tinuro pa ang bintana na nasa gilid niya

"Nakasabay ko lang e",sagot ko

"Ang cold mo na sakanya lately ha",sagot ni Jah at tyaka humalakhak

Hindi ko na sila sinagot at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko na nag aayos ng buhok at nakaharap pa sa salamin

"May schedule ba tayo ngayon?",tanong ko

Magkikita kami e hehe!

"Meron mamaya",sagot ni Stell habang nagpupunas ng towel sa mukha niya

"It's time for practice",saad ni Ate Rose kaya't binigyan niya kami ng ilang minuto para mag ayos

Pumunta na kami sa studio kung saan kami nagpapractice noong participants palang kami

Nag warm up muna kami bago mag practice

"Nakakapagod,ilang ulit din 'yon ha!",pagtutukoy ni Jah sa practice habang break time

"Water?",nagpupunas ako ng pawis ko ng abutan ako ng bottle ni Jeyn

"Thanks",sagot ko at kinuha 'yon

"Ako wala?", pagbibiro ni Stell at tumawa

"Edi kung meron binigay ko na sa'yo di ba? obvious ba",pagsusungit sakanya ni Stell kaya tumawa naman ang iba kong kasamahan sa studio

"You guys really a good... friends ha!",hindi ko alam kung seryoso o pagbibiro ba ang sinabi ng isa sa staff namin

"Matagal na..matagal na kaming.. friends",sagot ni Jeyn at dinidiinan niya talaga ang salitang friends

"Spill the tea naman jan", pagbibiro nila at tumawa

"Warning bawal ma fall!",pag aawat naman ni Stell kaya mas humalakhak sila

"Wao naman!mahalagang paalala mula kay vester", pagbibiro ni Jah kaya binatukan naman siya nito

"Ewan ko sainyo!"singhal ko at tyaka napapailing at napipilitang ngumiti na lang

I Fell Inlove With a FanWhere stories live. Discover now