Singko

2 0 0
                                    

---

Naging mabilis ang pagdaan ng araw at hindi namin namalayan na ngayon na ang uwi namin pabalik sa cavi.


Inaya kami ng tatlo na magbonfire ulit ngayong gabi dahil huli na namin ito. Uuwi na kami bukas at hindi namin alam kung magkikita pa ulit.


Naglapag ng isang timbang puno ng alak si Fiery. Pinanlakihan ko siya ng mata na agad namang umiwas at dire-diretsong binuksan ang isang bote ng alak na hindi man lang tumingin sa akin.


"Subukan niyong maglasing ng todo ngayon, iiwan ko talaga kayo bukas, sige." pananakot ko.


Natatawa namang tumango si Ale na inaalok na ako ng alak. Umiling ako na ikinasimangot ng iba.


"Ang killjoy mo. Last night na nga nating dito tapos hihindi ka pa. Napaka-"


"Eto na, iinom na. Wag ka nang iiyak." natatawang saad ko. Agad akong binatukan ni Vien at sinamaan ng tingin. Humalakhak ng malakas si Ale hanggang sa tumaob siya sa inuupuan niya.


Halos hindi na makatayo si Tinay kakatawa na nakaturo kay Ale na nakasimangot na. Hindi pa siya nakuntento at inakto niya pang gagayahin ang nangyari kay Ale na mas ikinatawa namin.


"Happy ka? Okay na?." masungit na saad ni Ale.


"Pikon." saad ni Tinay habang tumatawa padin. Mas lalo niyang sinamaan ni Ale kaya pinipigilan niya na ang pagtawa.


Nang-aasar namang binalingan ko si Fiery na nakatingin sa babae at pasimpleng ngumingiti. Napansin ko ding namumula ang ilong at tenga habang sumisimsim sa kaniyang alak.


Nangaasar ko siyang nilapitan at kinurot sa tagiliran. Muntik siyang mabuwal sakaniyang inuupuan kung hindi ko pa hahawakan ang kamay niya.


"Crush mo?" nangaasar na tanong ko.


Natigilan siya at umiwas ng tingin. "Joke ba yan? Syempre hindi!". Mas lalong namula ang tenga at ilong niya kaya kinurot ko pa ulit siya sa tagiliran bago tuluyang iniwan at bumalik sa pwesto na katabi ng upuan ni Vien.


"Nahalata mo din pala yung mga tingin niya." may ngiting saad ni Vien. Tumango ako at binalingan si Ale at si Tinay na nagaasaran na ngayon.


Tumawa si Tinay at hinampas sa balikat si Ale. "Ilan nahuli mong crabs?"


Sumimangot si Ale at sinamaan pa lalo ng tingin ang babae. "Happy ka na niyan?" dinig kong saad niya.


Napalingon ako kay Vien na kinalabit ako at pinapalit ako sakaniya. "Feeling ko may gusto din si Ale kay Tinay."


Natigilan ako at napatingin dalawa atsaka binalingan si Fiery na nakatingin sa akin ngayon. Umiling siya sa akin at ngumiti ng matipid.


Nagkatinginan kami ni Vien, sabay napailing at napabuntong hininga.


"Patay." sabay na saad namin. "Tinay, ang ganda mo!" sigaw niya. Nagtaka naman siyang nilingon ng kaibigan ng

Together with DarknessWhere stories live. Discover now