Five

26 4 2
                                    


Dinala ni Miyagi ang bola pero inagaw ni Kirisaki ang bola.

" Kirisaki!" Sabi ni R. Miyagi#7.

Gumawa ng 1-handed slam dunk si Kirisaki.

SHOHOKU 007

KANJIRO 021

Tumawag ng time out si Coach Anzai.

" Charge Time Out! Shohoku!" Sabi ng Referee.

" Buti nga lang tumawag si Coach Anzai ng time out." Sabi ni Coach Takato ng Kainan.

" Mukhang ang bilis agad napagod sila." Sabi ni Kiyota. " Hindi sila yung nakalaban natin sa Elimination Games noong tatlong buwan. Shoyo sa Division 2 habang ang Ryonan ay nasa Division 3 ng Kanagawa District League."

Nagpahinga ang mga starting five ng Shohoku.

" Grabe talaga." Sabi ni R. Miyagi#7. " Mas lalo hindi gumagana ang ating Box One at Isolation. Ang laro nila ay parang katulad sa Kainan."

" Kailangan natin mapagal ang laro." Sabi ni  Coach Anzai. " Basketball Transition ang playing style nila."

" Coach. May plano ba kayo?" Tanong ni Kogure.

" Dapat mapababa natin sa anim o apat na lamang kahit dalawang lamang lang." Sabi ni Coach Anzai. " May advantage tayo dito para sa pagdating ng Second Half, gagamitin natin ang tempo ng laro basta't mapabagal natin. Kakuta, palit ka muna kay Miyagi."

" Bakit ako?" Tanong ni Kakuta.

" Kailangan ng tangkad mo para tapatin yung point guard ng Kanjiro." Sabi ni Coach Anzai. " Palalaruhin kita ng maraming minuto hanggang matapos ang First Half."

" Sige po Coach." Sabi ni Kakuta. " Mag warm up na ako."

" Ito na ang plano natin...." Sabi ni Coach Anzai at sinabi niya sa mga manlalaro ng Shohoku.

Mamaya lang, tapos na ang pahinga ng Shohoku at bumalik sa court.

" Team! Alam niyo na kung ano ang dapat gawin natin! Basta't patuloy tayo umatake at pagurin ang Shohoku." Sabi ni T. Kirisaki#4.

Dinala ni Kakuta ang bola pero inagaw ni Kirisaki ang bola at pinasa kay Itoshima at tumira ng 3-point shot at pasok.

SHOHOKU 007

KANJIRO 021

" Pasensya na." Sabi ni S. Kakuta#9. " Nagkamali ako."

" Huwag mo na aalahanin yon Kakuta." Sabi ni H. Sakuragi#10. " Basta't concentrate tayo doon sa stratehiya ni Coach Tanda."

Dinala ni Kakuta ang bola habang binabantayan siya ni Nadamuro. Nag screen si Sakuragi at hinarang niya si Nadamuro.

" Ano?!" Sabi ni S. Nadamuro#10.

Tumira ng 3-point shot si Kakuta at pasok ang tira.

SHOHOKU 10

KANJIRO 24

" Ang galing mo Kakuta!" Sabi ni Shiozaki.

" Nice shot Kakuta!" Sabi ni Ayako.

Dinala ni Nadamuro ang bola.

" Magingat tayo." Sabi ni S. Nadamuro#10. " Mukhang nagbabaligtad ang sitwasyon." 

" Balak nila gawin dalawang puntos ang lamang." Sabi ni T. Kirisaki#4. " Subukan nila. Sa Second Half, mas magiging agresibo tayo."

Slam Dunk Varsity Saga: Tune-Up Game: Shohoku versus KanjiroWhere stories live. Discover now