Pronologo

5.6K 9 0
                                    

"Anak.., si Tita Zeny mo (kabado) ang bago mong nanay at ang anak niya si Ritzsard, dito na sila titira. Pakilala ng kanyang amang si Rigor.
Halata ang kaba ng babae nang magsalita " lha sana matanggap mo ako bilang bagong asawa ng daddy mo,"  alanganin ang ngiti dahil hindi siya kumikibo at walang emosyon ang kanyang mukha. Nagsabi ang daddy niya sa kanya ilang araw na ang nakakaraan, pero inakala nyang nagbibiro lang ito na uuwian siya ng bagong ina. Hindi nya alam ang kanyang nararamdaman, napabaling na lang siya ng tingin sa binatilyong kasama ng bagong asawa ng daddy niya. At tulad niya waring di rin nito gusto ang napasukang sitwasyon.
Tingin nya rito ay maidad sa kanya ng ilang taon.
" Ritzard ang aking anak si Rizza Maine" Pakilala ng kanyang ama.
"hi" matabang nitong bati sabay baling sa daddy nya " saan room ko?" tanong nito
" yung dulo sa left pasensiya ka na at medyo maliit"
Agad na itong tumalikod bitbit ang bag umakyat ng hagdanan napasimangot siya me kagaspangan ugali nito kakusap nya sa sarili.
Bumaling na rin siya " punta muna po ako sa bakery" paalam niya sabay alis.
" Pasensiya ka na darling nabigla yata ang anak ko" rinig niyang sabi ng kanyang ama. Bakery ang business ng daddy at mommy niya, may branch sila sa kabilang bayan at ang daddy niya ang nagmamanage kaya dun ito naglalage , ang mommy niya ang nagmamanage ng nasa malapit sa bahay nila, karatig ito ng ilang butas na
apartment na pag-aari din nila.  Mana ng Mommy niya sa mga magulang.
Nang magkasakit ng malubha ang mommy niya siya ang malimit na nagsunsupervised doon napilitan na siyang tumulong para di matigil ang operasyon kahit bata pa siya.
" Oh.., bakit  malungkot ang beauty mo Rizza Maine?" Tanong ng ate LAni niya ang tindera nila "umiiyak ka ba!?"
Napayuko siya, nais pigilin ang bugso ng damdamin pero bumigay  din nilapitan siya ng babae inalo "si daddy kasi (simula niya) nag-asawa na!"Hikbi
Natigilan ito napatitig sa kanya matagal, lalo naman siyang nahabag sa sarili napahagulgol na siya. Agad naman itong nakabawi nilapitan siya  yinakap, inalo" pssst.., tahan na... Bata pa kasi ang daddy mo_
Forty two pa lang, saka patay na naman ang mommy mo three years  na, siguro panahon na para lumigaya naman siya di ba? "
" alam ko naman yun! Kaya lang masakit pa rin sa akin kasi mahal na   mahal ko si mommy, parang di ko kayang isipin na may kapalit na siya. " amin niya
" Akala ko ba nag usap na kayong dalawa na okey lang sa iyong mag asawa siyang muli? "tanong nito
Napatigil siya sa pag nguy-ngoy" Oo nga, kaya lang di pala ganon kadaling tanggapin ang lahat  saka- "
" Saka baka di mo siya makasundo? ganon ba? " tuloy nito sa sinasabi niya.
Napatango siya." natatakot ako. Tapos may kasama pang anak lalaki" aniya
"SA ngayon ang magagawa mo lamang ay tanggapin sila, pakisamahan ng tama, minsan kasi kaya nagiging wicked step mother kasi pasaway din ang step children." payo nito
"Paano kung kahit anong gawin Kong kabutihan ay  apihin pa rin ako?" puno ng Pangamba
"SAka na tayo iisip ng Ibang paraan."
Sinunod nga ng dalagita ang payo ng nakakatandang kaibigan sinikap niyang makasundo ang mag-ina, at tama nga ito naging mabuting madrasta ang kanyang tita Zeny, bagman kibuin dili siya ni Ritszard ay nagging maayos naman ang buhay nila bilang isang pamilya. Lumipas ang mga araw, buwan at taon nagdalantao ang kanyang tita, tuwang-tuwa ang kanyang daddy lalo na ng malaman nitong lalaki ang magiging anak nila lalo itong nagsikap.
Nasa ika seventh month pregnancy ang kanyang tita ng may maganap na di inaasahang trahedya  na yumanig sa kanila. Na hold-up ang bakery na sinusupervised ng daddy niya kinuha na ang pera pinatay pa ito.
Labis na dinamdam ng kanyang madrasta ang lahat na depress ito, kinailangan na tuloy nilang makialam sa negosyo napilitan si Ritszard na mag aral magluto ng tinapay  dahil sa kalagayan ng ina.
Nang akala nila ay nakakabawi na sila isa na namang dagok ang naganap, namatay sa panganganak ang tita Zeny niya.

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now