4

8.1K 508 134
                                    

I sighed as I ruffled my bangs with my fingers, slightly feeling how damp it was because of the pouring rain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I sighed as I ruffled my bangs with my fingers, slightly feeling how damp it was because of the pouring rain.

Seriously. . .I looked up at the dark rumbling sky. Kung kailan hindi ko nadala ang payong, t'saka pa nagbadyang umulan. Umaambon at tiyak na maya-maya, bubuhos na nang tuluyan ang ulan. Tinanaw ko ang lalakarin ko para makapunta sa pathway na mayro'ng silong. I have no umbrella.

Ibinaba ko ang tingin ko sa palda kong medyo may wisik na ng ulan. What's with me today? I forgot to bring my jacket too. Malamig ang hangin dahil sa ulan. I easily get sick---sana hindi 'yon mangyari.

I guess I have no other choice.

I sighed before I took my backpack and placed it in front of me. Kumuha ako ng pinakamalaki kong libro at agad na ipinatong 'yon sa ibabaw ng ulo ko bago ako umambang susuong sa ulan.

Pero bago pa man ako makatakbo, may payong na tumapat sa ulo ko at napa-angat ang tingin ko ro'n. I looked at who it was and I realized that it was Rave with his black retractable umbrella.

He stared at me like he was wondering why I'm about to run under the rain. Amoy na amoy ko ang pabango n'ya at mukhang medyo basa pa ang buhok n'ya mula sa pagligo. His face looked fresh and plump and his slightly swollen eyes made him look cuter. 

His eyes are shaped like almond but because they are swollen it looks slightly chinkier.

"Wala kang payong, June?" He smiled at me charmingly and my cheeks heated up. 

Ibinaba ko ang dalawang kamay ko na may hawak na librong gagamitin ko sanang panangga sa ulan. Bumaba rin ang tingin ni Rave sa libro ko.

"Nalimutan ko, eh," I told him. 

Tumango si Rave at tiningnan ang payong n'ya.

"Sabay na tayo," he said and I nodded as I returned the book inside my bag. 

Niyakap ko ang bag ko sa harapan ko at bahagyang lumapit pa kay Rave para magkasya kami sa payong n'ya. Nakayuko ako at pinagmamasdan ang mga paa naming naglalakad sa basa nang sementadong daan dahil sa ulan. Bahagyang nababasa ang balikat ko dahil mukhang hindi kami kasya sa payong pero hindi ko na lang 'yon pinansin. 

Nang makarating na kami sa pathway na may shed, humiwalay na ako kay Rave at hinintay s'ya habang itinutupi n'ya ang retractable na payong. I watched his shoulders and I realized that his one shoulder got wet by the rain too, mas malaki pa ang nabasa sa kan'ya kaysa sa'kin.

I wanted to point it out but I was too shy to do so so I remained silent. Sinuklay ni Rave ang undercut n'yang buhok gamit ang isang kamay at inangat n'ya ang tingin sa akin. He touched his wet shoulder and slightly brushed it off while still looking at me.

"Tara na?' He showed me his charming smile and I nodded before I held the strap of my bag. 

We were two feet apart. Sabay kaming naglakad papasok sa klase namin at hindi na ako nagtataka sa dami ng nakaka-high five ni Rave sa hallway. Kinuha ko na lang ang phone ko para abalahin ang sarili ko ro'n. 

Nang huminto si Rave nang may humatak sa braso n'ya para makipag-usap, hindi ko alam kung hihintayin ko ba s'ya o didiretso na lang ako paalis at papunta sa klase naming dalawa. Should I wait for him?

Kinagat ko ang labi ko at napagdesisyunan na lang na dumiretso na sa klase. Hindi naman ako kakilala no'ng humatak sa kan'ya. Baka weird 'yon kung hihintayin ko pa si Rave. Hindi naman kami magkaibigan kaya---

"June!" 

Agad akong napahinto at lumingon sa tumawag sa pangalan ko. Nakita kong nakataas ang kamay ni Rave para kunin ang atensyon ko. He was smiling. Ang kausap n'ya, nakatingin na rin sa akin dahil sa biglang pagtawag n'ya sa'kin.

"Wait for me," he smiled.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko habang nakatingin sa kan'ya. Why? Why would he want me to wait for him?

Pero kahit na nagtataka ako, hinintay ko pa rin si Rave dahil sinabi n'ya namang hintayin ko s'ya. May sinabi s'ya sa kausap bago s'ya bahagyang tumakbo para makahabol sa akin. He brushed his hair with his fingers and he grinned at me.

"Tara?" He said and I nodded. 

Nagsimula na kaming maglakad ulit. 

"Akala ko, magtatagal ka ro'n," I explained and he nodded. 

"Nakalaro ko kasi 'yon. Mukhang maglalaro ulit kami mamaya," he said.

Tumango ako at gustong tanungin kung ano ba ang nilalaro nila pero wala akong lakas ng loob para ro'n kaya tumahimik na lang ako. Kapag sinagot n'ya ang tanong ko, ano naman ang sasabihin ko pagkatapos?

"Dapat hindi ka nagpapa-ulan," aniya at nilingon ko s'ya dahil do'n. He adjusted the strap of his bag on his shoulder. "Uso ang sakit ngayon. It will be bothersome if you miss classes."

Tumango ako. "Nagdadala naman ako ng payong. Nalimutan ko lang ngayong araw," I told him. 

Nang makarating kami sa klase, nakita kong marami sa mga kaklase ko ang naka-jacket at hoodie. Marami ring payong na nakabukas sa likod ng klase, pinapatuyo ro'n. Binuksan din ni Rave ang payong n'ya at itinabi sa mga payong na nakabukas din sa likod ng klase.

"Rave! Good game last night!" Salubong ni Drew kay Rave na agad na natawa sa sinabi n'ya.

Tahimik akong pumunta sa upuan ko at nakita ko si Louisa na may suot na earphones at mukhang umiidlip. Umupo ako sa tabi n'ya, naririnig pa rin ang mga boses ng mga lalaking kaklase na mukhang nag-uusap na naman tungkol sa isang video game.

Kaya ba medyo singkit ang mga mata ni Rave kanina? Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang maalala ang mga mata n'ya. Did he sleep late because of playing? 

Cute.

Tumanaw ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang pagbuhos ng magaang na ulan. Pumangalumbaba ako at parang may kung anong kumikiliti sa puso ko habang naririnig ang boses ni Rave na nakikipag-usap sa mga lalaking kaklase. 

There's light rain. I wonder if the rain will get heavier later.

June Rain (Young Love Series #1)Where stories live. Discover now