Chapter - 10

11.2K 405 35
                                    

- VON - 

Nandito na ko sa room at katabi si Arturo, hindi ko siya iniimik wala ako sa mood makipag usap sa kahit na sino, mukang naiintindihan niya naman ako dahil hindi niya ko ginugulo ngayun . Masyado paring magulo ang isip ko dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw kung pwede nga lang na sa loob nalang ako ng kwarto ko at wag nang lumabas at kumain gagawin ko eh! kaso baka anong isipin ni Lolo at Lola. Ayaw kong may maka alam ng pinag dadaanan ko ngayun , ayaw kong maapektuhan sila ng dahil sakin.

"Kanino ba ko maaawa sayo o kay Cyrus. " seryosong banggit ni Arturo pero hindi siya sakin nakatingin sa may bintana sa ulap. Hindi ko naman siya pinansin at tinuloy niya lang yung mga sinasabi niya.

"Naawa ako sayo Von na naasar! Bakit kailangan mag kaganyan ka sa isang lalaking hindi ka naman pinapahalagahan. " banggit nya ulit.

Umayos naman ako ng upo at sinagot ko siya. " Kase Mahal ko siya. " malungkot na sagot ko .

"Ang swerte niya Von dahil minahal mo siya pero ikaw dapat mahal karin niya diba ? " sagot niya sakin.

"Mahal niya ko yan yung huling sinabi niya nung nag usap kame. " galit na sagot ko kay Arturo.

"Pero nasan siya ngayun? Diba nasa basketball court? Nag papractice !! " galit din niyang sagot sakin.

Hindi ako naka imik sa sinabi niya, namasa naman ang mga mata ko dahil sa mga sinabi ni Arturo Tama naman kase siya eh! Mas pinili ni Cyrus ang basketball kesa sakin. At least ngayun alam kuna kung ano ang gusto niya at sigurado akong basketball yun kelangan kuna atang maging masaya para sa kanya eh!

"Wag mo sanang isipin Von na pati ako inaaway ka! Kaibigan mo ko kaya hindi ko gustong nagkakaganyan ka sana makita na ni Cyrus ang halaga mo, sana wag dumating yung panahon na parehas kayung masaktan." Seryosong banggit ni Arturo sakin.

Ngumiti naman ako kahit pilit lang "Salamat Arturo " banggit ko dito sabay labas ng room . Dumiretso ako sa canteen para bumili ng maiinom pagkabili ko ng mineral water ay umupo muna ko bago bumalik sa room ayaw ko muna pumasok ngayun masyado akong nalilito sa mga sinasabi ni Arturo.

Nagtatalo ngayun ang isip at puso ko. Sabe kase ni puso laban pa kase nga mahal ko pa pero sabe naman ni utak wag daw tanga baka daw lalo lang akong masaktan! Hayysssssttttt!!!! Ang gulo ng isip ko ngayun! inihiga ko naman ang ulo ko sa lamesa at hinayaan ang sarili kong mag isip ng may marinig akong nag uusap sa kabilang lamesa.

"Totoo kaya yung balita na nililigawan daw ni Cyrus si Ariana. " banggit nung unang babae.

Nagulat naman ako sa sinabi niya , biglang parang hiniwa ang aking dibdib sabay tinusok ng matatalim na karayum ang aking puso dahil sa mga naririnig ko. Hinayaan ko lang ang sarili kong nakayuko at patuloy na nakinig kahit sobrang sakit sakin ng mga naririnig ko.

"Dati pa naman daw nililigawan ni Cyrus si Ariana, kaso ayaw padaw ni Ariana kase nga bata pa sila pero tignan nyu naman ngayun parang ok. Na kay Ariana, sabagay kahit ako hindi tatanggi sa gwapo ba naman ni Cyrus tapos team captain pa ng basketball team tatanggi paba ko. " banggit nung panagalawang girl.

"Hoy! Wag nga kayung umasa, walang wala tayo kay Ariana Team Captain rin yung nang cheerdance kaya nga mas lalo na silang malapit sa isa't-isa eh! Dahil sa iisang court lang sila nag papa practice. Tsaka bagay talaga sila parehong mayaman, maganda at gwapo at talented pa perfect couple diba." Banggit nung pangatlong girl sabay nagtawanan sila.

Nagulat naman ako ng may humila sa braso ko at kaladkarin ako palabas! "Ano ba Arturo nasasaktan ako" galit na sigaw ko dito.

"Anong mas masakit ang hilahin kita palabas dito o ang marinig lahat ng sinasabi nila! Pano mo natitiis marinig yung mga sinasabi nila huh! Manhid kanaba wala kanabang pakiramdam. " galit rin nitong banggit sakin.

Niyakap naman ako ni Arturo at doon na ko umiyak ng umiyak "bakit ganun ang sakit sakit Arturo! Akala ko mahal niya ko . Akala ko pa naman basketball lang ang dahilan kung bakit nawawalan na siya ng oras sakin yun pala meron na siyang iba. " umiiyak kong banggit sa kaniya.

"Wag mo munang pangunahan yang mga narinig mo , pano kung hindi totoo yun . Kung gusto mong malaman ang totoo kausapin mo si Cyrus.Tara na sa room baka nandun na si Sir at mapagalitan ka nanaman . " banggit niya sakin.

Naglalakad na kami pabalik sa room ng biglang sumulpot si Cyrus mula sa kung saan.

"Pwede ba kitang makausap Von " malungkot na banggit nito.

Hindi naman ako umimik pero huminto ako sa paglalakad. "Mauna na ko Von! Tawagin mo lang ako pag kailangan mo ko. " banggit ni Arturo na masamang nakatingin kay Cyrus. Tumango lang ako at umalis na si Arturo.

"Anong meron sa inyu? " seryosong banggit ni Cyrus.

"Yun lang ba ang sasabihin mo, sige aalis na ko. " walang gana kong sagot sa kanya.

"Wag ka naman ganyan sakin Von, sobra akong nasasaktan sa mga ipinapakita mo sakin hindi mo naba ko mahal . " naiiyak na bangit niya.

"Wag mong kwesnyunin ang pag mamahal ko sayo Cyrus matagal kunang pinatunayan sayo yan. Ikaw tatanungin kita minahal mo ba talaga ko. " galit na sagot ko sa kanya.

" anong sinasabi mong minahal? Bakit sa tingin mo ba nawala nayung pag mamahal ko sayo.? " takang tanong niya sakin.

"Bakit hindi ba Cyrus? " sagot ko sa kanya.

"Hindi Von! Hinding hindi mawawala ang pag mamahal ko sayo! Kaya kong isakripisyo ang lahat para sayo." Naluluhang banggit niya.

"Patunayan mo Cyrus! " sagot ko sa kanya.

Bigla naman dumating yung mga ka team niya sa basketball "Pare hinahanap kana ni Coach " banggit ni Roy isa sa mga ka team niya.

"Sige Roy susunod ako " banggit niya dito pero hinayaan kuna silang mag usap nag umpisa na kong mag lakad nagulat nalang ako nang may humawak sa kamay ko at pinigilan ako.

"Saglit lang Mahal, papatunayan ko sayong mahal kita maniwala ka sakin magkita tayo mamayang uwian sa park sa may swing sana dumating ka aantayin kita. " malungkot na banggit nito.

Hindi paman ako nakaka sagot ay tinawag na ulit siya ni Roy kaya tumakbo na siya pabalik sa court.

----------

Malapit ng matapos ang last subject namin parehas wala si Cyrus at Ariana dahil pareho silang Varsity Player ng school, ako naman hindi na nakapag focus sa mga subjects ko. Masyado kaseng ginugulo ni Cyrus ang isip ko, hindi daw nawala yung pag mamahal niya sakin! Ano to lokohan! Pwede bayung dalawa kaming mahal niya! tapos gusto niyang maniwala ako na mahal niya pa ko.

"Hoy tulala ka nanaman, nakalabas na si Mam. Hindi kapaba uuwi. " banggit sakin ni Arturo.

"Huh! Ay SORRY! Sige mauna kana may pupuntahan pa kase ako eh! " sagot ko dito.

"Ok. Sige mag ingat ka huh! " banggit nito sabay labas sa classroom.

Ako naman dumiretso na ko sa park pero hindi ako pumunta sa may swing nagtago ako sa isang malaking puno na maraming paso na naka display, gusto kong malaman kung ganu katagal niya kong kayang antayin.

Nakaupo na si Cyrus sa isang swing at tahimik lang na nag aantay. Lumipas pa ang tatlong oras pero hindi natinag si Cyrus at patuloy siyang nag antay , medyo madilim narin at tanging ang ilaw nalang sa poste ang nag bibigay liwanag sa park.

Dahil pakiramdam ko na seryoso naman siya sa sinasabi niya nag umpisa na kong lapitan siya ng bigla naman sumulpot si Ariana sa kung saan. Napahinto ako tinignan ko silang dalawa nagulat ako ng niyakap ni Ariana si Cyrus at umiyak naman si Cyrus sa balikat ni Ariana.

Masakit makita na yung taong mahal mo yakap ng ibang tao, parang pinatunayan lang ng sitwasyon na to na hindi na talaga siya para sakin. Unti unti nang tumutulo ang luha ko at ang sumunod na nangyari hinalikan ni Ariana si Cyrus na sobrang kina bigla ko , kitang kita yun ng dalawang mata ko halos mangatog ang mga tuhod ko dahil sa nakikita ko ngayun pakiramdam ko unti unti akong pinapatay at hindi ako maka hinga ng maayus.

End of CHAPTER - 10
Vote and Comment
Please Follow @VeronSo Thank You ✌
Veron So

Second Chance (bxb)Where stories live. Discover now