Prologue

15 2 1
                                    

"Ms. Gozon, you're late!" Halos mabingi ako sa pambungad na bati sa akin ni Mrs. Mendoza, ang aming head.


Umagang-umaga ay nagbubunganga siya. Di ko din naman siya masisi dahil ngayon lang namin mamimeet ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan namin.


At putcha! Gusto meeting agad! Wala man lang welcome party? Nangangamoy workaholic boss. Mas gugustuhin ko pa ang bungangerang department head namin.


"Sorry ma'am I had an emergency this morning," pag-eexplain ko.


Tinignan lamang ako ni Mrs. Mendoza bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at nagsalita. "Prepare the files for the meeting, at siguraduhin mong flawless ang lahat! Chop chop!"


Dalawang beses pa itong pumalakpak simbolo na mag-umpisa na kaming lahat sa kanya-kanyang trabaho. After that ay bumalik na siya sa kanyang office, while I walked towards my station para simulang ayusin ang mga file at presentation na kakailanganin mamaya. Isa ako sa mga empleyadong naka-assign for this presentation with the CEO. And this proves kung gaano ako ka-competent na empleyado, ako lang naman to.


Good thing that I finished my tasks on time. Sakto, nagtatatalak nanaman ang aming head. Nasa menopausal age na rin siguro kaya ganito ito, parating mainit ang ulo. Matapos ang mahabang seremonya ng aming head ay nagumpisa na rin kaming maglakad patungo sa conference hall.


"Uy, hindi ka man lang ba kinakabahan?" bulong sa akin ni Emma.


Isa siya sa mga katrabaho ko na napili rin for this presentation. Isa rin sya sa pinakamalapit kong mga kaibigan. Magkakilala kami since college at ewan ko ba kahit noong umalis ako eh hindi niya ako tinatantanan, hanggang sa nasanay nalang akong lagi siyang nakadikit sa akin. Hindi lang naman kaming dalawa ang magkaibigan may lima pa pero bihira nalang kami magkita dahil na rin sa busy kami sa kanya-kanyang career.


"Bakit naman? Wala naman tayong problema sa mga files at maayos na ang presentation," kalmado at pabulong kong sagot sa kanya habang naglalakad pa rin kami.


"Ay sanaol confident," mapagbiro nyang komento.


Hindi na ako sumagot pa sa komento nya. I've presented in front of clients before na halos ibaon ako ng buhay dahil sa mga attitude nila. Saka, ang Head naman ang magpe-present kaya wala ng dapat ikakaba pa. Safe! Pero para sure, double check ko nalang mamaya.


As we arrive at the conference hall, we sat on our seats and prepared for the presentation. I double checked the papers to make sure na wala ng problema. Nang matapos ako at nasiguradong okay na ang lahat ay nag-excuse na muna ako para lumabas ng hall.


As soon as I'm out, I took out my phone and dialed my mother's number.


"Ma, kumusta diyan ngayon?" I leaned on the wall habang kausap si mama.


"Ano ka ba? Dalawang oras palang kaming bumibyahe!" may bahid ng inis sa tono ni mama. Can't blame her, tawag kasi ako ng tawag whenever I get the chance. Nakukulitan na rin siguro.


"Eh si Aqui?"


"Eto tulog pa ang anak mo pano ba naman kasi sa sobrang excitement eh late na natulog kagabi."


Napangiti ako sa sarili ko as I imagine my child na mahimbing na natutulog sa mga braso ni mama.


First field trip ni Aquila ngayon, my daughter. At dahil sa biglaang pagpapakilala ng aming CEO ay hindi ako nakasama. Pangit kabonding ng boss ko!


Matapos ang ilang mga paalala'y binaba ko na ang tawag sakto namang tinawag ako ni Emma dahil parating na daw ang CEO. Pumasok kaming muli sa loob at bumalik sa mga upuan namin nang bumulong ang aming Head.


"Ms. Gozon, I want you to present mamaya," biglaan at walang emosyon niyang sabi.


Gulat akong tumingin sa kanya. Habang siya naman ay parang wala lang at binabasa pa din ang mga papeles. Mukhang kinarma ako ah! Akala ko pa naman safe na! Magsasalita sana ako nang biglang bumukas ang pinto at nagsitayuan ang ang mga tao, mukhang nandyan na ang boss namin.


I looked at the man walking from the door. Ine-expect kong matandang lalaki ang aming boss pero base sa postura'y mukhang bata pa ito. Di ko siya gaanong maaninag dahil nasa dulong bahagi kami ng kuwarto. Hinayaan ko na lamang ito at yumuko.


"Good morning, everyone," sambit ng isang pamilyar na boses.


Gumapang ang kakaibang lamig sa buong katawan ko. Matagal na rin nung huli kong marinig ang tinig na ito.


"I am Altair Harris Domingo. I'll be the CEO of Dominus starting today."


Matapos ang pagpapakilala na iyon ay agad namang nagsipalakpakan ang mga empleyado at directors ng kumpanya na naroon sa hall. Wala sa sariling nakipalakpak rin ako bago nilingon si Emma.


Nagkatinginan kami ng kaibigan. Noong una'y nakakunot ang noo nito, ngunit maya-maya'y napalitan ito ng nakakalokong ngiti. Pinandilatan ko naman siya ng mata. Alam ko kung ano ang nasa likod ng ngiting yan! Sasabunutan ko talaga siya kapag gumawa siya ng eksena!


Nang tumigil ang mga palakpakan ay pinaupo na niya kami. Doon ko lamang siya napagmasdan, mas mature na ang itsura niya ngayon at mukhang kagalang-galang, at mas gumwapo.


Napangiti ako roon, mukhang okay lang naman siya. Wala na akong dapat isipin o ipag-alala pa. Akala ko'y hihimatayin ako sa kaba kung sakaling magkita kaming muli pero kalmado at kahit papaano, masaya akong makita siya.


I just stared at him from afar, masyado siyang malayo, ang hirap abutin.


"Baka matunaw si CEO niyan," bulong sa akin ni Emma.


Inirapan ko lamang siya at pinagaralan ang mga papeles. Wala na rin namang saysay kung magkikita pa kami, isa pa'y hindi ko alam kung gusto niya pa akong makita. I left him years ago.


I left because I don't want to destroy his soon-to-be family 7 years ago.


I left with our child, for him to be free.




:#

The Curse You've Given (Cloudburst Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang