089

683 47 40
                                        

Ethan's POV

Sa dami ba namang alaala ko dito sa school na 'to, iba't ibang emosyon na ang nararamdaman ko. Masaya pero may halong lungkot. Dalawang taon, pero hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

"See what I told you." Agad akong napalingon sa mga tao na kakarating lang.

"Hyung, tara na sa baba. Nag-uumpisa na ang program." Sabi ni Johnny, nasa likod naman niya 'yong iba. Nagkukumpulan na parang mga langgam. Suot namin ang mga lumang uniform, ewan ko nga kung paano ako nagkasya sa suot ko.

Tumango ako sa sinabi ni Johnny at sabay kaming bumaba galing sa rooftop. It was the place kung saan ko siya unang naging close. At hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. I miss her. We miss her.


"Jake, silent mo yata."

"Benjamin, college ka na't lahat-lahat, pero conyo ka pa rin."



Ayon 'yong dalawa nagsasagutan. Mag-aaway pa, eh mahal naman nila ang isa't-isa. Siyempre as a squad, section e-skwad.

Pababa pa lang kami ng hagdan, dinig na dinig na namin 'yong musika mula sa may gymnasium. Kasunod ko lang sa paglalakad si Jay at nasa pinakalikod kami.

"Weird mo ngayon," sambit niya. Napanguso nalang ako at nilapit ang mukha sa kanya. Aba, sinampal pa ang mukha ko kasi kadiri daw. Eh, naglalambing lang naman ako sa kanya. Arte talaga, hmph.

Maayos akong naglakad papunta sa may hallway. Sobrang tahimik pa talaga, siyempre Sabado ngayon tapos kami lang ang tao. Gago, kabado ako wampepti baka may multong sumusunod sa amin.

Dala na rin ng takot napahawak ako kay Jay. Ang taas pa kasi ng hallway papunta ng gymnasium, tapos natatakot na ako.

"Punyeta ka hyung, anong ginagawa mo?" Tanong nito kaya kabado akong napangiti at mas lalong kumapit sa kanya.

"Baka kasi may multo."


"Multo, saan?!"

"Ghost, where?!"

"Gago hyung, in-english mo lang e'."




Si Jake na matatakutin, ayon at doon kumapit sa pareho niyang matatakutin, si Benjamin. Ang tahimik kaya, sinong hindi matatakot. Noon keri ko pa since maraming tao pero ngayon 'di na.

"Walang multo, hyung. Sisipain ko kapag meron." Sabi ni Johnny at 'yong mga mas bata ang unang naglakad. Ang tapang, nahihiya naman ako sa sarili ko. Pero it's better to be safe, kasi pag-inatake ako, si Jay itutulak ko. Oh, 'di ba gandang ideya.

Nang makalampas kami sa dati naming room, biglang may kumalampag.


"Peste!"

"Sam hyung, huwag ka ngang tumili."


Mas mahigpit akong napakapit kay Jay, kasi akala ko matapang 'to. Pero ang loko kumapit din pala sa akin. Takot din pala sa multo ang animal.

Nakatayo lang kami sa harap ng room namin noon. Section IV-E. Daming alaala ko dito pero kailangan pa nagkamulto diyan?

Si Johnny ang unang lumapit sa may bintana, wala yata siyang makita, kaya ayon pinasok ang room. Tapang ng lolo niyo, ni hindi man lang kami sinama sa kanya. Nanatili kami sa labas, magkakayakap habang nanginginig ang tuhod sa takot.




"Noona?"

Napatingin kami sa isa't-isa nang marinig ang sinabi ni Johnny mula sa loob ng room. Halos kaming lahat gulat dahil sa sinabi niya. At wala niisa sa amin ang gumalaw man lang.

Si Yvonne ba ang tinutukoy niya?

Nang makabalik kami sa huwisyo, sabay kaming naglakad papasok sa room. Si Johnny nandon lang nakatayo at gulat.


"Yvonne?"


Bulong ko nang makita siyang nakaupo sa pinakadulo, malapit sa may bintana. Mukhang nagulat din siya nang makita kami kaya agad siyang napatayo.

Isa-isa niya kaming tinignan, and just like us, nakasuot din siya ng uniporme. Nag-iba ng kunti ang mukha niya, she became more beautiful.

"H-How are you?" Mahina niyang sabi at saka nag-iwas ng tingin. Isa-isa kaming napangiti at lumapit sa kanya.


"We miss you."


Sabi ni Jay habang nakapalibot kami kay Yvonne. Hindi ko talaga maiwasang mapangiti, lalo't alam kong bumalik na siya.

Maliit siyang napangiti at saka napakamot ng ulo. Pakiramdam ko nahihiya na siya sa amin.

"Guys, upo muna kaya tayo. Mukhang wala nang space si Yvonne daily dikit na dikit na tayo." Suggest ni Jake kaya napatango kami at naghanap ng upuan. Si Sam at Johnny ang pinakamalapit sa kanya tapos ako naman ang kaharap niya.

She looks awkward pero kami masaya lang, kasi sa wakas, kompleto na ulit ang e-skwad. At hindi namin makakalimutan na kaibigan namin siya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, basta ang saya ko lang talaga. This is the best day of my life!


"Kumusta na, jowa ko?" Sam started kaya mahinang napatawa si Yvonne at napatingin sa aming lahat na parang naninibago. Wala namang nagbago sa amin eh. Pati sa nararamdaman ko...

"Ayos lang..." Tipid niyang sabi kaya napangiti nalang ako at napailing. Ang ganda pa rin niya, walang pinagbago.

"It's been matagal, babe. 'Di mo ba kami namiss?" Benjamin said kaya napatawa kaming lahat dahil sa pagka-conyo niya.


"Di ba kayo galit sa akin?"


"No, we aren't. To be honest, noon pa kami naghihintay na bumalik ka o kontakin man lang kami." Saad ni Jake habang ako prente lang napapangiti dito. Kung panaginip lang 'to, parang awa niyo na, huwag niyo akong gisingin.


"Saan ka ba galing noona?" Tanong ni Riki.

"Sa mars."

"Si noona ka ba, Sam hyung?"


"Pero seryoso, saan ka talaga galing Yvonne?" Matapang kong tanong habang nakatingin sa mga mata niya. Aish, para na akong nababaliw dito.

"Sa states." Sagot niya at mahinang tumawa. She glanced at all of us. "I missed you."

"Group hug nga diyan." Pangunguna ni Sam kaya ayon at naggroup hug kami. Dami kong memories kasama siya kaya wala na akong mahihiling maliban dito. Ako ang pinakadikit sa kanya, siyempre naman.

"Aalis ka pa ba?" Tanong ni Jake kaya agad kaming kumalas at tinignan si Yvonne. Malawak siyang ngumiti at umiling. Taena, ang saya ko. Rold, salamat sa araw na 'to!

I love you, Yv— este rold hihihi.

"Wala na pong lalandi."

"Luh, 'di naman us maharot eh."

"Benjamin, isang-isa nalang talaga!"



I'm so happy right now kaya ayon pati program, nalimutan namin. Instead na sumali sa program, lumabas kami ng school at kumain ng kwek-kwek.

Nagtrip to kwek-kwek kami kagaya noon. Alexa play Memories by Maroon 5.

I love these memories, with them— with her. Forever we are,

E-skwad.

Section IV-E | Enhypen FFWhere stories live. Discover now