Chapter 2

361 10 0
                                    

Chapter 2

From: insan 💩

"Bilisan mo diyan. Papunta na kaming gym"

Napasinghap ako at dali-dali pinulot ang aking mga gamit. Habang nilalagay yung mga notebooks ko sa bag ay nagreply ako sa mensahe ni insan.

Parang maiihi ako sa excitement ngayon. Kasi naman e, makikita ko kasi si Baby Cali.

Hindi ko mapigilan na ngumiti. Madami akong videos ni Cali na sumasayaw sa phone ko e. Gabi-gabi ko 'yon pinapanood bago matulog. Ganon ako kabaliw sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit nahulog ako. Marami namang lalaki diyan na handang pumatol sakin pero mas gusto ko 'yung bakla e.

Napapasaya niya kasi ako. Makita ko lang ang nakabusangot niyang mukha masaya na ako. Kapag nasira ko ang araw niya ay masaya ako. Dahil sa ganoong paraan ko lang siya malalapitan. Doon ko pinaparamdam kung gaano ko siya kamahal.

Maraming nagtatanong sa'kin. Bakit na fall ako sa isang bakla? Sabi ko, hindi naman krimen magmahal ng isang bakla. Mas masaya nga na ka vibes mo ang taong mahal mo diba? Naniniwala ako na mas mapagmahal ang mga bakla kaysa sa mga straight. Dahil naiintindihan nila ang lahat ng kaartehan ng mga babae.

Hindi ako mapapagod sa kakahabol sa kanya. Gano'n yung routine ko araw-araw e. Basta makausap niya lang ako, okay na. Basta makita ko lang ang mukha niya tuwing naiinis sa'kin okay na okay na'ko.

Para akong humihiga sa ulap habang naglalakad papuntang Gym. Excited talaga akong makita siya. Hays!

Hindi ko rin mapigilan ang pagtibok ng puso ko. Nasanay na akong tumitibok siya kapag si Cali ang usapan. Hindi na bago 'yon, lagi siyang tumitibok sa baklang 'yon.

Hindi ako naniniwala na nandidiri siya sa'kin. Confident ako na gusto niya rin ang halik ko. Nakikita ko na may pag asa ako sa kanya. Marami pa namang araw na landiin siya hello!

" Teh kulang na lang sabitan ka namin ng trash bag sa leeg, upang magmukha ka talagang baliw"

Napalis ang ngiti ko at binalingan si Cadmus. Nakita ko ang paghagikhik nina Insan at Savy. Naalala ko na pupunta pala kaming gym.

"Ha?" Sabi ko.

"Mukha kang-"

"Hambalusin kita diyan eh!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Nyeta! Nag di-day dream ako dito kay Baby Cali tapos susulpot ang kambal nito.

"Amp!" Natawa ulit siya at pumitik sa hangin "Wala na! Nag di-day dream na naman ang loka-loka"

Ngumuso ako ng magtawanan silang tatlo.

Bigla akong inakbayan ni Sav.

"Don't worry Jasmine sis, we're near na. You'll see him again" aniya.

Iba talaga to si savy hindi ko pa nga nakikita to sumigaw.

"Siguradong hindi na naman makapag focus si Cali kapag nandyan ka eh" angil ng paepal kong pinsan.

Kinuha ko ang pamaypay ni Cadmus at hinampas siya gamit niyon "Pa epal ka talaga Insan! Magiging inspired 'yon kapag nakita niya 'ko noh!"

Umikot ang kanyang mga mata "Feeling mo naman!"

Napasinghap ako.

"Aba't, ano? Gusto mong mag tell ako dito?" Pananakot ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa'kin.

My Baklang Barbie [R-18] Barbie Series 1Where stories live. Discover now