Kabanata 2

1.4K 34 2
                                    

A Beautiful Mistake

Kabanata 2

"Thank you, Katya..."

She chuckled. "No worries—what is your name again?"

"Katie Maire—"

"What?! Are you serious?"She almost screamed.

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Anong problema, Katya?"

Tumikhim siya at nagbaba ng tingin. "Uhm... I'm sorry for that it just....."She said and then sniffed.

Bahagya ako nagulat nang bigla siyang umiyak.

"Anong nangyari?Ayos ka lang ba, Katya?"natataranta kong tanong.

She wiped her own tears and smiled at me painfully.

"Your name... it reminds me of my one and only friend. You know I miss her so much that's why I'm..."

I nodded. Telling her that I fully understand her. Slowly I grabbed her hand. I caressed it sofly. "Kung nasaan man 'yung kaibigan mo paniguradong namimiss ka na rin niya."

Suminghap siya at sunod-sunod ang ginawang pag tango. "I'll pray to god na sana magkita na kayo ng kaibigan mo as soon as possible para hindi ka na malungkot."malambing ko sabi, bahagya akong natigilan ng maramdaman ang sariling luha.

Bakit ako umiiyak?

"Thank you, Katie. I owe a lot!"She said, I just nod my head.

After that we continued eating our foods. Andaming pagkain na inorder ni Katya at lahat 'yon ay mamahalin. Nakakalungkot nga dahil hindi namin naubos ang mga ito, marami pang hindi nagagalaw. Nasasayangan ako... lumaki kasi ako na laging pinapaalala ni tatay at nanay na h'wag mag sayang ng pagkain dahil maraming nagugutom at maraming hindi nakakakain. Huminga ako ng malalim at kinuha ang perang binigay sa akin ni nanay. Dalawang libo ito, ibibigay ko na lang kay Katya ang isang libo para sa kinain namin at itatago ko na lang ang isang libo para sa apartment ko. Sana lang ay makakahanap ako ng murang apartnment.

"What is that?"Katya asked, habang kausap ang waiter.

"Pera—"

"Of course, that is money!"She cut me off and rolled her eyes playfully at me."Ang ibig kong sabihin para saan 'yan?"

"Ambag ko.... pasensya ka na 'yan lang 'yung pera k—"

"No! No! You don't need to pay, okay?"natataranta niyang tanong. "And please don't feel bad? cause I totally understand at ako rin naman ang nag-aya sayo na rito tayo kumain kaya sagot ko na ito."

"Pero—"

"No buts, Katie. Let's go? I'm full and tired. And I know you too."sabi niya at ngumiti sa waiter.

"Thank you for coming, Ms. Silberman we are hoping that you enjoy our foods."magalang na sabi ng waiter kay Katya.

Tumawa si Katya at tumango-tango. "No biggie! And yes, we enjoyed the foods."

The waiter bowed her head at us before leaving. Kinuha ni Katya ang kanyang sling bag at ngumiti sa akin. "Let's go?"

I smiled and nodded. Nauna siyang naglakad sa akin kaya naman kitang- kita ko kung gaano kaganda ang  hulma ng katawan niya. Para siyang model sa sobrang sexy niya.

Buong byahe ay may kausap si Katya sa cellphone niya. Nanay niya siguro dahil tinawag niya ito na mama kanina. Habang ako naman ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang kagandahan ng lungsod. Sobrang saya ko siguro ngayon kung kasama ko si Annabelle habang pinagmamasdan ang mga malalaki at magagandang gussli na dinadaanan ng sasakyan ni Katya. Panigurado pag nandito si Annabelle ay magagandahan at mabubutihan din siya kay Katya.... miss na miss ko na ang kapatid ko at sigurado ako miss niya na rin ako. Mapait akong ngumiti habang nakatingin sa mga bituin sa langit.

BACHELOR SERIES 1: A Beautiful MistakeWhere stories live. Discover now