CHAPTER SIX

9 1 0
                                    

AGAD itong nilapitan ni Kenjie, ang gagawin sanang pagpapakalma ng binata ay hindi nangyari.

"Diyan ka lang! d-don't touch me!" hysterical pa rin sambit ni Venice.

"Ano bang nangyayari sa 'yo Ven, bigla ka na lang kasi nagsisigaw."

"Tinatanong mo pa? Hoy! b-bakit ganito ang suot ko? M-may ginawa ka sa akin habang tulog ako? ano!"sunod-sunod niyang tanong.

"Sweety it 's not what you think..."

"Tama ang sinabi ni Ken Manang, for your information ay andito kayo sa condo ko. Dito ka niya idineretso kagabi, saka ako rin ang nagpalit sa 'yo. Kaya pwedi 'wag kang assuming," mataray na pakikisali ni Valeene na kapapasok lamang sa silid.

Natahimik naman si Venice at agad iniiwas ang pansin.

"Hey! chill Val! umagang-umaga naha-high blood ka," ani ni Kenjie at agad na nilapitan ang secretary.

"That manang...akala mo naman kung sinong maganda. Siya ba iyong sinasabi ni Jon na babaeng hinahabol mo fifteen years ago," nakasimangot na sabi ni Valeene habang ibinibigay nito sa binata ang damit na suot kagabi ni Venice.

"Y-yes she is..." Ipinatong naman iyon sa kama ni Kenjie at nagpaalam na sa dalawang magsa-shower.

Habang ang dalawang babae ay naiwan naman doon.

"So, ikaw nga ang babaeng kinahuhumalingan ni Ken dati pa," muling nasabi ni Valeene matapos na lumabas at nakapagpalit si Venice sa banyo.

"Oo bakit?" diretsa niyang sabi.

Sa unang pagkikita pa lamang niya rito ay agad nang bumangon ang pagkainis ni Venice rito.

Kung mataray ito mas mataray siya iyon ang isinasaisip ni Venice habang nakikipagtitigan sa babae.

Isang mapaklang tawa lang naman ang ibinulalas ni Valeene. Kaya upang lalong uminit ang gulugod niya.

"Akala ko kasi pang universe ang dating at makinis. Katulad ng babaeng nai-i deyt niya sa States, hindi ko naman aakalain na gurang na pala..." pangungutya ni Valeene sa kanya.

"How dare you!" Akmang susugurin ni Venice ito ng bigla niya rin napigilan ang sarili.

"Oh, bakit hindi mo ituloy? takot ka?"

Muli niyang inayos ang sarili, at tinitigan ng diretso si Valeene na matalim ang pagkakatitig sa kanya.

"Sorry, dahil type ako ni Kenjie Ryu. Kung may problema ka roon sa kanya ka magsabi. Sa tingin ko pa naman ay edukada kang babae, pero sa ipinapakita mo ngayon nag-iba na iyon. By the way, thanks sa pag-aasikaso mo sa akin kagabi, tatanawin kong utang na loob iyon sa'yo." Saka siya dire-diretsong lumabas. Hindi na niya pinagkaabalahan kausapin si Kenjie.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa ngayon, dahil sa mga nasabi sa kanya ni Valeene.

Pumara na siya ng taxi at agad na nagpahatid sa bahay nila. Pinunasan niya ang luhang nagmalabis sa pisngi niya.

Wala naman siyang dapat maramdaman sa sinabi ni Valeene dahil totoo naman ang mga pinagsasabi nito. Matanda na siya, kaya mas lalong hindi na sila pwe-pwedi ni Kenjie. Isang tao pa lang ang nagsasabi niyon sa kanya paano pa kaya kapag ibang tao na ang magpapamukha sa kanya niyon.

Ngayon pa lang ay nasasaktan na siya.

ILANG araw ng nagpabalik-balik si Kenjie Ryu sa cafe ni Venice at sa tuwing nagpupunta siya roon ay parating wala ang babae.

DULO (COMPLETED)Where stories live. Discover now