CHAPTER SEVEN

9 1 0
                                    

KASALUKUYAN nasa ituktok ng bundok si Venice. Naisipan niyang maglagi muna roon para maiwasan si Kenjie.

This past few days ay lalong naging masigasig si Kenjie sa panliligaw sa kanya. Lalo itong nagpursige na mapa-oo siya. Hindi na alam ni Venice ang gagawin na pagtataboy sa lalaki.

Hindi niya matukoy kung paano at laging nalalaman nito ang schedule niya. Napag-alaman na lang niya na kinakuntyaba nito si Chloe.

Kaya pati sa pagpunta sa Cafe niya ay iniwasan niya rin. Tanging sa phone call at email na lang niya ipinadadaan ang lahat ng transaction sa loob ng business niya.

"Ano pa ba kasing kailangan kong gawin para layuan mo ako Ken!" siaw ni Venice sa ituktok ng bundok. Kahit magsisigaw siya roon ay walang makaririnig sa kanya.

Pinapalibutan lamang siya ng mga punong-kahoy at damong ligaw sa paligid. Sa pagkakadiskubre niya sa lugar na iyon ay tuluyan siyang na-inlove sa magandang tanawin na makikita doon.

Sadiyang payapa at tahimik ang lugar kaya kahit paano ay nagkakaroon ng piece of mind si Venice.

Napapikit siya at tuluyan napalanghap ng sariwang hangin. Tuluyan niyang inihiga ang sarili sa damuhan, pinupuno niya ng sariwang hangin ang baga niya na galing sa bundok na kinaroroonan.

"Sinasabi ko nga ba dito kita makikita sweety," ani ng pamilyar na tinig kaya upang marahas na maimulat ni Venice ang mata. Agad humayon ang naniningkit niyang mata sa kinaroonan ni Kenjie.

"P-paano mong nalaman na narito ako?" gilalas na sambit ni Venice na tinitigan mula ulo hanggang paa ang binata na kasalukuyan may dalang naputol na sanga ng puno.

Sa mga sandaling iyon ay naka-hiking attire ito, sinamahan pa nito ng cowboy hat. Sa leeg naman nito ay nakasabit ang isang Digital camera. Kitang-kita niya ang ilan nakabukas na butones ng suot nito.

Literal napalunok ng sunod-sunod si Venice. Agad niyang iniiwas ang mukhang namumula.

"Ako pa ba Ven, saan ka man magpunta malalaman ko." Tuluyan itong umupo sa tabi niya. Agad naman tumayo si Venice.

"Ang pinakaayaw ko ay sinisira ang lakad ko!" gigil niyang sabi. Akma niyang tatalikuran ito ng mabilis pa sa alas-kwarto na hinawakan ni Kenjie ang kamay niyang nakabitin sa ere.

"Lagi na lang ba ganito Ven, hindi ka ba talaga makapirmi sa iisang lugar na kasama ako. Ano bang problema, nakakasiguro naman tayo na mahal natin ang isa 't isa. Bakit kailangan mo akong iwasan?"

"Aba! at saan mo nakuha ang ideyang iyan. Paano ka nakakasisiguro na may gusto ako sa 'yo, aber."

"W-wala," nanginig pa ang tinig ni Kenjie. Muli rin nitong sinundan ang sasabihin pagkatapos.

"Hindi naman ako manhid Ven, nakikita ko naman at nararamdaman."

"Pwes! Mali ka ng sapantaha mo. Kahit na kailan hindi kita gugustuhin, iyan sana ang itataktak mo sa utak mo!" mariin na sabi ni Venice. Sa mga sandaling iyon ay nasilayan muli ng babae ang sakit na rumaan sa mukha ng binata.

"Bawiin mo ang sinabi mo Venice, n-na hindi iyan totoo. Nagpunta ako rito para patunayang mahal kita." Kasabay niyon ang paglalabas ng binata ng isang maliit na kahon.

Nang buksan iyon ni Kenjie ay napamulagat na lang din si Venice sa nakitang laman niyon. Isang sing-sing na sa tingin niya 'y hindi basta-basta ang halaga. Dahil na rin sa diyamanteng nakadikit roon.

DULO (COMPLETED)Where stories live. Discover now