Chapter 43

2.6K 151 34
                                    

43: Pride

Bea

NANGUNOT ang noo ng makita iyong mga proof of remittances na nakapangalan kay Lola Esme. Lahat galing kay Max na nagsimula pa noong magkasama pa kami ni Max sa Brooklyn. I was struggling that time, financially, mentally and emotionally. Wala akong trabaho noon kaya hindi ako nakaka-pag-padala kay Lola nang magdesisyon akong tumira sa apartment ni Max tapos ang viss ko mag-e-expire pa. Iyong huli ko na padala, si Gwy pa ang natatandaan ko na nag-hulog dahil hindi ako pwede basta-basta lumabas.

Does Max cover all of the expenses that Lola has here up until now?

"Hey, wanna eat outside with Lola? Hindi na siya nakakagala gaano simula ng huli siya magpa-check up sa doktor." I heard what Max just said but I'm still thinking that maybe, we're a burden to him for a long time now.

Alam ko na ma-pera siya pero iyong akuin niya lahat ng hindi ko nalalaman ay parang may nasagasaan sa akin na hindi ko magawang pangalanan. I haven't talked to him about the expenses or any money related issues in this household. We rarely talked about money because between us, he has a lot of it while I am still establishing my finances. Maliit ang sahod sa firm at nagsisimula pa lang talaga ako. I cannot demand a raise and I just got regularized.

"Bea, what is --" Nahinto si Max ng makita ang mga hawak ko na papel. Napatingin ako sa kanya agad at inabangan na magpaliwanag siya.

"Max, hanggang kailan mo ito balak na itago sa akin?"

"It's not that important." Masuyo niyang kinuha sa akin ang remittance paper saka itinago.

"Eh, 'di ba sabi natin, no more secrets?"

"Yeah, but this shouldn't be an issue, okay? Ginawa ko ito kasi pamilya kita, sila Lola. This is the kind of family that you want to have, right?" Pilit akong napangiti dahil sa tinuran niya. Eto pa nga ba ang pamilya na gusto ko? Hinalikan niya ako sa noo, niyakap saka muling inaya na kumain sa labas kasama ang Lola.

"Sabihan ko na si Lola para makapag handa na siya." I said to him, breaking our hug.

Why am I suddenly feeling this way? Hindi naman talaga issue dati ang pag gastos niya para amin. Parang may nag-iba ngayon at hindi ko magawang i-pinpoint kung nasaan iyong nag-iba. Hanggang sa biyahe ay hindi mawala iyon sa isip ko at nagawa ko na nga sapuin ang aking noo dahil sa pag-kirot na naramdaman ko.

"Ayos ka lang, Bea?" Tanong sa akin ni Lola na nakaupo sa backseat. I felt her hand on my shoulder which I gently held. "Masakit na naman ulo mo?"

"Ayos lang po ako. Inom na lang po ako gamot pag kakain natin." Tumingin ako kay Max na kahit naka-focus ang tingin sa daan ay sigurado akong nag-aalala na. When we reached the first stoplight, Max immediately held my hand. "Okay lang ako." Paniniguro ko sa kanya.

"You want to visit a doctor after lunch?" Tanong niya.

"Oo nga, magpa-check up ka na, apo. Panay OT mo noong nakaraan tapos namumutla ka pa." Suhestyon ng Lola.

Max waited my answer to Lola's suggestion. Nag-green yung ilaw pero hindi pa din tumakbo ang sasakyan namin. Nag-umpisa na mag-over take yung mga sa amin at ang iba ay galit pa. Lalong pinasakit ng mga busina sa likuran namin ang ulo ko.

"Okay lang ako, Max. Tara na baka mahuli pa tayo." Sabi ko na sinunod naman ni Max.

He drove again while holding my hand. Hindi niya iyon binitiwan hanggang sa makarating kami sa restaurant na kakainan namin. May reserved spot na doon si Max kaya hindi na kami nag-abang ng matagal sa labas. Lola was amazed by the interior and the service inside the restaurant where we're at. First time niya na makakain dito at tanging si Max lang nakapagdala sa kanya sa ganitong lugar.

That Summer In BrooklynWhere stories live. Discover now