CHAPTER FIVE

11 1 0
                                    

PATULOY lamang sa ginagawang paglalagay ni Venice sa mukha ng pipinong hinati-hati niya.

Kauuwi lang niya galing sa party na dinaluhan lang naman niya. Hindi niya aakalain na halos sa labing-limang taon na nakalipas ay makikita pa niya si Kenjie.

Akala niya ay hindi na magsasanggala ang landas nila. Na titigil na ito sa pagpapansin sa kanya oras na magkita sila.

Pero maling-mali siya dahil halos hindi siya nito nilubayan sa party!

Maya-maya 'y nadinig ni Venice ang biglang pag-vibrate at pagtunog ng caller alert tone ng android phone na nasa ibabaw ng bed side table niya. Tuluyan siyang napaupo sa kama.

Agad niyang sinagot iyon ng mapag-alaman niyang ang anak nito ang tumatawag sa kanya.

"Hola! evening Mom!" wika nito.

Tinitigan naman ito ni Venice mula sa screen ng hawak niyang aparato. Busy man ito sa career nito mula sa Paris bilang fashion designer ay hindi pa rin siya nakakalimutan na kumustahin palagi nito.

"Hai! dear heto nai-stress ng sagad ang mudra mo," nausal niya. Kitang-kita niya ang kabuuan ni "Cassy" iyon na kasi ang pangalan nito ngayon. Transwoman na kasi ito.

Noon pa man ay nahahalata na niyang may iba sa anak. Kaya hindi na nagulat si Venice ng mag-decide na itong ipakita sa kanya kung ano ang tunay nitong pagkatao. Matapos itong makapagtrabaho ay unti-unti na nitong ipinabago ang ilan parte sa katawan nito.

All along ay supportive lamang siya sa nais nito. Maging ang ama naman nitong si Lucas ay wala na rin nagawa dahil matanda na raw si Cassy para makapagdesisyon sa gusto nitong maging.

And speaking the father of Cassy, unti-unti ay nakikita na niyang nagbabago na ito. Recently lang ay nagpakasal ito na siyang dinaluhan niya rin.

Masayang-masaya siya dahil kahit paano ay kuntento at nakita na nito ang babaeng nagpabago sa lalaking dating kinakasama niya.
Biglang bumalik ang atensyon ni Venice ng muli niyang madinig ang tinig ng anak niya.

"Bakit naman mader?" tanong ni Cassy. Nakita ni Venice si Julian ang live in partner ng anak niya na kumaway sa likuran nito.

"Hindi ka maniniwala, nakita ko sa party na dinaluhan ko... si Kenjie," sumbong niya sa anak.

"Oh, my God! Really mom, naks! baka kayo na talaga ang naka-destiny!" malanding sagot ni Cassy na panay tili lang.

"Tumahimik ka nga, never sa hinagap ko na naisip ko iyan," madiin niyang sabi.

"Talaga? pero sa reaksiyon mo sa naging halikan niyo ni Kenjie ay parang iba ang lumalabas sa bibig mo ngayon?" kontra ng isang tinig sa isip niya.

"Ugh! No way! hindi naman siya kaganoon kagaling humalik!" naisatinig niya.

"Jusko! totoo ba 'yan Mommy!" naeeskandalong sambit ni Cassy.

"Naku! don't mind me anak, may tama pa ako kaya huwag kang maniwala!" matigas na segunda ni Venice sa napapahiyang tinig.

Kung hindi lamang sa mga pipinong nakakalat sa buong mukha niya ay tiyak kitang-kita sana ng anak niyang namumula na siya sa pagkapahiya.

"Talaga Mom, alam mo ayos lang sa akin kung maging kayo ni Kenjie. Noon pa man ay napapansin ko ng mahal mo na rin naman siya. Kaso nagpigil ka lang kasi dahil sa agwat ng edad niyo at estado sa buhay. But, now Mom pweding-pwedi na kayo!" kinikilig nitong sabi kay Venice.

DULO (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora