BATTERED WOMAN

125 0 0
                                    

Isang malakas na sampal ang tila nagpabalik sa akin sa katotohanan mula sa isang napakagandang panaginip, ang mga nanlilisik na mata ng aking asawa ang nabungaran ko sa aking pag-gising, lasing nanaman siya kaya naman handang-handa nanaman ang kanyang mga kamao sa pananakit sa akin. Napapikit na lamang ako ng tumaas ang isa niyang kamay, inaasahan ko na ang malalakas na sampal na muli niyang ipagkakaloob sa akin, kaya naman awtomatikong yumakap ang aking mga braso sa aking sinapupunan, ngunit imbes na sampal ay hinablot niya ang aking buhok saka ako hinila pababa sa kama, halos madapa ako dahil na rin sa bilis ng kanyang paglalakad, hindi ko malaman kung ano ang ang aking hahawakan, ang nasasaktan kong ulo o ang maumbok ko nang tiyan.
Sa kusina niya ako dinala, pabalya niyang binitawan ang pagkakahawak sa akin saka ako itinulak sa tapat ng kalan.
"Putang ina! Pagod na pagod ako sa opisina at umaasa na may nakahanda ng pagkain sa hapag pero ano ang nadatnan ko? Ni hindi ka man lang nagsaing babae ka! Mas inuna mo pa ang matulog!!!" Gigil na sigaw niya sa akin kaya naman napatingin ako sa wall clock 8:30 na pala ng gabi, ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata! napasarap ang tulog ko!
"P-pasensya ka na, magluluto na ako. M-maligo ka muna habang inihahanda ko ang pagkain m-mo" nangangatog na ang aking buong katawan dahil sa pinaghalong takot at sakit ng mga kalamnan.
"Siguraduhin mo lang na nakahanda na ang pagkain ko mamaya pagbaba ko dito kung hindi malilintikan ka sakin babae ka!" Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang saka mabilis na kumilos kahit na masakit pa ang aking buong katawan dahil sa ginawa niyang pananakit kahapon at ngayong gabi. Agad kong nagsalang sa rice cooker ng sinaing saka ko naman hinarap ang pagluluto ng ulam, ilalaga ko na lamang ang manok na nakita ko sa ref tutal paborito naman ito ni Warren.
Maya't-maya ang ginagawa kong pagtingin sa orasan, mabuti na lamang at may katagalan sa paliligo ang asawa ko, nagbababad pa kasi iyon para marelax ang katawan niya. Hindi rin naman kasi biro ang minana niyang posisyon mula nang mamatay ang biyenan kong lalaki dahil sa heart attack, dahil sa "nagawa" ko raw na kasalanan at kahihiyan sa kanilang pamilya.
"Hindi ba't ang sabi ko ay dapat nakahanda na ang hapag pagkababa ko?!" Halos mabitawan ko ang hawak-hawak kong soup bowl dahil pagsigaw niya.
"I-ito na" mahilis pa sa alas kuwatro kong ibinaba ang bowl na naglalaman ng ulam sunod naman akong kumuha ng kanin saka agad iyong inilagay sa mesa. Napansin kong inilapit niya ang ulam saka kumuha ng konting sabaw pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagbato niya sa akin ng maliit na bowl na may laman pang mainit na sabaw, napahiyaw ako sa sakit gawa ng pagtama sa akin ng babasaging mangkok at sa sobrang init ng laman nito. Sa totoo lang ay naiiyak na ako pero hindi ko iyon gagawin sa harap ni Warren dahil lalo lamang siyang matutuwa kapag nakikita niyang umiiyak ako sa harap niya, kaya kahit matindi na ang pananakit ng balat ko na natapunan ng mainit na sabaw ay pinilit ko pa ring pigilin ang mga luhang nais magsi-alpas sa aking mga mata.
"Ginagalit mo talaga ako? Bulls.t! Walang lasa yang inihain ko sa akin!" Napapikit na lang ako sa narinig kong iyon, dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko natimplahan yung ulam,.
"S-sandali lang, aayusin ko lang. Wag ka ng u-umalis diyan" pigil ko sa kanya na makita kong tatayo nanaman siya, baka kasi umalis nanaman siya bahay at ilang araw nanamang hindi umuwi. Tanga na kung tanga pero hindi ko maiwasang malungkot kapag hindi ko nakikita ang asawa ko, kahit na alam kong may inuuwian siyang babae.
Agad ko ng binuksan ang kalan saka kumuha ng asin at konting paminta yun lang ang inilalagay ko sa nga pagkaing inihahanda ko para sa kanya, ayaw niya ng may iba pang inilalagay sa pagkain tulad ng msg.
Nung minsan ay nawaglit sa isip ko at nalagyan ko ng vetsin ang iniluto kong ulam ay katakut-takot na pambabatok at hampas sa braso ang ang inabot ko mula sa kanya kaya naman mula nung araw na iyon ay tinanggal ko iyon sa kusina.
Hindi naman nagtagal ay natapaos na ako sa aking ginagawa, kabisado ko na ang panlasa ng asawa ko, kumuha muli ako ng ulam saka dahan dahang inilapag iyon sa mesa, pero hindi ito kumilos. Alam ko kung ano ang gusto niyang gawin ko, ang pagsilbihan siya, ipinagsandok ko siya ng kanin saka ulam, pagkatapos ay sinalinan ko ng tubig ang isang baso at ang isa naman ay juice, kahit na mahapdi na ang paso ko ay patuloy pa rin ako sa pag-aasikaso sa kanya. Tila ba ako isang katulong dito sa bahay na ito, bahay na kung saan kami magkasamang nangarap na bumuo ng isang masaya at malaking pamilya. Pero mukhang malabo nang mangyari iyon lalo na at sarado na ang isip ng aking asawa sa kung anu mang pagpapaliwanag ang nais kong sabihin sa kanya.
Nakalulungkot lang, tila isang bulang naglaho ang limang taon naming pagsasama dahil lamang sa kasinungalingan ng ilang tao, kasinungalingang mas pinili niyang paniwalaan kaysa sa akin na asawa niya.

to be followed,,,,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BATTERED WOMANWhere stories live. Discover now