Chapter 8
Ly’s POV
“Come on, wash yourself first bago ka mahiga riyan,” ani El sa akin. Lumapit pa siya para alisin ang sapatos ko. Mas lalo kasing tumindi ang training dahil last day na, pahinga naman sa mga susunod na araw para sa intercollegiate. Idagdag pa na masiyado ring pagod sa practice ng banda para sa susunod na album namin.
“I’m too sleepy,” namamaos kong saad na nagawa pang ipikit ang mga mata.
“Wash yourself nang makatulog ka na,” aniya sa akin.
“Huwag mong hintaying ako pang gumawa,” sambit niya pa kaya napamulagat ako. Natawa naman ‘to nang makita ang pamumula ng mukha ko.
“Pakuha ng damit, please,” ani ko na ngumiti pa ng pagkatamis tamis sa kaniya. Nailing na lang siya sa akin bago ‘to nagtungo sa kwarto ko. Lumabas naman siya na may dala-dala na ring tuwalya. Ilang minuto pa akong nakahiga bago napagpasiyahang magtungo sa banyo para maglinis ng katawan.
Nang matapos ay ibinagsak ko lang muli ang sarili sa sofa.
“Matulog ka na sa kwarto mo,” aniya sa akin nang makita ako.
“Ayaw,” ani ko na sinindi lang ang tv. He was too focus in his project kaya hindi niya na rin ako pinansin.
Hindi ko na rin namalayan ang makaidlip. Nagising lang ako nang maramdam na nakalutang na. Napamulagat naman ako ng mga mata at kita ko agad si El na siyang buhat-buhat ako. Mukhang balak ng ilipat sa kwarto. Napakagat na lang ako sa aking labi.
“What are you doing?” tanong ko sa kaniya.
“Ililipat ka, para makatulog ka na ng maayos,” aniya sa akin at nagawa pang ngumiti bago niya ako ilapag sa aking kama. Hindi ko naman maiwasan ang pagtitig sa kaniya. Bago pa siya matayo ay ikinawit ko na ang mga kamay sa kaniyang leeg saka hinila papalapit sa akin. I don’t know what’s wrong with me ngunit namalayan na lang na palalim na ng palalim ang mga padampi-damping halik kanina lang. Para siyang isang ulan pagkatapos ng tagtuyot. Pagkain pagkatapos ng taggutom. Tubig matapos ang matinding karera.
“Let’s stop here,” bulong niya sa akin bago hininto ang malalim na halik. Napatitig lang ako sa mga mata nito. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng munting iritasiyon. Magaling naman akong humalik, huh?
“You’re too tired, sleep now,” namamaos ang tinig nito nang sambitin ‘yon.
“Good night, Ly,” aniya bago ako halikan sa noo. Nawala ang iritasiyon na nararamdaman ko dahil do’n. Para bang isang mahika ang katagang sinabi at sa isang iglap ay nakatulog nga ako.
Nagising na lang din ako na ginigising na ni El. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti sa isipang siya ang huling nakita nang matulog at unang makikita ngayong umaga.
“Good morning. Let’s eat now,” aniya na ngumiti pa sa akin.
Naging payapa rin naman ang umaga namin. Hindi ko naman maiwasang mag-iwas ng tingin kapag nagkakatinginan kami. Naalala ko lang ang halikan namin kagabi na ako ang nag-insist. Hindi ko alam kung bakit ba ako nakakaramdam ng hiya dahil do’n kahit normally naman ay hindi ko ‘yon nararamdaman.
“What?” tanong ko sa kaniya nang makita kong titig na titig siya sa akin.
“Galit ka ba?” tanong niya. Umiling naman ako. Well, hindi ako gaanong nagsasalita kaya ‘yon ang tanong niya. Madalas kasi’y inaaway ko lang siya.
“Bakit ako magagalit? Dahil tinanggian mo akong halikan kagabi? Ang daming pupwedeng halikan diyan, ayos lang,” ani ko kaya agad siyang napasimangot habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
He Who Stole Poisonous Love
RomanceDate Started: July 4, 2021 Date Ended: July 15, 2021