SC

9K 359 112
                                    

Special Chapter

I was lightly banging my head against the drawing table because I can't seem to come up with a decent design for our plate.

Hindi ko rin maiwasang umungot dahil kanina pa ako rito at ilang papel na rin ang inaaksaya ko dahil hindi ako satisfied sa mga nagagawa kong design.

Alas-otso na rin ng gabi at ako na lang ang nasa hallway dito sa department namin dahil ayaw ko pang umuwi sa dorm. Hindi kasi ako makakagawa doon dahil puro kama lang ang makikita ko. Nakakaantok at alam kong wala rin akong magagawa.

Hindi ko rin makasasabay sila Maggie sa puyatan dahil mas madalas, ako rin ang huling nakatutulog sa aming tatlo nila Chantal.

Kapag kasi sumusuko na silang dalawa sa review, tinutulog na agad nila. Babalikan na lang kapag nagising. Sana puwede ko rin 'yon gawin sa plates ko kaso ayaw ko ring magahol.

My internal cries were halted when a warm hand caught my forehead.

Imbis na mag-angat ng tingin ay pinahinga ko na lang din ang ulo ko sa palad niya.

He leaned closer, planting a soft kiss on my temple. Kusa naman akong napangiti doon.

"Sabi ko na nandito ka, e."

"Wala akong maisip na design," ungot ko.

"Price, wala ka talagang maiisip kasi drained ka na. Dalawa rin 'yong quiz natin kanina."

I raised my head, knowing that a frown is plastered on my face. Ayaw ko mang ipahalata kay Chiko, pero nangingiyak na talaga ako. I was panicking deep inside. Kailangan ay may maisip na akong design ngayon dahil may research pa kami sa isang subject.

"Due na 'to in three days. Wala pa rin akong progress."

Chiko cupped my cheeks as a smile drew on his lips. "Gusto mo ba ng sopas?"

"May hotdog?"

He nodded. "Oo, may maliliit na hotdog. Hindi mawawala 'yon sa request ni Chigo."

Lumabi ako. "Pupunta ba tayo sa inyo? Nakakahiya naman kila Tita. Parati akong nasa bahay ninyo."

His thumb gently brushed along my skin. Ang init ng palad niya at hindi ko maiwasang sumandal.

"Inaaya ka nga ni Mama, e. Naparami rin luto niya saka gusto niya rin namang nandun ka. Natutuwa nga 'yon sa 'yo."

The smile on his lips didn't fade even after saying that to me.

I sighed. Kasabay din no'ng ang pagbagsak ng mga balikat ko.

"Nahihiya na talaga ako kay Tita. Ang freeloader ko na sa bahay ninyo."

It was his turn to frown. Chiko squished my face as he leaned closer to me. "Kulit, hindi nga," sabi niya.

Magrereklamo pa sana ako. But I was stilled when Chiko claimed my lips. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya saka napalingon sa paligid. Mabuti na lang talaga at wala na gaanong tao. Kung mayroon man, may klase sila ng 7:30 hanggang 9 ng gabi.

"Ano ka ba," paninita ko kay Chiko.

He chuckled, leaning in again to steal one more kiss. "Ayan, 'di na pagod?"

Sumimangot ako. "I don't know. One more."

Mas lalong lumawak ang ngisi niya nang sundin ang gusto ko.

Chiko helped me carry my things. Nabibigatan na rin kasi ako sa bag ko gawa ng laptop at ilang art materials na dala. He carried my paper canister instead.

Mabuti na lang at hindi maalinsangan ngayong gabi at malamig ang simoy ng hangin. Pero baka dala rin 'yon ng ulan kaninang hapon. Buti nga at tumila na rin ngayong gabi.

Chiko held my hand while we were walking to the parking lot outside the school premises.

For the past two years that we've been going out, I noticed that he likes holding my hand whenever we're walking. Tuwing kumakalas din ako ay humahabol siya ng hawak sa kamay ko. He does it casually, too. Kaya minsan napapaisip ako kung nahahalata niya bang ginagawa niya iyon

Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad niyang nilagay ang mga gamit namin sa backseat bago ako pagbuksan ng pinto sa passenger seat.

"Ako na mag-aayos d'yan, Price. Sumakay ka na rito."

I didn't argue. Pagod na rin kasi talaga ako kaya sumakay na ako agad sa passenger seat. Chiko even fixed the seat belt for me. Inayos niya rin ang upuan ko para maayos akong nakahiga.

"Alam kong traffic ngayon kaya matulog ka muna. Para pagkarating natin sa bahay mamaya, may energy ka na ulit. Sasabay akong gumawa ng plate sa 'yo," he told me. 

"Sure ka bang okay lang? Baka antukin ka rin habang nagda-drive kasi tulog ako."

Humaba ang nguso ko nang tumano si Chiko. 

"Okay lang ako. Magpahinga ka na lang."

I don't want to sleep while his driving. Unfair din naman 'yon sa kanya. But at the same time, his offer is tempting, too. May kalayuan ang bahay nila sa school, idagdag pang siksikan sa daan ngayon dala ng traffic.

Tatlong oras din 'yon.

Bumalik si Chiko sa backseat para kuhain ang isang unan at ang tinatago niyang travel blanket. Nagtataka ako dati kung bakit may gano'n siya sa sasakyan. He reasoned that his mom easily gets cold. Gusto rin daw ng bunsong kapatid niya na may niyayakap na unan tuwing bumabiyahe.

Chiko plumped the pillow behind my head. Niladlad niya rin ang kulay pink na travel blanket saka ako kinumutan.

I was smiling while he's doing that. Kaya bago siya umalis nang matapos akong kumutan ay yumapos ako sa kanya.

I pulled him closer, burying my face in the corner of his neck. Ang bango niya talaga. Kasing bango ko.

"Price, uwi na tayo," natatawa niyang sabi pero yumakap din naman sa akin pabalik.

"Shh . . . 1 minute lang."

He chuckled softly. "Make it five."

Here Again (Love in Paris # 3)Where stories live. Discover now