SIMULA

45 1 0
                                    

Bangungot o panaginip?
Nasaan na ba ako?

"Dumapa kayo! Nagsisimula na silang mag paputok."

"Hindi ko sila makita, natatakpan sila ng mga hamog!"

"Lumaban lang kayo!"

"Pilitin lang natin dumipensa, parating na ang tulong---"

"Hangal! Anong pinag sasabi niyong tulong? Wala ng liligtas satin! Kalat na ang balitang papaalis na ang presedente at ang heneral patungong Australia Mamatay tayong lahat! Iniwan na nila tayo!"

Nagkakagulo sila, nag sisigawan. Ilan lang sila sa mga sundalong walang alam sa digmaan. Mga ama at anak na naging mandirigma nang simulang sakupin ng Hapon ang bansa at tanging pinanghahawakan nila ay ang paghahangad na ipaglaban ang bansa, at nauubusan na sila ng moral na lumaban.

Sa isang dehadong labanan.

"Para sa Pilipinas!"

Bataan, Philippines
Enero 11, 1942

A misted jungle battlefield full of banana trees and unknown enemies hiding behind the fogs, mimicking like a ghost in our eyes. A muddy terrain, puno ng putik ang mga kulay berde naming unipormeng suot at maski ang aming mukha. May mga alupihan at bulate na ring pumapasok sa pantalon namin.

Sonata de Guerra.

Tila isang banda o orkestra ang sama samang ingay ng digmaan.

Isang magulong areglo.

Nagsasalisihan ang mga putok ng baril sa magkabilang panig.

Mga ungol ng eroplanong nagbabagsak ng animo'y bulalakaw, mga bombang nagsasanhi ng minu- minutong paglindol ng paligid

Walang tigil ang mga ingay.

Nabibingi ang nanahimik kong pandinig.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari, nagising ako sa isang kampong puno ng tent at nipa huts or bahay kubo, sa itaas ng bundok. Pinipilit pang pakalmahin ng mainit na kape barako ant sakit ng ulo ko

Until a swarm of enemy planes flies from above, sabi nung kasama ko mula daw yun sa mga hapon.

Di ko alam kung nababaliw lang sila
o ako talaga yung nababaliw

It is all part of my own hallucinations.

Nakasandal ako sa isang gilid, balisa, magulo ang isip, at ramdam pa rin ang sakit ng ulo habangnasa ilalim ng mahabang hukay o trenchera na di hahaba sa kulang kulang kahalating kilometro. Isang kublihan ngunit nalalapit na maging isang libingan, naming lahat.

Dinadaan daanan ng mga sundalong kailan ma'y hindi ko pa naka daupang palad. Kanina ay kinakamusta, kinakawayan ako ng iba, ang iba naman ay sinasaluduhan ako. Tinatawag akong "Kapitan".Pilit ko na lang silang winawalang kibo, hindi ko na sila pinapansin.

Hindi ko gusto na mapansin ng ibang tao. I'm an Introverted type of person. Sanay lang ako na tumambay sa loob ng kwarto at magsulat. Hindi ko gusto ang mga ingay gaya neto, ang kaguluhan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang sa Dulo ng DapithaponWhere stories live. Discover now