Chapter 15

22 4 0
                                    

Chapter 15

I was surprised knowing that Earl, Adri ad Nyles will be in the same school as me. Akala ko ibang paaralan ang papasukan nila dahil 'yon ang pinag-usapan nila. But look where we end up? Still together in a different campus.

But this time, we have our own path as we entered the field we chose.

Earl is Tita Allura's scholar, ang mommy ni Aldwin. Meanwhile, Nyles was accepted as a scholar and Adri, her aunt from abroad decided to pay her tuition fee. Isang working student din si Adri ng school para kahit papa'no ay hindi sobrang laki ang gagastusin ng tita niya.

Even though we're in the same campus, madalang namin nakikita si Nyles. Since Earl and Adri took the same course, both of them stick together. Kaya minsan, tuwing pinupuntahan ako ni Earl ay nakasunod si Adri.

Tanging sina Earl at Adri lamang ang parehong kumuha ng parehong kurso. Nyles took the hospitality management, Van took criminoogy while Zach took medicine technology.

Dad also became less strict as I entered college. Hinahayaan na niya akong lumabas at kapag gagabihin man ay kailangang susunduin ako ni Kuya Mac at kasama si Aldwin sa pupuntahan. Kaya minsan, kahit ayoko ay wala akong magawa at hinahayaan siyang sumama. Alam ko rin naman na inuutusan din si Aldwin ng kanyang ama.

Dahil walang magawa, naisipan kong mag-aral na lang. I got bored watchig movies from my downloads. I want a different genre and plot, but I can't figure out what. Kaya naisipan kong mag-review na lang kahit tapos na.

Umangat ang tingin ko nang may naglapag ng baso ng tubig sa harap ko. Ngumiti ako nang nagtama ang tingin namin ni Earl, in his barista uniform.

I looked around and noticed there are only a few people, and that's when I realized the reason why he sat in front of me.

"Hindi ka ba napapagod mag-aral? Ilang oras ka na diyan, wala namang pasok."

I pouted. "Bored lang."

"Grabe ka naman ma-bored," tawa niya. Umiling na lang ako dahil alam kong weird para sa kanila na nag-aaral ako kapag bored.

Nakasanayan kasi. 

Dahil dati, hindi naman ako pinapayagan maglaro ay nag-aaral o nagbabasa na lang ako ng mga libro sa bahay. Few were novels, but most are about business. Marami kasing mga libro sina mommy, siguro dahil na rin sa field na pinasukan nila.

"Ikaw? May oras ka pa ba mag-aral?" 

Binigyan niya ako ng ngiti bago hinila ang kanyang mukha palapit sa'kin.

I grinned as our noses touched.

"May oras naman pero sana, gusto ko ikaw ang magtuturo sa'kin," my right brow raised.

"Mas madali ko naiintindihan kapag ikaw kaso--"

"Magkaiba ang kurso natin," wika kong tinawanan niya.

"Huwag ka kasi umasa sa'kin. Hindi sa lahat ng ras matutulungan kita," paalala ko.

Sinarado ko ang libro at nagligit ng gamit habang pinapanood niya ang ginagawa ko. He started to talk about his day as I do that.

I realized that the sun is already replaced by the moon. Hindi tulad noon ay kakabahan na ako kapag madilim, ngayon, kampante na ang diwa ko. Nasa labas lang din naman si Kuya.

When the bell rang, Earl went back to the register area to accommodate the customer. Pumangalumbaba ako at napangiti habang nakatingin sa kanya na nagtatrabaho.

I know he's also tired. From waking up early, listening to the discussion, doing his task, commuting, and working, here he is... still able to smile in front of me and his customers.

TSSS 3: Only ChildDonde viven las historias. Descúbrelo ahora