Ara

21 6 0
                                    

"Anak ano ang pangarap mo?" Tanong sa akin ni inay kaya napalingon ako sa kaniya.

"Pangarap ko pong maging maayos ang kalagayan nating lahat." Saad ko na ikina ngiti ng aking ina. Ang gusto ko lang ay buo pa din kami hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral.

"Hindi mo ba hinihiling na magkaroon ng kapatid?" Tanong niya ulit ngunit kibit balikat lang ang naisagot ko. Bumuntong hininga siya at saka nagpaalam na magluluto para sa aming hapunan.

Napag-isipan kong maglakad lakad sa paligid. Sariwa ang hangin dito at malayo ang agwat ng mga bahay sa isa't isa. May malawak din kaming palayan, minsan din ay umaakyat ako sa puno 'yung hindi masiyadong mataas.

Umikot ako sa isang kahon ng palayan saka napag-isipang umakyat sa tree house na gawa ni tatay. Napangiti ako ng makita ang alaga kong si chuchay na isang pusa. Itim ang kulay niya kaya sinasabi ng iba na may dala daw itong malas ngunit hindi ako naniniwala sapagkat napaka suwerte ko sa alaga ko.

Sa t'wing malungkot ako ay siya ang kinakausap ko at para naman itong nakakaintindi dahil kinukuskos niya ang kaniyang katawas sa paa ko. Noong nakatulog nga din ako dito sa tree house ay nagising ako sa mga kaluskos iyon pala ay tinatawag na ako ni tatay.

Minsan naiisip kong tao itong si chuchay at nakakaintindi sa mga nangyayari sa paligid. Hindi kaya totoo ang nga sinabi nila? Iyong reincarnation?

Paano kung totoo kaya 'yun? Napatayo ako nang may marinig na ibang boses. Minsan lang kase may bumibisita dito dahil nga malayo ang agwat ng mga bahay kaya naman nagtaka ako kung sino iyon.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang dalagang babae na kasama ni tatay. May dala itong mga bagahe na mas lalong ikinataka ko. Napatingin ako kay chuchay ng bigla siyang ngumiyaw at pinalabas ang mga maliliit na pangil saka naglalakad habang hindi binibitawan ang tingin sa babae.

Ang sabi nila kapag ganoon umakto ang pusa sa ibang tao ay hindi daw maganda ang kalalabasan nito.

Bumaba ako sa tree house at lumapit sa kanila. Narinig ko pang nagtawanan sila.

"Ara, andiyan kana pala." Hindi ko pinansin ang sinabi ni inay at diretsong tiningnan ang babaeng kasama ni tatay. Ngumiti ako sa kaniya bago yumuko ng kaunti. Pag angak ko ng tingin ay naabutan kong umirap ang babae. Ipinagsawalang kibo ko nalang iyon.

"Ah, Ara si Kim kapatid mo." Gulat akong napatingin kay tatay. Kapatid? Sa pagkaka-alam ko ako lang naman ang anak nila ni nanay ah?

"Po?" Naguguluhan kong tanong. Ipinaliwanag sa akin ni inay at tatay na anak ni tatay si Kim sa ibang babae. Matagal daw kase noong nabuntis si inay sa akin kaya nagloko si tatay at naka buntis ng iba habang kasal sila ni inay.

Pinatuloy namin si Kim saka siya pinaghandaan ng makakain. Dahil dalawa lang ang kwarto dito sa bahay ay iisang kwarto lang kami ni Kim. Excited na akong maka usap siya mamaya. Hindi ko inaakalang may ate pala ako kaya naman sobra ang kaba ko baka kung hindi niya ako pansinin.

Tapos na kaming kumain at ako naman ay sinimulan na ang pagliligpit ng pinagkainan. Nakita kong dumiretso si Kim sa kwarto kaya ipinagsawalang kibo ko nalang iyon. Siguro naiilang pa siya.

Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan ay dumiretso na ako sa kwarto. Naabutan ko si Kim na hawak ang selpon niya kaya lumapit ako para maki-tingin.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko dahilan para harapin niya ako. Binigyan niya ako ng pagod na tingin bago irapan. Hilig ba talaga niyang mang irap?

"Wala. Sige na matulog ka na." Sabi niya bago ibaling ulit ang tingin sa selpon. Nagkibit balikat nalang ako saka pumasok ng banyo.

Pagkatapos kong mag half bath ay inayus ko ang aking higaan saka humiga. Maya-maya pa ay namalayan ko nalang ang sariling nakatulog.

Sa mga lumipas na araw ay naging maayos ang pakikitungo sa akin ni Kim kahit palagi siyang umiirap.

"Mga anak, aalis na muna kami ng inay niyo ah?" Saad ni tatay habang inaayos ang sumbrero niya. Walang kibo si Kim na tutok sa selpon kaya ako nalang ang sumagot.

"Saan po kayo tay?" Tanong ko.

"Sa bayan lang, babalik din kami bago magdilim." Aniya kaya napatango lang ako.

Pagkaalis nila tatay ay agad ko nang sinimulan ang trabaho ko. Halos tapos na ako sa pagwawalis ng paligid, pagligpit ng kalat at iba pa ay hindi pa din tapos si Kim sa pag se-selpon.

"Kim, patulong naman oh." Sabi ko nang bubuhatin ko ang mesa ng aming kwarto ngunit sobra itong mabigat. Hindi niya ako pinansin kaya bumuntong hininga nalang ako saka nagpatuloy sa ginagawa.

Ilang beses ko pang sinubukang magpatulong sa kaniya pero wala pa din siyang kibo umiirap lang siya.

"Kim, pwede patulong dito-"

Napapikit ako sa gulat ng biglang ihagis ni Kim ang selpon niya sa direksiyon ko. Mabuti at agad akong naka yuko kaya hindi ako natamaan. Gulat na tinignan ko ang galit na si Kim.

"Kanina ka pa eh! Alam mong mag ginagawa ako tapos Kim ka nang Kim!" Sigaw niya pa sasagot pa sana ako nang mabilis siyang maka lapit sa direksiyon ko at sinampal ako. Naramdaman kong tumulo ang luha ko pero ayokong gumanti. Siguro nga nakakarindi ang palagi kong pagtawag sa kaniya.

"K-Kim tama na..." Pagmamakaawa ko  nang sabunutan niya ako. Hindi siya na kinig at kung ano-anong salita ang sinasabi niya. Kinaladkad niya ako patungo sa mapunong bahagi sa likod ng bahay namin.

Nanginginig ako sa takot ng kumuha siya ng malaking bato at binato sa akin. Huli kong naalala ang pagngiyaw ng alaga kong pusa bago dumilim ang lahat.

Nagising ako isang araw ngunit ang hindi ko maintindihan ay nasa ibang lugar ako.

Dahan2 akong tumayo at lumapit sa salamin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang hitsura ko. Hindi...

Bumalik sa akin ang mga ala-ala at doon ko napagtantong totoo ang reincarnation. Namatay ako ngunit nabuhay'ng muli bilang isang batang lalake.

Arabella (One shot story)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt