CHAPTER THREE

9 1 0
                                    

MAAGANG bumangon si Kenjie sa araw na iyon. Unang beses siyang nag-night over sa place ng babaeng nagugustuhan niya kaya naman halos hindi siya nakatulog.

Sa isipin na iisang pader lamang ang nakapagitan sa kanila ni Venice ay tila may naghahabulan na daga sa loob ng sikmura niya.

"Goodmorning Ate V!" masiglang bati ni Kenjie. Nagmadali siyang humakbang ng kamuntik nang matumba ang babae dahilan naman sa biglaang pagpihit nito sa direksyon ng binatilyo.

Para silang namagneto sa bawat isa ng tuluyan magdikit ang katawan nila. Kahit nasa likuran nito ang binatilyo 'y ramdam ang init na sumusungaw sa kanyang katawan.

Patuloy na pinaglandas ni Kenjie ang namumungay na mata sa kabuuan ng mukha ni Venice. Nagtaas-baba rin ang adams apple niya nang mapatitig siya sa mapupulang labi ng babae.

Langhap niya ang natural na amoy nito. Hindi na mapigilan ng binatilyo ang sarili dahil unti-unti 'y lumiliit ang distansiya sa pagitan ng mukha nila ni Venice.

Kaunting-pagdikit na lang sana ng biglang makarinig sila nang pagbukas na pinto.

"Mom! Mukhang may nasusunog." Si Casven na kinusot-kusot pa ang matang pumasok sa kusina. Kasunod nito si Aleng Vilma na Lola nito.

Kusa silang naghiwalay, nakayuko ang ulo na inalis ni Venice ang nasunog na prini-pritong itlog sa may kawali.

"Oo nga naman ija, ano bang ginawa mo at nasunugan ka ng niluluto?" pagtatanong ng Ginang na agad nagsalin ng mainit na tubig sa baso nito mula sa thermos.

"Kaya naman pala, ang aga-aga narito ka na sa kusina Ryu. Baka naman kasi hinarot mo na naman si Mommy?" Pangangantiyaw ni Casven na naglalagay na ng plato at kubyertos sa lamesa.

"Hindi ah!" Sabay pang tugon nina Kenjie at Venice. Halatang guilty ang mukha ng una habang ang huli 'y namumula.

"Vin, tigil-tigilan mo ang katutukso sa Nanay mo sa kaklase mo. Jusko! baka may makarinig sa pinagsasabi mo ay machismis pa sila." Suway ng Ginang.

"Bakit totoo naman ah Lola!" Patuloy ni Casven.

"Basta! hindi magandang pinapakinggan," naiiling na dagdag nito.

Matapos maiayos ni Venice ang niluto ay umupo na sila.

"Wow! Ang dami naman ng umagahan natin ngayon?" takang-tanong ni Casven. Akmang kukuha na ng pagkain ito ng paluin ito sa kamay ng Lola nito.

"Maghinay-hinay ka nga apo, ang mabuti pa'y magdasal muna tayo bago mag-umpisang kumain." Saka ito pumikit at inumpisahan ang daily routine nila.

Tahimik naman napasunod si Kenjie. For the first time ay gagawin niya iyon, dati-rati wala siyang pakialam. Basta ang alam niya kapag gumigising siya, didiretso na siya kumain sa hapag-kainan ng mga pagkain na inihanda lang naman ng mga maids nila sa mansyon. Nasanay din ang binata na mag-isang kumain, dahil parating nasa business tour  ang parents niya.

Kaya ngayon iba ang feeling niya na may makakasalo siya sa umagang iyon. Ibang-iba sa pakiramdam niya.

"Ano bang iniisip mo anak, mukhang hindi ka nakatulog. May iniisip ka ba?" tanong ni Ginang Vilma matapos na ipasa ni Venice ang bandehado ng siningag na  kanin dito.

"W-wala ho ito Ma, sobrang init kasi kagabi. Nasira po ang electricfan na gamit ko sa kuwarto kaya hindi ho ako nakatulog ng magdamag," sagot ni Venice.

DULO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon