0003

387 23 12
                                    

Rated ssssppppgggg!!

-------------------------------------------------------------

##

Someone P.O.V

"Nak' gising na at baka matraffic tayo niyan." Sabi ni papa habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

Actually mga tatlong beses na siya tawag ng tawag sa akin pero hindi ko talaga kayang maatim na makita o mapalapit sa kanya.

Hindi naman sa ayaw o galit ako sa tatay ko sadyang hindi ko lang kaya.

"Nak' si mama to, bumaba ka na at aalis na tayo." Pagtawag sa akin ni mama. Kaya naman tumayo na ako sa aking kama at kinuha ko na ang aking mga gamit.

"Si Papa?" Tanong ko kay mama.

"Nasa Cr at naliligo na." Sagot ni mama.

"Eh sila kuya?"

"Pumasok na sa trabaho si kuya uno mo tapos si kuya dos mo eh nakahilata pa sa kama, nalasing kagabi eh. Tapos si kuya Tyler mo naman eh maaga gumayak at sasabay daw siya sa bestfriend niya papuntang school" Si kuya uno at kuya dos ay kambal. Sila ay 8 years ang tanda nila sa akin bali 24 years old na sila. Kilala niyo na naman siguro kung sino ang mas matanda sa kanilang dalawa no. Si kuya Tyler naman ay 2 years lang ang tanda niya sa akin so 18 years old na siya at ako naman ang bunso, 15 years old-- I mean 16 na nga pala ako birthday ko kahapon.

Kaya naman bumaba na ako para naman makapag-almusal muna ako bago manlang kami umalis ni mama.

masaya kaming nagkwe-kwentuhan ni mama habang kumakain. Napalitan lang ang masaya kong mukha ng poker face nung may lumabas sa Cr, si Papa.

Ilang linggo na ng umuwi si Papa mula sa kanyang trabaho pero ni minsan di ko siya kinausap, nilapitan. Wala talaga akong sama ng loob sa kanya.

Sadyang may nangyari lang sa akin na sanhi ng pagka-trauma ko sa mga lalaki maski ang mga kuya ko ay di ko magawang kausapin at lapitan, kahit anong lapit at usap nila sa akin todo layo at iwas naman ang ginagawa ko.

Hindi maaaring malaman nila papa at kuya yon dahil hindi ko kaya, tanging si mama lang ang may alam at nakakaintindi sakin.

Habang nasa byahe kami ni mama papuntang sa bago kong eskwelahan, naglagay ako ng earphones sa tenga ko at pinikit ko ang mga mata ko dahil malayo layo ang byahe namin.

Isang teenager na lalaki ang kasalukuyang naglalakad sa madilim na kalsada ng cheezon city, pauwi pa lang kasi siya sa kanilang tahanan kakatapos lang kasi niya magpractice ng kanilang routine para sa cheerdance competition nila. General Rehearsal na nila ngayon dahil bukas na ang laban nila.

Nilalakad niya ang madilim na kalsada ng cheezon habang may nakasalpak na earphone sa kaliwang tenga niya at pinapakinggan niya ang music nila para sa cheerdance.

Nang may nadaanan siyang mga 3 lalaking masayang nag-iinuman ng white horse, tagay-tagay sila.

Nang malagpasan na ng binata ang mga nag-iinuman bigla namang may humawak sa braso niya at sa gulat niya ay nasapak niya ang lalaking humawak sa kanya na nagpangisi naman sa lalaki, ngising alam mong may masamang gagawin.

Agad naman humingi ng tawad ang binata dahil sa pagsapak sa lalaki at kumawala sa hawak ng lalaking manginginom at pinagpatuloy na ang paglalakad pero this time mas binilisan niya ang lakad niya.

Hindi pa siya gaanong kalayo pero pinigilan ulit siya ng lalaking pumigil sa kanya.

"Sama ka muna samin sa inuman." Pagyaya ng lalaki sa binata.

A.K.A MARIA CLARA (Hiatus)Where stories live. Discover now