Pahinga

465 8 1
                                    


May mga bagay sa mundo na gusto nating mangyari,
May mga bagay na gusto natin matupad at manatili.

Ngunit hindi natin alam kung paano natin ito makakamit,
Hindi naman natin pwede na tadhana ay ipilit.

Marami tayong bagay na gustong matupad,
Minsan tayo ay naiinggit sa taong mapapalad.

Tila ang sarap isigaw sa mundo,
"Sana ganun din ako", "Sana meron din ako ng buhay na meron sa'yo".

Siguro nga tama sila,
Na ganito pala ang bunga sa taong mahilig magbasa,
Lalo na kung malayo sa reyalidad ang tema.

Sabi nila, napakalayo sa reyalidad ng mga binabasa nating mga istorya,
Wala naman tayong magagawa dahil tama sila,
Pero kahit ganun pa man hindi ako titigil sa pagbabasa,
Dahil para sa akin, ito ang aking pahinga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unspoken PoetryWhere stories live. Discover now