ARAW ng sabado ngayon kaya papunta ako sa tahanan ng mag-asawang Valdez. Kagabi, tinawagan nila si Nanay para turuan ko daw ang kanilang bunsong anak na si Hannie at babayaran raw nila ako. Hindi na ako nagdadalawang isip na tanggapin dahil sino naman ako para ayawin ang perang pambayad.
Malaking tulong na 'yon kung totoosin.
"Salamat po, manong," sabi ko habang bumaba ng tricycle. Sinundan ko muna ito ng tingin bago humarap sa bahay ng mag-asawang Valdez. Hindi ko parin maiwasan na hindi humanga sa ganda ng kanilang bahay, kahit ilang beses na ako pabalik-balik dito sa kanilang tahanan.
Ganito din ang bahay na pinapangarap ko para kina Nanay, Tatay at sa bunsong kapatid ko na si Jena.
Pinindot ko ang doorbell at ilang segundo ay ipinagbuksan ako ng isang kasambahay ng mag-asawang Valdez.
"Magandang umaga po, tiya Theodora!" bati ko sa kanya kaagad.
"Magandang umaga din, Ava na magandang dalaga! Oh, pasok ka na, kanina ka pa hinihintay ng mag-asawa." Tumango ako sa kanya saka pumasok sa loob. Napalapit ako kay tiya Theodora dahil sa pabalik-balik ko dito sa tahanan ng mag-asawang Valdez. Nong una, akala ko strikta ito dahil sa mukha na mayroon siya ngunit nong nakausap ko na siya, doon ko masasabi na hindi pala.
"Nauuhaw ka na? Gusto mo ba ng juice, Ava na magandang dalaga?" Napatingin ako sa kanya at nagbaba ng tingin dahil sa kahihiyaan. Kahit anong pilit ko sa kanya na Ava nalang ang itawag niya sa akin, ngunit hindi siya nakikinig. Ang dahilan niya ay nakikita niya sa akin ang kaiisang anak niyang babae ngunit namatay ito dahil sa sunog sa kanilang bahay noon.
Kaya minsan, nakokonsensya ako tuwing pinagsasabihan ko siyang Ava nalang ang itatawag dahil gusto niya ulit magamit ang salitang 'magandang dalaga' sapagkat pakiramdam niya kasi buhay parin ang nag-iisang babae niyang anak.
"Tubig nalang po, tiya Theodora," nahihiya kong sagot.
"Hintayin mo nalang ang mag-asawa dahil bababa na 'yon mayamaya." Tanging tango lang ang sinagot ko at sumenyas siya na umupo ako sa couch. Hindi ko muli maiiwasan hindi haplosin ang upuan dahil subrang lambot nito at hindi kagaya sa amin na gawa lamang sa kahoy.
Ang lambot.
Habang hinihintay ang mag-asawa ay tumingin-tingin ako sa paligid at napako ang aking paningin sa isang bahagi kung saan nakaayos ang isang malaking piano.
Hindi naman siguro masama kung lalapitin, hindi ba?
Tumayo ako at nilapitan saka dahan-dahan hinaplos ito. Subrang kintab nito at ni isang maliit na alikabok ay wala kang makita dahil sa linis nito.
"Ang ganda," hindi ko mapigilan na hindi humanga. Hahaplosin ko sana ulit ang piano ngunit awtomatiko akong napalingon dahil sa yabag na aking narinig. Dali-dali akong bumalik sa sala at nakita ko ang mag-asawang Valdez na nag-uusap.
"M-Magandang araw po," agaw ko ng atensyon. Sabay silang humarap sa akin at umarko ang isang ngiti ng ginang.
"Nandiyan ka na pala, hija. Hannie, bumaba ka na, bilisan mo!" Sumenyas siya sa akin na umupo at sumunod naman ako kaagad. Kakarating lang din muli ni tiya Theodora galing kusina habang may bitbit ng isang tray ng juice at baso.
"Salamat dahil pumayag kang turuan ang bunso kong anak, Ava," sabi ng ginang sa akin. Kaming dalawa lang ang narito dahil ang asawa nito ay may biglaang tawag na kailangan sagutin.
"Wala din naman po akong gagawin, ma'am, at saka wala namang tinda ngayon dahil sabado," sagot ko sa kanya. Tuwing sabado talaga ay binibigyan kami ng pahinga ng mag-asawang Valdez at magtitinda muli pagdating ng lingo.
YOU ARE READING
Because Of The Dare
Teen Fiction'Just because I did something wrong in the past, doesn't mean I can't advocate now.' Sa bata palang ay dalawang pangarap lang ang gustong matupad ni Divienne Ava, kundi ang makapagtapos ng pag-aaral: para makahanap ng magandang trabaho at makahaon s...