CHAPTER FOUR

10 1 0
                                    

NAGLALAKAD NA PAPASOK si Venice sa restaurant nang salubungin siya ng gwardiya.

"Eh, ma'am, may nagpapabigay nito sa inyo." Sabay inabot naman ng matandang lalaki ang isang bouquet ng puting rosas.

"Naku! Manong baka nagkakamali kayo." Pagtanggi ni Venice. Hindi sana aabutin iyon ng babae, ngunit isa na naman kasamahan niya ang lumapit sa kanya at nagbigay sa kanya ng isang bouquet ng tulip. Hanggang sa nagsunod-sunod iyon.

Namamangha na lang sinusundan ng mata niya ang lalo pang pagdami ng mga bit-bit niyang bulaklak.

"Heep! Tama na!" tili ni Venice sabay na inilapag ang mga iyon. Kung hindi niya kasi gagawin iyon ay tiyak niyang matatabunan na siya ng mga bulaklak sa dami niyon.

"Hindi mo na kaya?" ani ng isang tinig na umagaw sa atensyon niya. Kaya upang doon bumaling ang atensyon ni Venice.

Nakita niya mula sa entrance ng restaurant si Kenjie na gwapong-gwapo sa suot nitong three piece suit. Nag-umpisa na itong naglakad palapit sa dalaga na magkasalubong pa rin ang kilay.

"Ano na naman ba ito Ken, hindi ba't sinabi kong tigilan mo ako!" inis na sabi ni Venice. Akma siyang maglalakad palabas para umuwi na lang ngunit naging maagap si Kenjie na hawakan ang braso nito.

"Ate V, just this night please. Kahit ngayon lang promise, kapag wala talaga. Ako na kusang lalayo sa 'yo." Punong-puno ang tinig ni Kenjie ng pagsusumamo.

Nakatitig lang naman si Venice sa nangungusap na mata ng binatilyo.

"Okay! okay! sige payag na ako. In one condition."

Labis naman ikinagalak ni Kenjie iyon. Hindi na tuloy nito napigilan na hilahin palapit ang katawan at yakapin siya ng mahigpit nito. Iiling-iling naman si Venice sa reaksyon ng binatilyo.

"Ken, bitiw hindi ako makahinga," masungit niyang sabi.

"Oopps! sorry 'te." Agad na dumistansiya si Kenjie na hindi pa rin maiwasan kiligin dahil naka-chance na naman ito sa babae.

"Bakit ka ba narito?"

"Kuwan, kasi..." Inayos-ayos pa ni Kenjie ang buhok bago ito muling magsalita.

"Naisip ko kasi, baka hindi ka pumapayag na lumabas kasama ako. Dahil sa wala kang libreng oras. Kaya heto na, ako na ang nag-effort na magawan ng paraan na mapagbigyan mo ako. Don't worry pumayag si Dad na ipagamit sa akin na gawin venue ng date natin ang buong restaurant tonight." Kumindat-kindat pa ito.

"Ken..."

"Heeep! bawal tumanggi nai-reserved ko na ang buong place para sa atin dalawa. Please!" Pagsusumamo pa ni Kenjie. Napabuntong-hininga na lamang si Venice.

Ilang beses na niyang pilit na iniiwasan ang binatilyo. Ngunit napakasigasig nito. Sa totoo lang ay unang beses na may mag-effort sa kanya na lalaki.

Kahit na kailan ay hindi naging ganito kapursige si Lucas dati sa kanya. Sa pagkaalala rito ay mabilis niyang pinalis sa isipan ang ex.

"S-sige, basta magbe-behave ka huh. Kapag hindi mo iyon ginawa ora mismo ay aalis ako." Pananakot niya.

"Sure 'te V!" Mukhang tinablan naman ito, kaya ang pagyakap nitong muli sa babae ay hindi nito naituloy. Kakamot-kamot ang ulo na si Kenjie na may nahihiyang ngiti pagkatapos.

"So ano na?" Nakataas ang kilay na tanong niya rito.

"Oh! sorry, oo nga pala. Tara Ate V, we 're going to rooftop," anas ni Kenjie na masuyo pang hinawakan sa may siko si Venice upang igiya siya papunta sa elevator. Gusto sanang hilahin ng babae iyon dahil sa muling pagraan ng kilabot sa balat niya sa tuwing nagkakadikit ang ano man parte ng katawan nila.

DULO (COMPLETED)Where stories live. Discover now