Don sa Vito Cruz

8 0 0
                                    

"Mahal kita pero pinili kong umusad na. Hindi na 'to tama" And again. Beverly Cumla's spoken word poetry hits me. It's been a decade already pero hanggang ngayon, Mahal ko pa rin siya. Don. 'Yan ang pangalan nya. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko. Pinunasan ko agad ito. Inayos ko ang damit at pinagpatuloy ko ang pag blow dry ng buhok ko"Ava Kimberly. Umiiyak ka na naman. Diba sabi ko sa'yo tama na. Ilang taon na nga kayong 'di nagkikita!" Para akong baliw no? Pinagsasabihan ko sarili ko. Lol.

Habang nagme-make-up ako ay biglang tumawag yung bestfriend ko. "Anong problema mo, Ms. Lara?" Tanong ko sa kanya sabay tawa. Madalas siyang tumawag sa'kin at minsan siya pa nga ang gumigising sa akin. "Teh. Alam kong napanood mo na yung bagong spoken word poetry ni Bevs. Tamang tama ka no?" Pang-aasar niya. "Gago." Sagot ko naman sa kanya at saka kami tumawa parehas. Mga baliw no? "Gaga sige na, male-late na naman ako." Sabay baba ko ng telepono. Hindi talaga kami nagpapaalam sa isa't isa like "bye, babush, babye, and many more." Kasi naniniwala kami na goodbyes are forever.

Lumabas na ko dahil isa't kalahating oras nalang ang natitira at dapat nasa trabaho na 'ko. Kasi pagagalitan ako ng manager namin.

I live in Monumento. Nagrerent lang ako ng apartment. Para malapit sa LRT. My parents are in Bulacan. Isang sakay lang naman from here kaya umuuwi ako tuwing saturday afternoon and babalik na 'ko.  kapag sunday night.

Nakarating na ko sa LRT at bumili ng ticket.
Pagkatapos ay inayos ko na yung bag ko at naghintay ng tren. Bigla na namang tumawag si Lara. "Hey! Where are you?"  Bungad niya at parang nagpapanic yung boses. Kaya nag alala ako. "Miss, nahulog mo" may kumalabit sa akin at inabot yung lipstick ko. "Thank you" pagpapasalamat ko sa nakapulot ng lipstick ko. Hindi ko na tinignan yung lalaki dahil nag aalala ako kay Lara. "Gaga may concert yung SF9 sa November 22 punta tayo!" Nakahinga ako nang maluwag, yun lang pala yung sasabihin niya. "Jusko ka sis! Kinabahan ako sa'yo. Check ko sched ko. Sige na andito na yung Tren" at binabaan niya ako ng telepono. Kapal ng mukha nung babaeng yun ah. Natawa nalang ako. Sakto namang dumating yung tren and gladly, hindi puno.

Pagpasok ko ay naupo agad ako dahil marami namang bakanteng upuan. I was about to get my airpods when i saw a familiar face. Don. He's here. Same Train at the same time. What's the odd of it actually happening? Nakatitig lang ako sa kanya habang papunta siya sa direksyon ko. Nag-flashback lahat ng memories namin together. Sa Sto.Niño, sa 7/11, sa dulahay, sa school, sa Tarlac, sa Malolos, sa Bocaue, at marami pang iba. "Hey"  bati niya na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. "Uy" i greeted back. Nagulat ako nung umupo siya sa tabi ko. "Wala namang nakaupo dito no?" Tanong niya. Umiling lang ako with an awkward smile on my face. "You look good" puri niya sa akin. "Self, wag kang ngingiti. Hindi pwedeng makita ka niyang kinikilig." Bulong ko sa sarili ko. "Thanks. Ikaw din." Sabi ko habang kunwaring inaayos ang bag ko. He looks so fine. Better actually. Syempre, may work na. Alam kong architect siya and he earns a lot. Also, mukhang naaalagaan nang maayos ni Yana.  "Anong work mo?" Basag niya sa katahimikan "Hotel Receptionist. Sofitel" sagot ko naman sa kanya. "Really? Sa Sofitel? I am going to check in there next week. Since malapit don yung project namin ngayon. Baka naman may discount ako" he laughed. Yeah. Sa sofitel. I'm earning a lot. 30k a month? Plus may online business din akong cosmetics. pero pang-bayad lang sa rent ng bahay, utility bills, life insurance, and savings ko. Plus nagbibigay ako kala Mama since nag aaral pa yung bunso namin. More or less 20% nalang yung panggastos ko a day. Excluding the pamasahe. "Receptionist ako, Hindi ako yung may ari. Lol. Ang laki laki ng kinikita mo as an Archi eh" pambabara ko sa kanya. He pouted. "Bakit alam mo?" Pagtataka nya. "That's your dream job right? Plus nakikita ko sa ig stories nila Renz" defensive ang ate mo. Syempre no. Baka isipin niya stalker ako. "By the way, Thanks for the yearly Birthday Gifts." He said then he smirked. Oo. Pinapadalhan ko siya ng gifts every birthday niya. May masama ba? Parang nakasanayan ko na e. Some of them are books, painting materials, cakes, bookmarks, watch, and moree. "Yeah." I sighed. "So kumusta kayo ni Yana?" Tanong ko. napansin ko kasing hindi na siya masyado nagtitweet about her. "We're fine" he said with a smilr on his face. "oh. That's great" okay. Aaminin ko. Umasa akong break na sila. But he said that they're fine. So confirmed na sila pa rin. After 9 years. Wow. Just wow."ikaw?  Do you have a boyfriend?" Tanong nya na ikinagulat ko. "Vito Cruz station, Vito Cruz station" buti nalang at isinalba ako ng LRT.

Tumayo na ko upang bumaba kaya lang biglang nagdagsaan papasok ang mga tao kaya naman natapilok ako. "Aray!" Nakaheels pa naman ako. Sinubukan kong ilakad ngunit bigla akong natumba. Buti nalang ay may sumalo kaagad sa akin. Lumingon ako at nagulat nang makita kung sino ang nakahawak sa akin "Don?" Napatayo ako agad ng maayos dahil baka mabigatan siya sa akin. "Let's go" hinatak niya ako palabas sa tren. "Bakit ka ba kasi nakikupag unahan? Kita mong andami daming tao" tanong niya sa akin gamit ang tonong parang naiinis. Hindi ko nalang siya sinagot at inayos ang bag ko. Pagkakita ko sa relo ko ay 10 minutes nalang at malalate na ako! Naglakad ako kaagad kahit na masakit ang paa ko. "Shit. Shit. Shit" lagot na naman ako nito. Nagulat ako ng biglang may bumuhat sa akin. Pa-bridal style pa. "Come on, ihahatid na kita sa work mo" oo na! Kinilig na ko don pero nagpumilit akong bumaba ng maalala kong may girlfriend nga pala siya. "Ibaba mo na 'ko! Baka mamaya may makakita sa atin. Magsumbong pa kay Yana. Mag-aaway pa kayo." Sabi ko sa kanya. "No. Hirap na hirap ka kaya" naiiinis na ko kaya naman ginamit ko na ang huling alas. "Please? Hindi kasi ako komportable" Binaba naman niya ako at inalalayan nalang pababa. Nasa baba lang naman kasi ng station yung sofitel. "Thank you" sambit ko bago ako tumalikod. Papasok na sana ako ng bigla niya akong hatakin. Hawak niy ngayon ang kamay ko. "Welcome. And i just want to clarify something. Wala na kami ni Yana. But we're fine. We broke up three years ago. She has her own child now." Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko. "You take care." Huling mga salita niya bago tumalikod at umalis. Natameme ako. Teka! Ano nga uli sabi niya??!

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jun 21, 2022 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Don sa Vito Cruz (One Shot)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum