Prologue

3 0 0
                                    


"Bumalik ka dito!" hiyaw ng casher sa mall pero di ko na yon pinansin.

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo, ramdam ko ang ilang humahabol saakin kaya bahagya akong napangiwi.

"Hoy ikaw tumigil ka!" Sa tingin nila sa pag sigaw nila saakin ay titigil ako?

Tss, anong utak ba mayroon sila?

Napairap na lang ako ng makitang dead end na pala ng isang iskinita ang napuntahan ako at wala ng likuan para makatakas.

Nilibot ko muna ang paningin ko naghahanap kung saan maaring magtago pero huli na dahil nasa likod ko na ang mga lalaking kanina ay humahabol saakin.

Kung minamalas ka nga naman.

"Pinagod mo kami" habol hiningang tugon ng matabang lalaki habang hawak ang dibdib niya.

Taas kilay ko lang siyang tiningnan. "Sino bang may sabing habulin mo ako?".

Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pag inda ng pagod. Tumingin naman ako sa katabi nitong guard na masama ang tingin saakin.

"Sumama ka saamin" maawtoridad pa na utos nito pero sa halip na sundin ay inilingan ko lang siya.

"Bakit ako sasama? Di ko naman kayo kilala" pagmamatigas ko habang pilit tinatago ang Video Games na ninakaw ko.

Sarcastiko pa itong natawa. "Nakita ko yung ginawa mo!"

Halos ubos na ang pasensya nito, wala naman akong nararamdamang takot dahil sana'y na ako sa ganitong gawain.

Nagsmirk lang ako bago icrossarmed ang kamay ko. "Eh nakita mo naman pala bat di mo ko pinigilan?"

Nakita ko ang pagkainis sa mukha nito kaya mas lalo akong natuwang asarin siya.

"Ibabalik mo yan o dadalhin ka namin sa prisinto?" saad pa nito.

Agad ko namang tinaas ang kabilang kamay ko at umaktong nag iisip. "Libre ba pagkain don?".

Ikinuom nito ang kamao at masama akong tiningnan, hindi naman ako nagpasindak at taas noo kong sinalubong ang mga titig niya.

"Miss babae ka—"

"Eh ano naman kung babae ako?" Putol ko sa sasabihin nito.

Mukha na siyang inis at pikon na pikon saakin. Habang ang kasama niya ay nakasalampak na sa sahig sa sobrang pagod.

Ilang metro na rin kase ang itinakbo ko bago ako mapunta sa dead end na ito.

Lumapit ito at akmang hahawakan ako sa balikat pero agad kong tinabig ang kamay niya.

"Aray" inda niya dahil masiyado atang napalakas kaya't sumalampak na siya sa sahig.

"Anong klaseng babae ka?!" Dagdag pa nito.

Ako na lamang ang nakatayo saaming tatlo. Magandang spot na para makatakas ako pero hindi ko ginawa. Nilapitan ko ang lalaking nagsubok hawakan ako.

Kita ko ang takot sa mata niya kaya bahagya akong napangiti.

Nilapitan ko pa ito ng nilapitan habang siya ay patuloy sa pag atras. Nang mapansin niyang dingding na ang nasa likudan nito ay nanlaki ang mga mata niya.

"Walang kwenta" mahinang bulong ko.

Umayos ako ng tayo pagkatapos, tsaka pasimpleng tumawa. Hinakbang ko na ang mga paa ko paalis ng hindi manlang sila tinatapunan ng tingin.

Huminto ako sandali tsaka humarap sakanila. Kita ang pagkasindak sakanilang mata.

"Ito na ang CD niyo!" Hiyaw ko sabay hagis ng CD sa isang bintana at dali daling umalis.


Pag uwi sa bahay mga damit ko ang bumungad saakin. Nakalagay ito sa plastic at box. Pati ang mga gamit ko ay nasa labas na rin ng bahay.

"Yan ilabas niyo pa yan!" Hiyaw ng kung sino sa loob kaya dali dali akong pumasok.

"Teka ano ginagawa mo sa gamit ko?" Taas noo at inis kong tanong sa ginang na kaharap ko.

Ngunit wala akong natanggap na sagot sa halip ay pinagpatuloy parin nito ang ginagawa.

Agad naman akong tumakbo sa lalaki para pigilan siyang ilabas ang maleta pero umiling lang ito bago ako mahinang itulak.

Ano na namang palabas ito?

"Hindi ka na namin kayang buhayin" panimula nito.

Natawa na lang ako sa dahilan niya. "Hindi mo na ako kayang buhayin kaya papalayasin mo ako?"

Pumalpak pa ako na parang manghamangha sa sinabi niya.

"Hindi ka lalayas" mahinang tugon niya.

"Doon ka muna titira sa uncle john mo, kaya kaniyang pag aralin sa collage."  Dagdag pa nito.

Ikinuom ko na lang ang kamao ko.

Napakamalas ko naman ngayong araw.

"Diba sinabi ko ng ayaw kong mag aral?" Pahiyaw na saad ko habang masama ang tingin sa kaharap.

"Sa ayaw at gusto mo mag aaral ka" pagmamatigas nito pero sa halip na pansinin ay nilagpasan ko lang siya.

Tumungo ako sa labas para ipasok ulit ang mga damit ko.

Nang subukan akong pigilan ng lalaki ay agad ko siyang tinulak noong una ay nagulat pa siya sa ginawa ko pero di ito nagpatinag muli niyang kinuha sa kamay ko ang gamit.

Inaagaw ko naman ito ngunit dahil lalaki siya ay di ko magawang pantayan ang pwersa niya.

"Bitiwan mo nga ito! Akin ito!" Bulyaw ko pero parang wala itong tenga at nagpatuloy lang sa paghila.

Muli akong nagpumiglas at binigay ang buong pwersa ko para makuha ang gamit ko pero bigo ako.

Sa huli ay napagod narin ako kaya padabog kong binitawan ang gamit ko dahilan para kumalat ito sa lupa.

Nanlaki ang mga mata ko.

Tangena!

"It's not my fault" nakangising tugon ng lalaki bago itaas ang kamay na parang sumusuko.

"Kingina pulutin mo yan!" Pahiyaw na utos ko sabay turo sa gamit sa lupa.

Nag iinit ang ulo ko sa lalaking ito. Umiling lang siya kaya mas nanlaki ang mata ko.

"Makulit ka kase" bulong pa niya.

Akala ko ay kukuhanin niya na ito pero nanatili lang siyang sa pwesto niya at nag iintay ng gagaawin ko.

Nirolyo ko na lang ang mata ko at nakipagmatigasan sakaniya.

Kung akala mo ay mananalo ka pwes bato ito!

Tumalikod ako at padabog na binuksan ang pinto ng kotse niya at pabagsak din itong sinara.

Narinig ko pa ang pagtawa niya pero di ko na pinansin. Sinuot ko na lang ang headset ko at nakinig ng music.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Parallel World (On-Going)Where stories live. Discover now