CHAPTER 53

915 17 1
                                    


Anu? N-nandyan siya?” Ito ang gulat na wika ni Lexid nung tawagan siya ni Amanda.

Yes and guess what? Naalala mo nung nasa Morocco tayo during our training nung sinabon niya ako ng walang banlawan? Ganun ang ginawa niya sa akin at mas malala pa dahil hindi niya lang ako sinabon, binanlawan niya pa ako kasama bleaching!” Ito ang inis na inis na balita niya sa kaibigan habang siya ay nasa medical personnel quarters area ng mansion kinagabihan para sana gumamit ng computer.

“Bakit, ano na naman bang ginawa mo, baka pumalpak kana naman. Eh alam mo naman yan, mas istrikto pa sa istrikto pagdating sa medical related stuff.”

“Eh yun na nga, naiintidihan ko naman siya kasi nagkamali nga naman ako at muntikan ng makapatay per—“ hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nung biglang may humablot sa cellphone niya sa kanyang kamay at laking gulat niya nung mapagsino niya iyun.

“Pero anu?Hmm?!” Ito ang seryosong wika ni Vierre na hawak hawak ang kanyang cellphone sa kaliwa nitong kamay at nakataas pa ang isa nitong kilay.

“I-Ikaw? K-kanina ka pa nanjan?” Ito naman ang gulat na saad niya na nanlalaki parin ang mga mata habang nakatingin sa cellphone niya na nasa mga kamay ni Vierre.

“Sa lakas ng boses ng isang babaeng walang delikadesa na kung makapag-sumbong sa kaibigan niya tungkol isang bagay na kasalanan naman niya, abay talagang makakatawag ito ng pansin.” Vierre said sarcastically with his compressed eyebrows. “S-so na-narinig mo nga?!”

“Of course! Who wouldn’t, how freak!” Ito ang sagot ni Vierre at akmang aalis na sana ngunit sinigawan siya ni Amanda.

“Hoy! Saan ka pupunta?!” Natigilan si Vierre dahil dito kaya naman lumingon siya. “Why? Ayaw mo akong umalis?” Pilyo niyang tanong na siya namang paglapit ni Amanda sa kanya.

Feeling ka, yung cellphone ko, hawak mo lang naman!” Ito naman ang sarkastikong wika nito at akmang kukuhanin  na sana ang cellphone ngunit itinaas ni Vierre ang kanyang kamay na may hawak nun. “Ah ito ba ang kailangan mo? Kunin mo!” Pilyo niya pang wika bago iwinagay-way ang kanyang kamay sa hangin holding the phone na pilit namang inaabot ni Amanda.

“Ano ba Vierre, akin na nga yan! Anu ba!”

“You want it? Then reach for it.” Pang-aasar namang sagot ni Vierre na nang-iinsulto pa din.

“Vierre anu ba, ibibigay mo yan o—“

“Oh anu? Sasampalin mo ako? Susuntukin? Anu- galit ka sa akin diba? What are you planning to do?” Pilyo niyang muling wika dahilan para mainis lalo si Amanda.

“Isa pa Vierre, sasampalin na talaga kita, back to back pa, gusto mo?”

“Oh di sige, gawin mo, oh, here’s my face. Sampalin mo na!” Pang-aasar muli ni Vierre na bahagya pang yumuko para ilapit ang mukha niya kay Amanda ngunit sa halip na kamay ang tumama sa kanya ay ang mga mata ni Amanda na agad nitong binawi.

“Anu, hindi mo kaya?” Pang-aasar niyang muling wika matapos umiwas ng tingin si Amanda na bahagya na ring umatras para lumayo sa kanya ngunit disidido siyang asarin ito kaya naman ay kung gaano kalaki ang bawat hakbang ni Amanda paatras mula sa kanya ay ganun din kalaki ang hakbang niya papalapit dito hanggang sa bumangga ang likod ni Amanda sa computer table na nasa likod nito.

Kahit doon ay sinundan parin siya ng paghakbang ni Vierre so she has no choice but to lean backward ngunit sadyang pilyo si Vierre dahil yumuko ito to leaning towards her with his arms leaning towards the edges of the table with her between them. In short, she was locked in between Vierres arms kaya wala siyang magawa kundi ang sumandal pa patalikod bending her back the best and the hardest way she can habang umiiwas parin sa mga mabalasik na mga mata ni Vierre.
 

ISLAND AFFAIR Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt