Prolouge

14 1 0
                                    


Kung di ka nga naman kasi mamalasmalasin . Ang sama sama na ng mga nangyari sa buong araw ko ,pagkatapos ngayon kailangan ko pang magbanat ng buto't laman para lang matapos na ito.

"Manong!"  Atat na atat kong pinaypay ang braso ko para ma-para ang jeep na padating. Marahas akong kumapit sa handle  at talagang pinagsiksikan ko ang pwet ko para lang makaupo . Ngayon ko lang talaga Papasalamatan si Bro na nasa itaas at hindi niya ako pinagpala ng likuran. Okay nako sa suso lang, kaso...naalala ko ipinagkait nya rin pala iyon sa akin. Pero okay narin atleast naipagsisiksik ko ang sarili ko kahit saan lalo na sa mga oras ng pangagailangan.

Ganon nalang ang pagbagsak ko ng akin hininga ng maramdamang nakalarga na ang Jeep na sinakyan ko ,at mula sa di kalayuan ay nakita ko syang andoon at hingal na hingal na pinagmamasdan ang umaarangkadang jeep na sinakyan ko.

Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa Apartment na bagong nirerentahan ko . Kahit ang pagbati kay manong Gaurd na madalas kong ginagawa ay hindi ko na nagawa sa sobrang pagmamadali. Dirediretso at mabibilisang ang mga naging lakad ko hanggang na mapadpad na ako sa kaduluduluhan kung saan nakatayo ang bahay na nirerentahan ko.

Halos mapabagsak na ko sa likod ng Pintuan ko pagkasara ko nito. Hingal na hingal at hindi mapakali.  Hanggang kelan pa ba kasi sya susunodsunod at maghahabol ng ganito.

"Mars! "  Halos maatake ako sa puso dahil sa sobrang kalabog ng dibdib ko. Punyetang Pokpok nato papatayin yata ako sa gulat.

"Kahit si Annaliza Toñada , titigil na kakapapasok ng Yummy Meaty Hotdog , sa itsura mo. Ginahasa ang peg mo girl ? . " Punyeta ! Itulad ba naman ako sa literal na Punyeta. Wala nakong magawa kung hindi mapasalampak sa sahig at tignan siya ng masama matapos marinig ang mga tinalak ng Pokpok kong kaibigan. Kung kanina ay dahil sa pagod ang pangangatog ng laman ko ,pero ngayon talagang bumigay na dahil narin sa kulo ng dugo sa Punyetang to. Hindi ba pwedeng nalaspag nalang muna sa pagod? Masgugustuhin ko pang pagurin ako sa kanyod ng nakaluhod kaysa sa Punyetang pagtakbo ng may takong.

"Ay wag mokong tignan ng ganyan , Mars. Wag kang feeling birhen. Naalala ko nga pa nga tatlo panga nasaksak sayo kamakailan lang, I think Gahaman ." Tarantado talaga!

"Bro, naririnig mo ba ko? Shuta naman! Hiling ko , pangbombang katawan pero bat mga babatuhin ng granada at tarantadang kaibigan ang ibinigay mo sa akin. Online shop ka sizs? Scam? Scam?"  Napairap nalang ako matapos ng mga naisip ko. Magtimpi kalang ,self. Kaya mo yan. Kalma kalang...kaibigan mo yan. Isa palang yan, wala pa ung iba. Ilang taon mo nang napagtitiisan yan... Kakayanin mo pa.

Isang singhap ang pinakawalan ko bago ko nilingon ang Pokpok kong kaibigan na nakatayo sa aking harapan. Aba'y ang gaga ,nakapameywang pa sya at nakatingin na parang nawiwierduhan sa akin. Bobitang to.

"Ay ano to mare ? Di ka magsasalita ? Woooo , I think masyado na kong maganda at nagiging hangin na ko sayo." Sabay pahairflip pa nito. Sarap talagang sabunutan, nangigigil talaga ako.

Isang irap naman ang ibinigay ko sa kanya bago magsalita.

" Eh dada ka nang Dada punyeta ka , pano ako makakapagsalita. "  Inirapan lang din naman niya ako pabalik.

"So ano ngang nangyare? Bat ganyan nanaman ang itsura mo? Wag mong sabihi--" bago pa kung anong kadungisan nanaman ang lalabas sa Bibig niya ay simagot na ako.

"Hindi ako nagpakanyod sa kanto Nyeta ka! Baka pwedeng pa-upuin mo muna ako at bigyan ng maiinom. Kase dineeg pa nanpetchay ni Miyomi ang lalamunan ko. Tuyot na tuyot na shuta ka ! " Pagtataray ko sa kanya . Gagang to. Mas inuna pa ang chismis kesa sa isipin ang naghihingalong tao. Bahagya ko siyang iniyapos para makadaan papuntang couch.

Halos maghilata nako sa couch ng oras na madampi ang mattress nito sa pwet ko .  Hawak ang sentido kong ipinikit ang aking mga mata at inalala ang mga nangyari kanina . Nakakabanas talaga. Bakit ba kasi hanggang ngayon ay hindi pa siya tumitigil.

"Oh, Mars."  Pikit mata kong inabot ang baso ng tubig na iniabot ni Cathleen. Sumimsim ako ng tahimik roon at overloaded ang isip na napatulala nalang sa kung saan. Bat ba kasi ang kukulit ng lahi minsan ng tao. Hindi nakakaintindi ng salitang 'Ayaw' at 'Hindi'.

Napatingin ako sa bruhildang asa aking harapan. Nakaupo ito at nakatingin lang sa akin. Tahimik lang ito pero alam ko naghihintay to na magsalita ako. Alam nyo naman mga Chismosa . Napairap nalang ako at nagbuga nang isang malalim na hininga.

"Hinabol nanaman ako ng karma ni kamatayan." Halos mabilaukan naman siya ng laway. Kadira shuta.

"Yak ! " Nag makeface nalang ako at nagkunwaring nagpupunas ng katawan at mukha dahil sa biglaang pagubo nya . Hawak hawak pa ang kanyang dibdib itong sumagot. Karma ng Chismosa.

"Arte mo ah , Ganda ka? Ganda ka?" Kaya ka kinakarma eh . Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy.

"Shutang yan. Parang lolobo ang sakong at mga daliri ko dahil sa punyetang heels at lalaki nayan. " Reklamo ko sa kanya. Napangisi naman siya at sigurado akong nonsense nanaman ang ibabato nito pabalik.

"Ay sakong at daliri ba? Ang akala ko matres mo na ." Sabi na eh! Asa silang may papayagan akong magpapalobo dito. Inirapan ko nalang siya at sumimsim sa tubig na nakalahati ng bruhang to na ininom nya kaninang nasamid siya.

"Bakit ba kasi hindi mo nalang siya pagbigyan , aarte pa eh."

"No, kapag sinabi kong hindi . Hinding hindi na mauulit . " sagot ko sa kanya.

"Gaga ka kasi eh." I know . Kaya nga ayoko na siyang maghabol. Nakakasakal ng damdamin at Konsensya.

I dont deserve any kind of love. At lalo na kung galing sa isang Gagong tanga na kagaya niya.

And also...I dont want to risk on something that Im sure will turned out unfaithfully tragic and unreal...

----
[CHAPTER END NOTE]
-Aloha! This is your author ,M. Thank you for taking your time reading this chapter. Im not a good writer nor even someone who writes inspirational novels.

Btw this is my first novel to Publish here in Wattpad. Another note , I just started writing it and Im asking for your patience and consideration, im not a good writer I just mostly write depending on what I feel at that moment. Thank you , and Ciao 💚✨

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Jul 13, 2021 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

LIBIDO : Denise  Jimenez  ( The Butterfly Series By Deviousmaknae) Место, где живут истории. Откройте их для себя