CHAPTER ONE

22 1 0
                                    

MATAMAN na nakatingin mula sa labas ng bintana ng taxi si Venice. Kasalukuyan silang lulan ni Casven, anak niya. Isang parent meeting ang dinaluhan niya sa Magsaysay Batangas School. Kung saan nag-aaral ang anak niya.

Sa isang private school pumapasok si Casven, pawang may kaya lamang sa Bayan nila ang nakaka-afford makapag-aral doon. Ngunit, dahil likas na matalino at maganda ang grades ng nag-iisang anak ay natanggap ito bilang isa sa scholar roon.

Kahit full time sa pinapasukan na trabaho ay pinapayagan naman ng management sa BSR o "Buencamino Seafood Restaurant" si Venice na pag-aari lang naman ng napangasawa ng Tita niya na si Reyya. Limang taon na rin mahigit na nagtratrabaho siya roon, kaya kahit paano ay napagbibigyan siya agad na maghalf day kapag may ganitong ocassion sa eskwelahan ng anak niya. Lalo at kada-taon ay nasa honor list si Casven.

Kahit paano ay nabibigyan naman niya ng suporta ang nag-iisang anak. Lalo 't iniwan na siya ng ama nito na si Lucas.

Sa pagkaalala rito 'y biglang umusbong ang munting hinanakit sa dating karelasyon. Hindi na nga ito good provider ay halos araw-araw naman itong nag-iinom ng alak. Maging ang pambabae at pagsusugal ay ginagawa nito. Napapabuntong-hininga na lamang si Venice sa tuwing maalala niya ang mapait na karanasan dati sa ama ng anak niya.

Mabuti kahit paano ay nariyan si Casven na nagbibigay ng sigla sa araw-araw niya. Kahit paano ay may naging tama sa naging pagsasama nila ni Lucas at iyon ay ang anak nila.

Muling ibinaling ni Venice ang pansin sa labas ng bintana. Mula sa hindi kalayuan ay kitang-kita niya ang pag-ibis sa asul na Chevrolet Camaro  ng isang binatilyong sa tantiya niya ay kaedad lamang ni Casven.

Sa pagtapat ng taxi sa direksyon na kinalulunaan nila kung saan naroon ang binatilyong may hawak pang baseball bat.

Napatakip pa sa bibig si Venice ng marahas na hinataw ng binatilyo ang bahay na sadiya nito. Nagkandabasag-basag ang salamin ng binatana niyon, dahil sa lakas ng hataw nito.

Habang papalayo sila ay napagmasdan pa niya ang pag-awat ng isa pang binatilyo sa lalaking hindi pa rin tumitigil. Mabigat na nag-iiyak at tila nagmamakawa ito. Nahinuha ni Venice na magkaklase ang mga ito. Dahil magkapareho ang uniporme ng dalawang binatilyo.

"What's wrong mom?" maya-maya 'y tanong ni Casven sa ina nang mapuna siya.

"W-wala anak." Ngumiti ng pilit si Venice ayaw niyang makita pa ng anak ang ganoong hindi magandang senaryo.

Naipilig niya ang ulo nang mapansin niya ang uniporme ng adelentehadong binatilyo kanina ay kapares din ng suot ni Casven.

Lihim siyang napausal ng dasal sa isip na sana hindi nakakasalumuha ng anak niya ang ganoong klaseng estudyante.

Takot siyang mahawa ang anak sa ugaling mayroon sa binatilyong nakita niya.

KARARATING lamang galing sa pakikipag-basag ulo ni Kenjie sa mga sandaling iyon. Galak na galak siya ng wala man lang nagawa si Dondee ng pinagbabasag niya ang bintana sa bahay ng mga ito gamit niya ang baseball bat, kaklase niya ito.

Nang dumating ang mga magulang nito at agad siyang nakilala ay hindi man lang siya pinagalitan.

Sa Bayan nila isa ang pamilya nila sa pinakamayaman at makapangyarihan, marinig pa lang ang apelyido ng pamilyang kinabibilangan niya ay nangingilag na ang karamihan.

Lalo na siya, si Kenjie Ryu Buencamino na halos lahat yata ng gulo mula sa pinapasukan eskwelahan maging sa iba't ibang panig ng lugar nila ay parating kasama ang pangalan niya.

Dire-diretso siya sa pagpanhik sa matarik na hagdan ng kanilang mansyon sa Forbes Blrvd.

Hindi man lang nag-atubili si Kenjie na pansinin si Don Kristoff at ang step mother niya na si Reyya na halatang naghihintay sa pag-uwi niya.

DULO (COMPLETED)Where stories live. Discover now