Prologue

9 0 0
                                    

LA VIE EN ROSE
PROLOGUE

(TW)

xxx

Hindi 'to totoo— iyan ang ipinagkatatak ko sa aking isipan. Paulit-ulit ko itong sinasabi habang diretsong nakatingin sa sarili kong repleksyon sa salamin.

Nandito na naman ako— muli kong sabi sa'king sarili.

Nakakulong na naman ako sa isang tila kahong silid. Kulay puti ang paligid, may salamin sa harapan, at ang nag-iisang bumbilya ay patuloy sa pagpatay-sindi.

Patuloy lamang ako sa pag-iyak, at pinagmamasdan ang rumaragasang luha mula sa aking mga mata. Sa kabila ng tila walang hanggang katapusang pagluha, ni-hindi ko masabi na may nararamdaman ako, ni lungkot o galit ay wala. Blangko.

Nanginginig ang dalawang duguang kamay, habang ang buong katawan ko, mula ulo hanggang paa, ay basang-basa. Humihikbing dumapo ang mata ko sa paanan ko. Ngayon ko lamang napagtanto na wala akong suot na kahit anong sapin sa paa.


Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, kahit na bigla na lamang nagbago ang buong paligid. Nanatili kong pinanonood ang unti-unting pagbabago ng paligid.

Mula sa sementong sahig, napalitan ito ng mamasa-masang lupa kung saan may mga nagkalat na tuyong dahon at mga putol na sanga.

Wala na rin ako sa isang tila kahon na silid. Wala nang salamin sa aking harapan, wala nang nagpapatay-buhay na bumbilya na kahit papaano'y nagbibigay liwanag sa paligid ko.

Napapalibutan na ako ngayon ng kadiliman. Kahit saan ako lumingon ay mga nagtataasang puno ang nakikita ko.

Nang tumingala ako sa madilim na kalangitan ay saka lamang bumuhos ang malakas ulan at may halong kulog at kidlat, na sinabayan ng hangin na siyang naging dahilan ng pagsasayaw ng mga puno at paglipad ng mga tuyong dahon sa paligid.

Napasigaw na lamang ako nang ibalik ko ang tingin sa harapan ay nakita ko ang isang lalaking tila umiiyak ng dugo. Nakangiti sa aking harapan habang ang leeg ko'y sapo ng dalawa niyang kamay.

Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay niya sa aking leeg ngunit tumatagos lamang ang bawat pagwawaksi ko sa kan'ya.

Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko magawa. Naninigas ang katawan ko at tanging pagsigaw lamang ang kaya kong gawin sa oras na ito.

Sumasabay sa malakas na sigaw ko ang dumadagundong na ingay ng kulog at ang liwanag na nagmumula sa kidlat. Habang ang lalaking nasa harapan ko ay tumatawa ngunit wala akong naririnig na boses na lumalabas mula sa kan'yang bibig.

"Damn you, girl. You're hopeless."

Nagpalinga-linga ako nang may marinig akong pamilyar na boses. Hindi ko alam kung saan ito nagmumula ngunit para bang napakalapit niya lamang sa akin.

"Bitch, wake up!!!"

×××


To be continued...





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

La Vie En Rose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon