23 - Wolf

285 26 4
                                    

Chapter 23

Nakasunod lang ako kay Kalford. Tulad ng sabi niya ay maglalakad lang kami. Kahit nagtataka ay hindi na ako nagtanong. Hindi ako sigurado kung nagsasanay ba kami ngayon. Ang mahalaga ay kontento ako na naglalakad lang kami. Siguro ay ginagawa rin nila ito para lumakas. Tama! Ganito rin ang ginawa namin ni Kaizer dati. Mukhang isa ito sa sekreto ng mga hunter para lumakas.

"Saan nga pala ang iba?" Tanong ko nang maalala ang tatlo. Hindi ko sila napansin kanina dahil sa pagmamadali.

"You didn't see them?" Balik niyang tanong sa akin na kinailing ko.

"I see."

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Tulog pa ba sila kaya hindi ko sila napansin kanina? 

"Hindi ko rin sila nakita."

Gulat akong napatingin sa kanya. "What do you mean na hindi mo sila nakita? May pinuntahan sila? Saan?" sunod-sunod kong mga tanong.

"I don't know. Don't ask me."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko kung ano na naman ang ginawa ng tatlo. Puputi lang ang buhok ko kung pakikialaman ko pa sila. Kahit pagsabihan sila ng ilang beses ay hindi sila titigil sa kalokohan nila. Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit hinahayaan sila ng mga guro. Halatang sumuko na rin sila.

Kung nasaan man sila ngayon ay doon lang sila. Sana ay 'wag silang bumalik na may kasamang halimaw. Ayaw ko ng madamay. Haysst..

Ilang minuto na kaming naglalakad ni Kalford at napansin kong kanina pa niya ako nililibot. Pangatlong beses ko ng nakita ang malaking puno na minarkahan ko. Hindi niya ako nakita kanina dahil nasa unahan ko siya. Hindi ko alam kung bakit naglilibot lang kami. Ayaw ba niyang lumayo kami? Hindi sa gusto kong lumayo kami. Natatakot din ako na may makasalubong kaming halimaw. Sadyang nagtataka lang ako sa kinikilos niya ngayon.

Sabay kaming napatigil dahil sa malakas na presensya na palapit sa amin.

"Don't move." Seryosong utos niya na kinatango ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang pana ko. Pinigilan ko ang paghinga ko nang maramdaman na malapit na itong dumating sa amin. Alam kong halimaw ang papalapit sa amin ngayon kaya hindi ko mapigilan na kabahan.

Sobrang bilis ng puso ko.

"*Growwll*"

Napalunok ako ng laway dahil sa malaking lobo na tumigil sa harapan namin. Matulis ang tingin nito sa amin habang nakanganga na parang nauuhaw. Pinigilan ko ang paghinga ko nang makita ang malalaking mga pangil nito na handang kumagat ng buhay na tao. 

"Kalford.." mahina at kabang tawag ko kay Kalford. Hindi ko alam kung kaya ba naming labanan ang lobo. Halatang mataas ang level nito dahil sa malakas nitong sygil. (Read my note)

Kung dati ay gusto kong makakita ng mga halimaw na may mataas na level, ngayon ay ayaw ko na. Hindi pa ako handa.

"Humanap ka ng magandang pwesto mo."

"Hah?"

"Sabihin mo sa akin kaagad kapag may nahanap ka." seryosong sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya pero maingat kong nilibot ang tingin ko sa paligid. Ang sabi niya ay pwesto ko. Wait..alam ko na. Tinutukoy niya kung saan ako pwedeng pumwesto para patamaan ng pana ang halimaw.

Inangat ko ang tingin ko sa mga puno at nakita ang isang malaking puno na may magandang sanga. May kalayuan ito sa halimaw na lobo pero abot ko parin basta 'wag lang itong lumayo.

"Meron na! Paano ako pupuntahan doon?"

"Good. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka. Ako na ang bahala sa halimaw. 'Wag mo lang agawin ang atensyon niya."

"Okay copy.."

Huminga ako ng malalim at hinintay ang signal ni Kalford. Nilabanan ko ang kaba ko. Kapag nagpadala ako sa kaba ay dalawa lang ang pwedeng mangyari sa akin. Ang masaktan ng halimaw at ang mamatay. Kaya para hindi ito mangyari ay kailangan kong maging matapang kahit na hindi pa ako ganon kalakas para harapin ang lobong ito na may mataas na ranko. Ayaw kong maging pabuhat kay Kalford.

"Now..RUN!"

Nakita kong ginalaw ni Kalford ang claymore niya at hinuli ang atensyon ng lobo, dahil dito ay mabilis akong lumayo at umakyat kaagad sa punong nakita ko.

Sunod-sunod ang pagtibok ng puso ko. Muntik ng mangalay ang mga paa ko dahil sa kaba pero nilabanan ko sa takot na may mangyaring masama sa amin ni Kalford.

Inayos ko muna ang pana ko bago ko tiningnan si Kalford at ang halimaw. Pero natigilan ako nang makita ang sunod-sunod na patama niya sa lobo. Wow.. mukhang hindi niya kailangan ang tulong ko. Biglang nawala ang kaba ko habang pinapanood si Kalford. Mabilis at malinis ang kanyang mga galaw. Hindi halatang mabigat ang claymore na hawak niya. Para lang siyang nakahawak ng magaan na espada.

Patuloy siya sa pagtama sa lobo. Hindi siya tumigil kaya naman ay hindi maka atake ang lobo. Habang inaatake niya ang lobo ay naghanda na rin ako. Kahit pa na may tiwala ako sa kanya na kaya niyang patumbahin ang malaking lobo ay kailangan ko parin siyang tulungan. Pinwesto ko ang pana sa ulo ng lobo na ngayon ay patuloy sa pag-ungol habang denedepensahan ang sarili kay Kalford. Pero nagulat ako ng hiwain ni Kalford ang kanang paa ng lobo kaya umungol ito ng malakas. Walang duda. Isa nga siyang class 3. Napakalakas niya.

Huminga ako ng malalim. Magpapatama na ba ako?

Hinintay ko ang senyas ni Kalford pero nakatalikod siya sa akin. Hindi ako pwedeng kumilos dahil baka masira ko lang ang laban nilang dalawa.

"Arggh...Awohhh!"

Sabay kaming natigilan ni Kalford dahil sa ungol ng lobo. Biglang tumindig ang mga balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang lalo lang lumakas ang sygil na nakapalibot sa lobo. Dinoble nito ang kaninang sygil niya.

"W-what the.."

Ang kanang paa na hiniwa ni Kalford ay biglang gumaling at nawala ang mga sugat na natamo ng lobo.

Anong klasing halimaw ang kaharap namin ngayon?!

"Aim his eyes Yun!"

---

A/N : Sygil/say-gel (own word) - Isa itong aura na nanggagaling sa katawan ng tao at ng halimaw. Nakikita ang lakas ng isang tao o ng halimaw sa Sygil nito. Madalas ay tinatago ito ng mga hunter upang hindi malaman ng iba ang lakas nila. Ito rin ay nagbibigay ng lakas sa tao at ng halimaw.

Hunter Academy : Lady in DisguiseWhere stories live. Discover now