CHAPTER 26

3 1 0
                                    

Ng pinasok ko na ang isang box sa loob ay kaagad akong sinita ng isang katulong. Hindi yung babae na katulong kanina.

"ayy naku ma'am, kami napo dyan." Gulat nya pang sabi sakin.

'ahh hindi, ok lang. Wala naman kasi akong ginagawa ehh...' tugon ko naman sa kanya.

"Eh kasi ma'am hindi mo naman kasi yan trabaho, at baka kung makita kapa ni ma'am Lyka na tumutulong Kami ang malalagot nito." Saad nya naman sakin.

(Scoffs) 'don't worry, ako ang bahala kay Lyka. At tsaka wag kayong matakot sa kanya. Nandito naman ako para ipagtanggol kayo.' I said.

"Sige po ma'am ha, ikaw pong bahala Jan. Basta ako... Sinasabi ko sayooo...."

'Yeahhh, I promise di kayo pagagalitan ni lyka.' tugon ko ulit sa kanya.

Kaya pinabayaan nya nalang ako hanggang sa marami na akong naipasok sa loob.

Ang saya pala tumulong... Ngayon ko lang ulit kasi ito nararanasan hahaha.. dahil minsan tinatamad ako. Lalo na pag wala ako sa mood. Arghhhh!!

Habang paubos na ng paubos ang mga pagkain na ipinapasok namin sa loob ay kaagad akong nilapitan ni Leah.

"Hay naku ma'am, di ka rin talaga magpapaawat no?" Natatawang Sabi nya sakin.

'Naku, hayaan Mona ako... at tsaka wag nyo akong ituring na amo nyo kasi kaibigan lang ako ni Lyka. At bilang kaibigan. Tumutulong.. Ganon yonn..' pag explain ko pa sa kanya.

"Ahh Basta ma'am, iba ka talaga. The best ka... Ang Swerte swerte siguro ng mga katulong mo sayo no?" Tanong nya pa na naka ngisi.

'ahhh, yeahh.. they're so lucky kasi araw araw silang nakakita ng maganda sa bahay.' pagbibiro ko pa kaya agad syang natawa.

"hahahaha... Oo nga ehhh..." Natatawang Sabi nya....

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan sa labas at ang topic namin ay about sa life hahaha...

I share my life story to her. And she share her life story to meee.. sinabi ko rin sa kanya na isa akong transgender kaya nagulat rin sya sa nalaman nya. Di daw kasi halata...

Pero sinabi nya na ok lang rin daw na ganito ako kasi atleast i expressed the real who I am. At tinanggap ko rin daw yung sarili ko bilang ako.

At may kapatid at pinsan rin daw syang miyembro ng LGBTQ na di pa gaaano ka tanggap ng mga pamilya nila. Kaya maswerte daw ako sa pamilya ko ganern.. pero without knowing na Hindi.

nagbago na kasi ang ugali ni daddy. At parang nahawa pa si mommy... Arghhhh!!!.. So ayonn ang sarap pala kausap ni Leah.

At Maya Maya ay may isang katulong na lumapit sa amin at binigyan kami ng kape. Nagtanong kami kung bakit parang ang lamig ata ng kape. Tas sinabi ng isang katulong na ice coffee daw pala Ito tangina. Kaya nagtawanan nalang kami.

Nag usap parin kami ng nag usap ni Leah hanggang sa lumamig na ang ice coffee ko kasi di ko iniinom. Ganito kasi ako. Once na may kausap akong Tao. Wala na akong ginagawa kundi mag fucos sa pinag uusapan namin.

Habang nag uusap kami ni Leah, ay biglang nag ring yung cellphone ko kaya agad akong tumalikod para sagutin ito at......

"What the hell????" Rinig kong pagmura ng isang babae na sobrang familiar.

Weytttt yung boses nyaaaa...

'Omayghadd, I'm so sorry' pag hingi ko agad ng tawad dahil natapunan ko ng kape ang damit nya.. shit ang tanga mo talaga Samantha arghh!

Pinunas punasan ko pa ito para atleast naman diba, kahit medyo di nakakatulong basta tanda yun ng paghingi ko ng tawad hahaha...

"Are you blind huh?" Inis na tanong nya pa kaya napatingin na ako sa kanya.

RotWhere stories live. Discover now