Chapter One

2.2K 76 23
                                    

Isla Villa Amor

Nabitawan ko ang Louis Vuitton kong bag ng makita ang lugar kung saan ako manunuluyan. Almost 5 hours ang byahe papunta rito, 2 hours on air and 3 hours on water tapos ito ang madadatnan ko?

"This is the best they can offer, Win." Ani Brenda sa aking likuran habang hirap na inaakyat ang mga bagahe namin.

"Is this even a place, Brenda? Ano ito? Asan ang hotel?"

I touched the surfaces of the furnitures. Walang alikabok. Pero kahit ganon, hindi parin iyon nakatulong sa ka-creepyhan ng lugar na ito. It was a bungalow na may tatlong kwarto. Pagpasok ay agad na madadatnan ang living room at sa living room, agad na makikita ang dining area. Walang aircon, ngunit may malaking antigong ceiling fan sa living room at may mga nakapalibot na electric fan sa dining area.

I checked the bathroom. Okay na ang walang bath tub pero kahit shower wala! Wala ring bidet!

"What can you expect? This place is almost a remote area, malayong malayo sa kabishanan na tulad ng inaakala mo!" Sumalampak siya sa kahoy na upuan sa sala at pinunasan ang kanyang tagaktak na pawis.

"Wala man lang hotel?"

"Meron."

"Then we should go there instead, Brenda! Bakit dito pa?!"

"Sumakay ka ng bangka at bumyahe ng tatlong oras. Doon, may hotel."

Malamang ay tinutukoy niya ang syudad na pinaglapagan ng aming private plane. Bago kasi makapunta rito ay magbabangka pa ng higit tatlong oras! Napakalayo ng lugar na ito! Hindi ko alam kung magsisisi na ba ako, ngunit ng matanaw ang beach na katapat ng bahay na 'to, napawi ang pagka-yamot ko. Hindi nga lang ganito ang iniimagine kong bakasyon!

"Kung gusto mo ng lugar na walang makakakilala sayo, you have to blend in with this place Win. Simple lang ang pamumuhay dito kaya kailangan simple ka lang din. May iba pang transient house ngunit pinili ko talaga itong pinaka-simple. I doubt na may makakilala sayo rito dahil walang internet connection dito at at sabi kakaonti lang ang may tv."

Nanlaki ang mata ko! I grabbed my phone inside my LV. May signal naman ngunit mahina. I opened my cellular data, ngunit hindi nga ito gumagana! Oh you've got to be kidding me! Bakasyon ang nais ko, hindi seminaryo!

"I want to remind you, Win. This is your choice."

"Hindi ko choice ang tumira sa ganitong klaseng bahay, Brenda!" yamot na yamot ako!

Bagsak ang balikat kong napaupo sa upuan na kahoy. Wala man lang throw pillow ang sakit sa pwet!

Kinabukasan imbis na magmukmok, agad akong tumungo sa dalampasigan just wearing my adidas board shorts, half naked and my Gentle monster shades. Nilapag ko ang banig na dala sa buhanginan. Nagpahid din ako ng tanning oil pagka-upo. Matapos iyon, humiga na ako. It feels so good. Matagal ko na talagang pangarap mag sun bathing ngunit hindi pinapayagan ng sitwasyon ko bilang isang sikat na artista. Mabuti rin naman pala itong bakasyon na ito.

"Ito na ang juice mo, Senyorito." Medyo naharangan pa ang araw dahil sa pagsulpot ni Brenda sa ulunan ko. Bahagya akong bumangon at kinuha ang buko juice na may straw at mukhang fresh pa na pinitas sa puno.

"Thanks, Brenda!" I smiled.

"Napaka-init Win!" reklamo niya habang pabalik sa house. Itinukod ko ang dalawang siko at sumimsim sa buko juice. Refreshing.

Nangunot ang noo ko dahil sa bangkang parating. Hindi naman ako na-conscious kahit na naka-balandra ang six-pack abs ko kaya pinagpatuloy ko lang ang pagsimsim sa inumin habang nakatukod ang isang siko sa banig.

Then, Now, ForeverWhere stories live. Discover now