CHAPTER TEN

25 1 2
                                    

SA DUMAAN na araw ay parang hangin lang si Venice kapag nasa malapit si Kenjie. Kapag kakausapin siya ay sasagutin lamang siya nito ayon sa kung ano ang paksa ng usapan.

Masakit sa kanya na parang wala lang siya sa binata. Na para bang naglahong parang-bula ang lahat ng pinagsamahan nila. Isang gabi, kahit bawal siyang mapuyat ay hinintay ni Venice ang muling pag-uwi ni Kenjie.

"Hindi ka pa ba matutulog ija? Malalim na ang gabi. Baka hindi rito matutulog si Kenjie," sabi ni Don Kristoff ng madatnan siyang nakaupo sa isa sa mga upuan sa may sala.

"G-ganoon po ba, sige po mauna na ho kayong matulog. Aakyat na rin ho ako mamaya," tugon ni Venice. Pinilit niyang ngumiti rito.

Iiling-iling naman lumapit ito sa kanya.

"Payo ko lang ija, ang mas mabuti pa 'y bumalik ka na lang sa Pilipinas. Mas pagtuunan mo na lang ng pansin ang pagbubuntis mo. Kaysa naman na lagi kang nasasaktan dahil sa anak ko."

Napatingin naman si Venice sa gawi ng Don. Masasalamin sa mukha nito ang pagkalungkot sa kasalukuyan nangyayari sa pagitan nila ni Kenjie.

Nagbabadiya na naman mangilid ang luha sa magkabilang mata ni Venice. Ngunit pinigilan niya iyon, ayaw niyang madagdagan ang pagkaawa nito sa kanya.

"H-huwag ho kayong mag-alala T-Tito, pinag-iisipan ko na rin ho ang bagay na iyan. Sa ngayon ay mas nanaisin ko pong nasa tabi lang ako ni Kenjie habang nagpapagaling siya," wika ni Venice. Nagpapasalamat siya na hindi siya pumiyok matapos niyang magsalita.

Kumurap-kurap naman ang mata ni Don Kristoff tila ba may gusto itong sabihin, ngunit naagaw nang pagbubukas ng malaking pinto sa bungad ng mansyon ang pansin nila. Kasabay niyon ang pagpasok ni Kenjie na inaalalayan pa ng personal Nurse nito.

"A-anong nangyari Marco?" nag-aalalang tanong ng Don.

"Napagod ho si Sir Kenjie, nagpasama po kasi siya sa may rest house nina Valeene," pagbibigay impormasyon nito.

"Sige na ipasok mo na silid si Ken, ikaw ng bahala sa kanya." Mando ni Don Kristoff. Nang tumango ang Nurse ay tuluyan na nitong ipinanhik sa may second floor ang binata.

Muli na naman siyang binalingan ni Don Kristoff, sa sandaling iyon ay nanatili sa mukha nito ang paghingi ng paumanhin sa kanya.

"Pasensya ka na ija, kakausapin ko na lang bukas si Ryu."

"Naku! huwag na ho. Ako na hong kakausap sa anak niyo. Sige na po matulog na po kayo, magtitimpla lang ho muna ako ng gatas," sagot ni Venice.

Tumango naman si Don Kristoff at isang magaan na dantay sa balikat ang ginawa nito bago ito tuluyan pumanhik.

Nahahapo naman napaupo si Venice, ang piniligil niyang luha ay tuluyan pumatak sa magkabila niyang pisngi. Ang hikbi niya 'y naging hagulhol. Hinayaan niya ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob niya sa nakalipas na araw. Dahil lang naman sa pambabalewala ni Kenjie sa kanya.

"Masakit pa rin isipin na mas pinapahalagaan pa niyang makasama ang mga bagay na hindi naman dapat inuuna kaysa sa akin na dapat nilalaanan niya ng atensyon at hiram na oras lang..." naghihinakit na bulong sa isipan ni Venice. Tuluyan niyang inilapat sa mukha ang magkabilang palad niya upang mapigil niyon ang ginagawa niyang ingay dahil lang naman sa patuloy niyang pag-iyak.

Iinot-inot nang tumayo si Venice, hindi na tuloy napansin nito si Rodnick na nanatiling nakatingin sa kanya sa dilim. Kababakasan ng simpatiya ito.

"Huwag kang malungkot Ven, bukas na bukas ay magiging maayos na ang lahat sa pagitan niyo ni Kenjie. Pangako!" Nakasisigurong bulong ni Rodnick.

DULO (COMPLETED)Where stories live. Discover now