Chapter 1

11 0 0
                                    

Mausok, maingay samahan pa ang mga lasing na kahapon pa nag bibidyuki. Walang humpay kung makakanta, para namang walang kapitbahay at walang pamilyang inaatupag.

Puro nalang kasi bisyo ang karamay lalong lalo na kapag nasa skwater area ka, masyadong mahirap ang buhay.

Hindi narin ako nakatulog ng maayos dahil sa walang humpay na pag bibidyuki ng aming kapitbahay kaya napagpasyahan ko nalang gumising at simulan ang araw ko ng kape.

Kinuha ko muna ang isang mug at lumabas ng bahay, may hulog hulog piso naman na maligamgam na tubig at hindi na ako nag aksayang magpainit pa ng tubig dahil ako lang naman ang iinom atsaka tipid narin ako sa butane no. Mahal kaya ang bala nuon, bente isa.

Agad naman din akong bumalik sa lungga ko at nagtimpla ng tira kong Kopiko Blanca twin pack, hays wala naman akong kahati ng twin pack dahil single parin ako hanggang ngayon at hindi ko naman pinagsisihan yon.

Hindi naman ako ganoon ka panget, maganda naman ako yun nga lang wala akong masyadong curves at yan ang isa sa mga insecurities ko.

Ganun paman ay masaya naman ako na ako lang at wala akong jowa, dagdag pasakit ulo at bayad yan nu! May mga pa gift pa na aalahanin, may pa suprise suprise pa, sanay libre yon di naman.

Napitlag ako ng may malakas na kumatok sa pipitsugin kong pintuan. Nangungupahan lang kase ako dito sa Alaska, Mambaling.

Hindi maginaw dito dahil mainit din dito sa Cebu, pinagtitiyagaan nalang dahil ako lang naman ang inaasahan ni inang at itay na makapagtapos ng pag aaral sa siyudad.

Ako kase ang panganay at ayoko naman madagdagan ang babayarin nila inang kaya pinipilit ko na mag trabaho ako kahit first year college palang ako sa isang prestihiyosong unibersidad dito sa Pinas.

"Ano ba naman yan Psyche! Kelan ka ba magbabayad ng renta mo? Ano?! Lage nalang akong nagbibigay ng palugit sayo? Ha? Lumabas ka diyan!" Sabi ni Manang Rita. Siya ang may ari ng apartment na pinagtitiyagaan ko kahit butas butas naman ang bubong. Pero hindi ako nag rereklamo ha? Sa halagang one thousand per month ay mura na ito kesa sa ibang paupahang bahay na kay mahal naman.

Unti unti kong binuksan ang pintuan ko at nakita ko ang pamumula ng pagmumukha ni Manang Rita. Badtrip siguro to dahil narin hindi din ito nakatulog kagabi.

"Magandang araw po Manang Rita, ganda niyo po ngayon ah? Ano pong gamit niyong sabon? Kojic po ba?" pangbobola ko sa kanya. Maitim kase si Manang Rita at sinuggest ko na mag kojic siya at baka pumuti siya at hindi iwan ng asawa.

Akalain mo ba naman malapit nang mag 60 ang asawa nito ay may asim pa. Pumapatol sa mas nakababata at napaka chicksboy. Akala mo naman kung gaano ka kisig eh taba nga ang nangingibaw sa katawan nuon eh

"Ano ka ba naman Psyche! Oo ginamit ko ang kojic na sinabi mo saakin, nawawala na nga crinkles ko ih" wrinkles po hindi crinkles. Hindi nalang ako sumabat at nginitian ko nalang siya ng pagkatamis tamis.

"Ay wag mo akong ngiti ngitian diyan Psyche! Mura na nga ang renta ko sa bahay nato hindi ka pa nagbabayad. Kelan ka ba magbabayad ha? Ikalawang buwan mo na ang hindi nagbabayad ng renta. Alam mo naman kapos ako ibibili ko pa to nang kojic ko para sabi mo nga di ako iwan ng asawa ko" aniya.

"Manang naman kase, iwan mo na asawa mo ih wala na ngang ngipin yun kahit may asim pa. Wala ka nang matutuka doon, mauubusan ka lang ng hangin pag nagchukchukaan kayo" bulong bulong ko pero alam ko namang nakikinig siya

"Anong sabi mo Psyche? Anong bulong bulong mo diyaan! Bumayad ka na nga kahit 500 lang. Para naman mabawasan utang mo! Hay nako kang bata ka! Pasalamat ka at maganda ka at maputing kutis kundii nakooo.... Gusto ko mag kakutis tayo, akin na!" sabi ni Manang Rita atsaka nag iling iling pa ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destined to Meet, AgainWhere stories live. Discover now