CHAPTER NINE

9 1 0
                                    

ISANG KAIGAYA-GAYANG sikat ng pang-umagang araw ang nasilayan ni Kenjie pagkagising niya sa umagang iyon.

"Goodmorning," mahinang usal ni Kenjie sa tulog na tulog na babae. Hinayaan na muna ng binata ang sarili na pagmasdan ang mukha nito.

Hindi niya aakalain kagabi na hahantong sila ni Venice sa isang mainit na tagpo sa kama.

"Ang nangyari sa atin kagabi sweety ay isa sa hindi ko malilimutan, I love you with all my heart and I promise hinding-hindi kita hahayaan na masaktan pa." Natigilan si Kenjie at mataman na nag-isip.

Matapos niyang magbihis at makapagsulat ng notes na inilapag niya sa katabing lamesa ng kama ni Venice ay tuluyan na siyang lumabas ng bahay nito.

Sa araw na iyon ay marami siyang dapat ayusin bago niya muling harapin si Venice.

Hiling niya na sana kapag nagkaharap sila ay walang magbago.

UNTI-UNTING iminulat ni Venice ang mata, kinusot-kusot niya muna ang mata. Naramdaman niya ang hapdi sa ibabang parte ng katawan niya at pananakit ng kasu-kasuan.

Agad siyang pinamulahan ng maalala niya ang nangyari sa kanila kagabi ni Kenjie.

Dahil sa pagkakaala sa binata ay mabilis na iginala ni Venice ang pansin sa paligid ng silid-tulugan niya.

Nalungkot bigla si Venice ng mapagtanto niyang wala na ang binata. Napansin niyang alas-nuebe na ng umaga. Tuluyan niyang ini-abot ang isang kapirasong notes na nakalagay mula sa side table niya.

"I enjoy last night sweety, hope you'll feel the same too. Just wait for me here tonight, I'm gonna tell you something is that okay? see you! I can wait to touch you again..."

Kenjie ❤️


Ilang beses na binasa iyon ni Venice. Kilig na kilig siya, kulang na lang ay magtitili siya. Pero kung gagawin niya iyon ay para na siyang loka-Loka. Kaya ang ginawa na lang niya ay itinakip na lang niya ang mukha sa unan at doon nagtitili ng nagtitili hanggang sa napaos na ang tinig niya.

Maya-maya 'y tuluyan na siyang nagpunta sa kusina, dahil kanina pa kumakalam ang sikmura niya. Matapos niyang makapagluto ng agahan niya ay nagmadali na siyang naligo.

Sa totoo lang ay hindi niya yata kayang pagbigyan ang hinihiling ni Kenjie sa kanya. Ang hintayin niya ang muling pagkikita nila mamayang gabi.

Aminin man niya o hindi ay na-miss na niya agad ang binata. Napatunayan niya kagabi kung gaano niya ito kamahal.

Bago siya magpunta sa opisina nito ay ipinagluto na muna niya si Kenjie ng adobong pusit, paboritong ulam ito ng binata na lagi niyang inihahanda noong pumasok ito bilang waiter sa sariling restaurant ng mga ito.

Dahil sa nangamoy siya ay kinailangan niyang maligo ulit para mawala ang malansang amoy na dumikit sa katawan niya.

Patuloy siyang humihimig habang naliligo sa dutsa ng shower. Excited na siya sa gagawin panunurpresa sa binata.

MALAPIT na siyang matapos sa ginagawa sa office niya ng biglang mag-appear ang Viber niya at makita niyang tumatawag si Cassy. Tuluyan na niya iyon sinagot.

"Hola! Papsy Ken, how are you? Nasabi mo na ba ang lahat kay Mudra hmmm?" unang tanong nito.

"Not yet Cas, but I promise pagkatapos na pagkatapos ko rito sa office at makausap si Valeene na ikansela ang kasal namin dahil si Venice talaga ang mahal ko. After that, aamin na ako sa Mom mo na never ko talaga siyang nakalimutan," tugon ni Kenjie habang nakatitig sa kaharap na computer laptop. Hindi na tuloy napansin ng lalaki ang pagpasok ni Valeene sa pinto.

DULO (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant