Chapter 22

18.3K 629 257
                                    

"Babe, may chika ako sayo." bungad ni Cassy. Ayoko sanang sagutin ang tawag niya kasi kagagaling ko lang ng photo shoot. I'm so tired and I just wanted to rest. Pero ewan ko din ba pagdating sa kanya nakukonsensya talaga ako kapag hindi ko siya sasagutin.

Minsan kasi tumatawag lang ito para ngumawa dahil hanggang ngayon hindi pa rin nakaka-move on sa lintek niyang ex-boyfriend. Si Jordan na walang bayag. Letse!

Kung sana nagfocus na lang siya sa bagong buhay niya sa states e di masaya pa. Ang kaso hanggang ngayon stalk pa rin ng stalk sa gagong lalaki na wala namang ginawa para ipagtanggol siya. Mama's boy ang gago!

"Babe still there?" Tanong nito ng hindi ako nagsalita.

"Make it fast Cassandra, I'm so sleepy." Sagot ko habang nakapikit. Inaantok na kasi talaga ako. Wala din kasi  sa ayos  si Cassy minsan kapag tumatawag. Walang sense parin pero hindi ko naman matiis.

"Wag ka mabibigla ha..." pa thrill pa nitong sabi na ikinairita ko. Kung mabibigla pala ako e di sana wag niya na lang sabihin. Baka sa labis na kabiglaan mahimatay pa ako dito konsensya niya pa. Napaka wrong timing talaga ng babaeng to.

"Cass, I'm tired. I don't have time for this shits." warning ko sa kanya dahil totoo naman talagang pagod ako. I did three photo shoots today. Daig ko pa ang may sampung anak na pinapakain sa pagkayod kalabaw ko.

Bukas dalawang photo shoots naman and after that  I have a practice for the show next week. Punong-puno ang schedule ko this week kaya pagoda ang beauty ko. Pero salamat na lang din dahil pre-occupied ang utak ko dahil kundi baka ako ang tatawag kay Cassandra at ngumangawa na parang tanga.

I've been making myself busy para hindi ko maalala ang mga iniwan ko sa Pinas, lalo na si...sina Mommy at Daddy. Sina kuya at Ava pati na din ang kambal at ang bagong baby namin na si Troy.

"Cassy ano?!" Singhal ko sa kanya. May sapak talaga ang babaeng to,kahit malayo siya sa akin alam niya talaga kong paano ako inisin.

" Kasi ano girl...si ano...si.." pabitin niya pa. Naku kung malapit lapit lang to sa akin kanina ko pa 'to kinutusan. Ang daming arte sasabihin din naman may pa ano ano pa. Ugh! Nakakainis. Gusto ko na talagang ibaba ang phone ko.

"Ano ba Cassandra sabahin mo ba o hindi?" naiirita kong putol sa kanya. "Last na lang talaga at ibaba ko na itong phone."

"Kasi si ano...si Spank me Daddy...I saw him, he's with a girl." Agad akong natigilan pagkarinig sa tawag ni Cassandra sa kanya. Para akong nabingi sa aking narinig. Parang tinambol ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito. 

"They looked so sweet. Nakita ko ang mukha ng babae. Maganda, maputi at blue ang mata." Pagpapatuloy niya. "Grabe makatitig si Spank me daddy sa kanya girl, yong tipong si baby girl ang pinaka maganda sa buong mundo." 

At talagang parang kinikilig pa si Cassandra. Hindi rin marunong makiramdam ang babaeng to e. Manhid din ang gaga, gusto siguro akong idamay sa pagiging miserable  niya.

"Nakita ka ba niya? Did you guys talk? I asked,baka sakaling nakita siya nito at nagtanong tungkol sa akin. Hoping.

"No he didn't see me, tsaka hindi rin kami nagkausap, nakay baby girl lang yong mga mata niya." At dinagdagan pa talaga. Hanggang ngayon slow pa rin tong si Cassandra, hindi niya ata nararamdaman na hindi pa ako totally move on kay gurang. Kung maka bida akala mo talaga botong boto siya dun sa babaeng blue ang mata para kay Nathaniel.

Para ng pinipiga ang puso ko. Alam kong kasalanan ko rin naman dahil iniwan ko siya,pero tang-ina lang ang sakit pa rin pala. Ilang buwan na ba ang lumipas pero bakit hanggang ngayon masakit pa rin? Bakit nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko siya?

Tainted Series # 2: The Broken Billionaire (Nathaniel Devon Castillo) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora