Chapter 1

1K 82 13
                                    

"What’s your deal?" inis kong tanong nang bumalik na siya sa akin. 

"I am done with my work," he simply said and he put his bag on his back. "I’ll make sure you go home safe."

"Why would you do that?" I angrily asked. 

Bakit kailangan niya pa akong ihatid? Alam niya ba kung saan ang bahay namin? At hindi kami close para ihatid niya ako, ah!

He grinned. "Because you are my classmate."

Napangiwi ako. Pinagmasdan ko siya na kinuha ang kanyang bike na nasa parking lot. 

"Let’s go," aya niya. 

Hindi siya sumakay sa bike niya. Nang hindi ako gumalaw ay tumigil siya sa paglalakad. 

"Hey, let’s go…"

Inis akong naglakad patungo sa kanya. 

"This is the last time that I will talk to you. Your presence pissed me off!" diretsahan kong sabi sa kanya. 

He laughed at me and pinched my nose. My eyes grew wider because of what he did. 

"Why did you do that?" asik ko. 

Hindi kami close para gawin niya iyon sa akin! Napakamasayahin niya to the point na naiinis na ako.

"Learn to smile a bit and try to relax yourself," he said and he looked at the street. 

Busangot pa rin ako habang nasa dibdib ang mga braso ko. Hindi ko siya close! Hindi kami close! Pero umaarte siya na parang matagal na kaming magkakilala. 

I hate him. I will always hate him for getting in my way. I hate him for making me feel this way. My parents pressured me because of him. 

Tahimik lang kami habang papatungo sa village namin. Hindi ko alam kung taga saan siya. Hindi rin ako interesado. I looked at him and I knew he was tired. Halatang-halata sa itsura niya. 

I bit my lower lips and looked away. Naiinggit ako dahil nagagawa niya ang gusto niya. He was not pressured because it was his own will to strive hard for his future. 

"Ayan, hanggang dito lang ako." Tumigil siya sa paglalakad. "See you tomorrow."

Umawang ang labi ko sa narinig. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. 

Ngumuso siya. "Lakad na. I will be watching…"

Hindi ako makapagsalita at sinunod na lang ang sinabi niya. Hindi ko alam pero umiba ang pakiramdam ko. 

Nang nilingon ko siya ay nandoon pa rin siya, nakatingin sa akin. Napasinghap ako at umiwas na ng tingin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at binilisan ang lakad ko. 

Hindi dapat ako nakikipag-usap sa kanya. Siguro strategy niya ito para mag-spy sa akin! Siguro ay naghahanap siya ng kahinaan sa akin para tuluyan na niya akong matalo.

I went home safely. My mom and dad were already sleeping so I don’t have to deal with another sermon. 

***

"Ayoko talaga basta Philosophy time, eh!" reklamo ni Lassy sa tabi ko. 

Hindi ko siya pinansin. I opened my Philosophy book at nag-start na mag-review. Baka kasi dumating bigla si Ma’am. She is known for her surprise quizzes pa naman!

"Kapag magpa-quiz si Ma’am, bigay ka na lang ng ayuda sa amin, Princess, ah!" Queeny said as she caressed my hair. 

Tumigil ako sa pagbabasa at sinamaan siya ng tingin. She immediately raised her hands, as if she wanted to surrender. 

Hostile Hearts Where stories live. Discover now