Kabanata 23

453 19 1
                                    

NAGISING ako dahil sa pakiramdam na parang may nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at agad na bumungad sa akin si Sig na titig na titig sa akin. He smiled when he saw me already awake.

"Hmm?" I asked him but he just gave me a sweet smile.

"Morning," he huskily said and kissed my forehead.

"Maganda pa ako sa umaga." He chuckled and enveloped me with his arms. "Anong oras na ba? Wala ka bang gagawin ngayong araw?" Tanong ko dito.

"I told you, I'll make time for you." Napa-ngisi ako sa sinabi niya.

"Gusto mo lang talaga ako makasama araw-araw." Bawi ko dito pero tinawanan niya lang ako.

"Anong gusto mo gawin ngayong araw?" Bigla akong napaisip sa sinabi niya.

"Movie marathon?" Agad kong na-realize kung anong sinabi ko. "'Wag na lang pala. Nagbago na isip ko." Mas lalo siyang tumawa dahil doon.

"How 'bout beach? Let's have a vacation kahit isang araw lang." Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. "I know that you feel stress this past few days. So do I." Aniya at marahang hinaplos ang buhok ko.

"Sige, gawin na 'tin 'yon. Sa susunod na linggo na din naman ang examination na 'tin, malapit na tayong mag-tapos ng college." Naka-ngiti kong sabi sa kanya.

"Hmm, let's reach our dreams together." Biglang nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "I want to be with you while reaching my dreams." He whispered.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa susunod. Oo nga't maayos pa kami ngayon, pero paano bukas? Sa susunod na araw? Buwan?

Alam ko na kahit hindi niya sa 'kin sabihin kung anong ginagawa niya ay meron itong kinalaman sa pagkawala ng pera sa kumpanya nila.

"Baby?" Hindi ako sumagot at isinubsob lang ang mukha ko sa kanyang dibdib. I can't answer you right now, Sig. Alam ko na kapag lumabas na lahat ng katotohanan ay baka ikaw pa mismo ang lumayo sa akin.

He sighed and hugged me tightly. Ramdam ko pa ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko hanggang sa muli akong dinalaw ng antok at nakatulog ulit.

Muli akong nagising at nakitang wala na sa kwarto si Sig. Tumingin ako sa orasan at halos limang oras pala akong natulog. Hapon na din ako nagising.

Pupungas-pungas akong tumayo sa higaan at lumabas ng kwarto para hanapin si Sig kung nasaan ito. Nang makita ko siya ay agad akong napangiti. Pero hindi lang siya ang nandoon. His family are with him.

"Alessio, anak... Pag-isipan mo itong mabuti." Mabilis akong nagtago sa gilid at hindi na magawa pang i-hakbang ang paa ko ng marinig ang boses ni Tita Anna.

"Mom, I know what I'm doing. Ako ang hahawak ng kumpanya na 'tin kaya alam ko ang dapat gawin." Are they talking about their company? Alam na ba nila kung anong ginawa ng mga magulang ko?

Hindi na ako nakinig pa at mabilis na bumalik sa kwarto. Hindi dapat ako makinig sa usapan nila. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago muling lumabas.

Sumalubong sa akin si Sig at mukhang wala siyang kausap kanina sa ayos niya. Parang wala siyang pinoproblema pero ang totoo ay alam kong sobrang laki na nito.

"Good afternoon, do you want to eat?" Tinitigan ko ang mukha niyang masayang nakangiti sa akin.

"Yup! I'm sorry if nakatulog ulit ako." He smiled and reached my hands.

"Syempre ikaw pa ba? Malakas ka ata sa 'kin." Ngumuso ako dahil doon.

Inakbayan niya ako hanggang sa makarating kami sa dining area ng kanyang condo. Wala na din ang magulang niya kaya siguro pinuntahan niya na ako sa kwarto.

Moon TearsWhere stories live. Discover now