Dark 34: Get me out

89 7 0
                                    

Stephen's POV

"Masyado silang mabilis. Nakakainis!"

Padabog kong binuksan ang pinto at kaagad na sumalampak sa sofa. Tinignan lang naman ako no'ng dalawa habang dumiretso sa kusina si Giovanni.

"Calm down, Stephen. It's already expected anyway," sabi ni Ethan.

Napairap lang ako.

Nauna kasing umalis ang Queens kanina sa HP at binalak namin silang sundan pagkatapos no'n. Pero mukhang nahalata nila kami at inutakan sa daan.

Halos magpaikot-ikot na nga kami sa area na ito para lang mailigaw nila kami. Syempre hindi ako nagpatalo pero sa huli, we still lost them.

Napairap ako ulit habang inaalala iyon. Tama naman si Ethan na expected na namin iyon. Demon and Fear are both champions in racing at pareho pa silang street smarts katulad ko kaya sure na talo talaga kami.

Kaya ko naman manalo at kung tutuusin, kaya ko din naman iyon. Pero ano bang laban ng isa sa dalawa? Tapos van pa iyong dina-drive ko at laki-laki no'n.

Fuck talaga.

Bumalik naman si Giovanni dito sa sala at inabutan ako ng tubig.

"Uminom ka muna, pampakalma."

Kaagad ko iyong kinuha at isang lagok lang na ininom. Inabot ko iyon kay Giovanni at sumandal sa sofa.

"Kuhanan mo pa ako ng isa."

"Ang galing mo naman," sabi niya. "Sapat na iyong isa. Kung gusto mo pa, ikaw na kumuha."

"Kapre!"

"Giovanni nga ang pangalan ko! Hindi Kapre!"

Inirapan ko lang siya bago inagaw iyong baso sa kamay niya at nagmartsa papuntang kusina. Kusa niya akong aabutan ng tubig tapos kapag nanghingi ako, ayaw niya.

Naka-shabu yata 'yon eh.

Binuksan ko iyong ref sa kusina at kinuha iyong isang buong pitsel sa loob. Hindi na ako gumamit ng baso at kaagad na uminom doon.

Ayos ito para kumalma naman ako kahit kaunti lang. Nakakainis na nga ang heiresses, tapos nakakainis din ang Queens.

Tapos kung iisa nga sila? Fuck. Hindi ko na lang alam at baka maatake ako sa puso at mamatay nang maaga.

Napatingin naman ako kay Black nang pumasok siya. He looked at me at sa iniinom ko kaya napakunot noo ako.

"Gusto mo din?"

Inabot ko sa kanya iyong pitsel pero walang kaemo-emosyon niya lang akong tinignan.

"Yuck."

Napanganga na lang ako habang umalis na siya ng kusina.

"Napaka-attitude mo talaga, Bato! Kung ayaw mo, edi huwag!"

Nakakainis na nga ang heiresses at Queens, tapos nakakainis din ang Kings. Ano bang klaseng kamalasan 'to para sa napakagwapong tulad ko?

---

Friday na ngayon at dahil absent kami kahapon, kinailangan naming maghanda ng excuse letter. Pero syempre si Ethan na ang bahala doon.

Kaya naman na niya iyon.

Katatapos lang naming mag-rounds sa GCU at ngayon, papunta na kami sa classroom namin. Hinihiling ko nga habang papunta kami doon na sana wala ang heiresses.

4 Dark KingsWhere stories live. Discover now