Chapter 8

2 1 0
                                    

My high school teacher once said that change is the only constant thing in this world. Lahat nawawala, naglalaho, but not change. For whatever season, century, or lifetime, change is always present. It is indeed timeless. And of course, hindi naman tayo nagbabago dahil lang sa wala. We change because of a certain reason. This reason is powerful enough to make us change. Pwedeng biglang may malaking turn over sa buhay natin, or pwede rin namang dahil sa may nawala, dahil may na-realize tayo. Whatever the reason is, we change and hopefully, this change is for the better.

Nagising ako ng masakit ang ulo. Nakakasulo rin ang liwanag ng araw na tumatagos sa kurtinang nasa mga bintana. Bumangon ako at pumunta sa CR ng treehouse. Umihi ako. Doon ko na lang napansin na naka-underwear lang pala ako at isang malaking t-shirt. Pagbalik sa kama ay nakita ko ang suot kong damit kagabi sa sahig. Basa ito. A! Oo nga pala. Nahulog ako sa dagat pagkalabas ko ng floating cottage kagabi at dahil sa sobrang lasing ko kaya siguro hindi na ako nakapagbihis ng maayos. Mabuti na lang hindi rito natulog si Max.

Tiningnan ko ang kama niya.

Kung hindi rito, saan siya natulog?

Nagsuot ako ng shorts at bumaba ng treehouse. Kalmado ang dagat ngayon at hibas, medyo malambing ang hampas ng hangin. Hindi pa naman masakit sa balat ang araw. Tinanaw ko ang floating cottage namin. Nandoon pa si Max. Do'n na siguro siya nakatulog.

Naglakad ako papunta sa floating cottage kung nasaan siya. Hibas naman kaya nilakad ko na lang. Pagkapasok ko ay napansin ko agad na mukhang malalim ang tulog ni Max. Gigisingin ko ba siya para makatulog ng maayos sa treehouse? Hay ewan.

Sandali...

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. Pisti! Muntik na niya akong mahalikan!

Tiningnan ko ang labi ni Max. Katulad pa rin ng dati, mapula ito. Hindi ko naman napigilang hindi hawakan ang sarili kong labi. Lumapat ba kagabi? Medyo lumapad ang ngiti ko. Hindi ko na rin napansin na tumatawa na pala ako mag-isa.

Loko-loko talaga ang Maximo na 'to. Pero bakit naman kaya niya ako hahalikan kagabi?

Kinuha ko ang bote ng brandy at pinukpok ng mahina sa ulo ko. Oo, ginawa ko iyon dahil ako si Simone Ohales San Miguel at nagtatanga-tangahan na naman ako. Nagtatanong na naman ako ng mga bagay na may obvious na sagot.

Syempre kaya lang naman niya 'yun ginawa e dahil lasing siya, at isa pa, dahil kaming dalawa lang ang nandito kagabi. Two broken hearts, two drunk people, alone together pa, tapos gabi, so naturally, tawag ng laman ang papakinggan namin.

Oopps! Papakinggan lang pala ng isa. Kasi hindi ko naman pinakinggan 'yung akin, e. At saka, wala rin naman akong papakinggan dahil hindi naman ako tinawag. Hello?

Pero ano kayang nangyari kung sinagot ko ang tawag? Ano kayang mangyayari if Max and I woke up today, sleeping beside each other, without our clothes on?

Napahawak ako sa kaliwa kong tainga.

Hindi maganda ang iniisip ko.

"Hoy, Max! Gumising ka na d'yan! Do'n ka sa treehouse matulog," hinampas ko ang binti niya.

Bumangon naman agad siya pero nakapikit pa rin ang mga mata. Nasusulo siya. Nagpalingon-lingon siya sa paligid niya, pagkatapos ay tumingin na sa akin nang mag-adjust na ang paningin niya.

"Saan ka natulog?" agad niyang tanong.

"Sa treehouse."

"Do'n ka natulog, tapos ako pinabayaan mo rito?" reklamo niya habang umuupo siya ng maayos.

"So responsibilidad kita? Sino bang may sabing uminom ka at magpakalasing? Ako ba?" masungit kong sagot.

"Ganda ng good morning mo sa akin, ha," tumayo si Max at mabilis na idinaan ang kanyang index finger sa ilong ko.

Try LangHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin