CHAPTER EIGHT

10 1 0
                                    

TINITIGAN lamang ni Venice ang magiging reaksyon ni Kenjie sa mga sandaling iyon.

Katulad ng ginawa nitong panunurpresa sa kanya dati ay ganoon din ang naisip niyang ideya. Katulad ng atmospera sa Japan ay ramdam at parang nasilayan mo na rin ito.

Patuloy lamang ang pagtugtog ng mga musikero na siyang inarkila rin ng binata dati. Noong nakausap niya ang mga ito ay natuwa naman labis ang limang miyembro na iyon. Dahil silang dalawa pala ang huling tinugtugan ng mga ito dati.

Natuwa ang mga ito dahil muling nagkasama ang lima matapos ang labing-limang taon. Tila ba naging instant reunion sa mga nagreterong musikero ang araw na iyon.

Kasalukuyan tinutugtog ng mga ito ang "Unravel" naalala niya dati iyon ang isa sa paborito na theme song ng anime series sa Japan na "Tokyo Ghoul" ni Kenjie na laging pinapanuod nito noong highschool.

"Tama bang naririnig ko Unravel?" amaze na sabi ni Kenjie. Habang naupo na sila sa lamesang naroon.

"Yes, salamat naman at nagustuhan mo Ken." Ngiting-ngiti si Venice dahil kitang-kita niya ang malawak na ngiti sa labi ng binata na itinapik-tapik pa sa lamesa ang daliri. Sinasabay niyon ang tono ng kantang pumapailanlang.

"Let's dance Ven."Yakag ni Kenjie hindi pa siya nakasagot ay hinila na nito ang isang kamay niya at naglakad na sila papunta sa center stage.

"Hindi pa ako pumapayag pero agad-agad ka nang nanghihila," naiiling naman na sabi ni Venice.

"Nah! Bakit pa ako maghihintay ng sagot mo. Nakakasiguro naman na akong papayag kang makipagsayaw sa akin," pilyong panunukso ni Kenjie na iniikot-ikot pa siya.

Noon pa man ay mahilig ng sumayaw-sayaw at kumanta-kanta si Kenjie. Kaso, natigil lang iyon ng pumanaw ang Mommy nito.

Habang siya walang katalent-talent sa pagsasayaw at pagkanta. Tanging pagsunod lang sa utos sa iba siya magaling.

"Naks! ang laki naman ng bilib mo sa sarili mo Ken."

"Bakit hindi ba?" Kasabay niyon ang paghapit pang lalo ng binata sa beywang niya.

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Venice sa pagkakalapit nilang iyon ni Kenjie. Para siyang nalulunod sa swabeng amoy ng pabango nitong Calvin Klein.

Dahil sa pagkakahugpong ng mata nila ay tuluyan binalot ng kakaibang emosyon ang mga damdamin nila.

Para bang unti-unting lumiit ang distansiya ng mga mukha nila. Ilang dangkal na lang ay magkakadikit na ang labi nila. Nang kusang umiwas ng pansin si Kenjie.

"Better we eat." Saka siya nito inalalayan maupo.

Nakaramdam pa si Venice ng panghihinayang dahil sa naudlot na halik sa pagitan nila ng binata.

Sakto naman dumating na rin ang pagkain nila, as usual ay si Chief Menandro uli ang nagdala ng kakainin nila.

Katulad ng putaheng ise-nerved dati nito, ay iyon din ang ipinakiusap ni Venice na kainin nila.

"Wow! namiss ko 'tu!" natatakam na sabi bi Kenjie.

Nagtaka si Venice at maang lamang tinitigan ang binata na patuloy sa paghimay ng lobster sa plato nila.

Parang maiiyak si Venice sa nakikitang pag-aasikaso na ginagawa ng binata sa kanya.

Akmang isusubo ng binata gamit ang sariling kamay nito kay Venice ng matigilan ang binata.

"Ven..." Tila may bikig sa lalamunan si Kenjie matapos masabi iyon.

Kitang-kita niya kasi ang tila bumubukal ng luha sa magkabilang mata ni Venice.

DULO (COMPLETED)Where stories live. Discover now